Chapter 24

5.1K 187 5
                                    

(Gwen)

"Kasi alam kong, pag naglipstick ka kinakain mo lang. At nakakapagtaka kasi yung gilid lang labi ng mo meron at mukhang bahid pa." Sabi nya at pinagmasdan ang mukha ko.

Kailangan ko mag isip ng reasons.

"Kissing her is the best." Biglang sabad naman ni Veronica. Pareho kaming nagtinginan ni Gian.

"She has kissed you already." Manghang sabi ni Gian. Wow! Bakit namamangha pa sya sa sinabi nya?

"Tumahimik ka nga dyan" irap ko kay Gian.

"Ikaw Ella, wag ka nga O.A. Nag testing lang naman ako na mag lagay ng lipstick eh. Inalis ko kaagad kasi pulang pula tapos o yan kumalat. Iisipin mo agad, may humalik sa akin." Irap ko dahilan sa kanya. Mabuti na lang nakaisip ako ng magandang reason.

"Napaka O.A eh" sabi ko. "At ako pa ang O.A ngayon Panini? Hello, hindi naman halatang—" bago pa natapos ni Ella ang sasabihin nya nag salita si Gian. "Maybe Veronica kissed her"

Nagtinginan kami ni Veronica. Tumawa si Veronica. "We didn't." Tumatawang sabi ni Veronica.

Tumikhim ang nasa unahan na guro. "Oo nga ang O.A ng pinsan mo, Ms. Gwen" sabat ng guro ko sa una. Si Ms. Vien.

Tse! Dahil sayo nahahalata ako. Hindi naman ako sasabay sa kanya mamaya. Kasalanan nya to.

"Well, kissing Gwen was the best. Ang cute kaya ng labi mo. Ang swerte na ng humalik dyan or humahalik dyan." Biglang sabi ni Veronica. "Gaga ka ba?" Bulong kong tanong sa kanya.

"No. I'm not mental" pokerface na sago ni Veronica. "So, my point is swerte ako" sabay kindat sa akin. Tumingin ako sa guro na nasa unahan ko at ang masama na ang tingin nya sa akin.

Ewan ko sayo Ms. Vien ka! Dahil sayo na-hotseat ako dito sa kinauupuan ko.

Ito naman kasing pinsan ko masyadong maurirat. Echusera eh.

After ng klase, minadali kong kunin ang gamit ko, naiinis ako talaga ako kay Ms. Vien. Pero hindi pa ako nakakalabas ng room ng maramdaman ko ng lumalapit na sa akin si Vien.

Lumingon ako sa kanya at sinamaan sya ng tingin.

"Kasalanan mo to. Argh!" Nabubwiset na sabi ko with matching gigil ng kamao. Lalo naman ako nainis kasi nakangiti pa sya.

"Huwag mo ko ngitian dyan, may—"

"May kiss ako sayo?" Putol nya sa sasabihin. Mabuti na lang kami na lang dalawa ang tao dito.

"Pwede ba! Tigilan mo ko! Argh! Bastos! Hindi ako sasabay sayo!" Inis kong sabi sa kanya
Natawa lang sya. Ano ba! Hindi mo ba kita inis na inis na ako tapos tatawa ka lang.

"Sasabay ka sa akin." Sabi nya pa.

"Ble! Ayaw ko! Dahil sayo na-hot seat ako!" Sagot ko at nag lakad palabas pero hinila nya ako pabalik. Porket kasi walang makakakita sa amin kaya nahihila nya ako ng bongga.

"Aww, sorry baby. It's your fault too. Bakit hindi mo pinunasan yung lipstick para hindi ka halata di ba. Use your mind baby." Insulto nya at saka ako ninakawan ng halik.

"Heh! Ewan ko sayo! Bahala ka sa buhay mo! Hindi ako sasabay sayo mamaya" inis na sabi ko at nag tatakbo na talaga palabas.

Akala nya sasabay ako sa kanya mamays. No way. Bahala sya sa buhay nya. Tatakasan ko sya mamaya. Paglabas ko ng classroom nya, nakita ko si Ms. Keith na kausap si Paul. Pakiramdam ko umakyat ang dugo ko sa ulo. Bumalik ako sa room na kung saan naroroon pa si Ms. Vien.

Gulat na gulat sya kasi bumalik ako. Hinawakan ko ang dalawa nyang balikat at sinandal sa pader.

"Ako ang priority mo mamaya. Ako ang ihahatid mo. Huwag na huwag kang sasama sa Paul mo kung hindi, lagot ka sa akin." banta ko.

CROWN'S ARDOR (FORBIDDEN LOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon