(Ella)
Abala ako sa panonood ng T.V ng ilang beses tumunog phone ko.
Punta ka sa bahay. Message mo si Zac pati yung iba. - Gwen
Ano kayang meron sa bahay nila ngayon? Nakakapag taka ah.
Dali dali akong nagpunta sa bahay nina Zac.
"Zac! Zaaacc! Tita si Zac po?" tanong ko kay Tita Cathy, mother ni Zac. Bigla na lang lumabas sa harapan ko eh -.-
"Nasa kwarto nya ija. Bakit?"
"Ah eh, may sasabihin lang po ako" sabi ko.
"Zac! Si Memey nadito! Bumaba ka dyan" sigaw ni Tita Cathy. Aysus, ayaw ko nga ng tinatawag ako sa second name ko eh. -.-
Kita kong pababa na ng hagdan si Zac. Hawak ang phone.
"Bakit?"
"Punta daw tayo kina Gwen. Nag text sya sa akin eh. Text mo sina Mike, Jeric at Vince. Isama mo na pati si Alex." sabi ko.
"Ano kayang meron dun?" tanong nya.
"Ewan. Tara na lang" sabi ko.
Nag lalakad kaming dalawa papunta sa bahay nina Gwen. Hindi naman namin mahanap sina Alex. Nakita namin sina Mike, Jeric at Vince na husto sa pag nguya sa may terrace nina Gwen.Wow, may birtdeyan ba?
"E di na pala natin kailangang sunduin ang mga mokong na to eh, narito na pala" sabi ko kay Zac habang papalapit kina Jeric.
"Kararating lang din namin dito" depensa ni Jeric.
"Si Alex asaan?" tanong ko. Yung tatlong mokong lang yung nakikita namin dito.
"Nasa loob" sagot ni Mike. Naunang pumasok sa loob si Zac, pagkatapos ay ako. Nakita kong kumakain na si Alex, katabi sina Liam at Dan. Nagtungo ako sa kusina para hanapin si Gwen. Napansin kong abala sya sa pag-aayos ng pagkain sa mesa.
"Panini? Anong meron? Bakit may pagkain?" tanong ko kay Gwen.
"Birthday ni Veronica" sagot nya.
"Oh eh ano ngayon?" Taas kilay kong tanong. Eh ano ngayon kung birthday ni Veronica?
"Slow ka ba?! Syempre dito sya nag handa. Gusto daw nya dito sa bahay namin" mataray na sagot sa akin ni Panini.
"Eh di ba may bahay naman sila? Maganda pa nga eh" depensa ko. Bakit dito sya nag handa bakit hindi don sa magarang bahay nila?
"Eh sa gusto nya dito eh! Pake mo! Kumain ka na lang kaya! Dami mong sinasabi" inis na sabi nya. Halos mapapikit naman ako sa sinabi nya.
"Tse." irap ko. Nandoon si Veronica sa sala, kausap yung mama ni Gwen.
"Happy Birthday, Veronica" nakangiti kong bati kay Veronica.
"Salamat" ngiting sagot ng bessywap ni Panini. "Hello po, Tita Wilma.." bati ko naman sa Mother ni Panini.
"Kumain ka na ba Ella? Kumain ka na dun, birthday ni Veronica." nakangiting sabi ni Tita Wilma.
"Sige po" tipid kong tugon. Si Panini, hula ko di pa yan kumakain, busy sya sa pag huhugas at pag ayos ng pagkain sa mesa. Bumalik ako sa kusina para kumuha ng plato.
"Anong ginagawa mo dito payong?" tanong nya sa akin.
Payong? Mukha ba akong mahaba na may hook sa mukha?
"Hindi ako si payong. Kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya.
"Hindi pa. Busy pa ako dito." sagot nya. Tinulungan ko sya sa pag lalagay ng mga pinggan sa dish drainer.
BINABASA MO ANG
CROWN'S ARDOR (FORBIDDEN LOVE)
Teen FictionLove isn't something you find. Love is something that finds you. Ehem, ako si Gwen, Gwen Crown, Crown Gwen 😂. You can call me Panini. Pero Gwen na lang, ang pangit sa ears. Isa lamang akong studyanteng single at wala pang balak na magkaroon ng labl...