Chapter 28.2

5.2K 171 12
                                    

(Gwen)

"Sige, Maricris. Una na ako. May kasama ka na naman" paalam ko kay Maricris. Duh, nakakainip kaya at nakaka-O.P. Pano, may dumating na lalaki tapos bigla nalang umupo at kinausap si Maricris at hindi na ako naentertain ni Maricris. As in duh! Ako yung sinama nya sa café. Ayoko pa naman sa lahat ay yung ma-O-O.P.

"Ha? Eh, hindi mo pa nga naiinom ang binili ko sayong frappe eh" pigil hawak ang wrist ko.

"Nah, it's fine. Bigay mo nalang sa kanya. Tutal, mukhang uhaw na uhaw sya sa ka-dadaldal sayo. Iga na nga sya oh, tuyo na ang laway." sarcastic kong sagot sa kanya.

"Thanks for making me out of place" dagdag ko pa bago sya tinalikuran.

Hello! Ako ang isinama nya dun, tapos hindi nya ako naentertain kahit 5 minutes. In-entertain nya ay yung lalaking dumating. Hindi nga lunch ang 'date' na sinasabi nya, dinala nya ako dito sa isang café. Pumayag naman si Vien na lumabas ako with Maricris as long as walang malisya sa akin, susme! Ni isa wala nga! Ewan ko lang sa kapatid nya. At saka, ang kulit daw ng kapatid nya. Close na close daw kami ni Vien kaya sya ang kinukulit. Medyo kinabahan si Vien baka kasi nakakahalata si Maricris kaya ang ginawa ni Vien tinext ako para pumayag sa gusto ng kapatid nya.

Hindi pa ako nakakalayo sa café ng may tumawag sa akin.

"Baby!"

Lumingon ako at nakita si Vien na nakadungaw sa bintana ng kotse nya.

Nakangiti sya at nag wave. Ngumiti din naman ako pero konti lang. Nababadtrip ako eh.

"Oh, bakit nakasimangot ka?" taka nyang tanong. Napansin nya kasi ang mukha ko na nakasimangot.

"Yang kapatid mo kasi" sumbong ko at sumakay sa kotse nya.

"Why? I thought mag kasama nga kayong dalawa?"

"Oo, nakaka-O.P. May dumating kasing lalaki tapos hindi ako in-entertain nyang kapatid mo at hinayaan ako don na malay ko ba sa pinag uusapan nila." inis kong sagot at binagsak bagsak ang handy bag na nike sa hita ko.

"Alam mo bang may dadating pa? At saka sinong lalaki?" Sunod sunod na tanong ni Vien.

"Ewan ko. Basta na lang may umupo sa tabi nya. Don't get me wrong baby. Ayaw ko lang na na-O-OP. " pa c-clear ko. Kasi baka akalin ni Vien na nag seselos ako dun sa lalaki. No way!

"I know, baby. Well, if it's me magagalit din ako." sagot nya at ninakawan ako ng halik.

"I love you" bulong nya.

"I love you too. Nag d-drive ka." paalala ko sa kanya. Hahalikan na naman ako eh.

Susme! Medyo nawala yung init ng ulo ko. Hahaha! Charot lang. Tiningnan ko si Vien habang nag -d-drive sya. Ang cute ng expressions ng mukha nya kapag yung ililiko na nya ang kotse.

"Bakit mo ko tinititigan ng ganyan?" tanong nya.

"Ang cute mo kasi" nakangiti kong sagot.

"I know." sagot nya sabay kindat.

Yun lang, mahangin. Proud na proud sa sarili. -.-

"Baby, may nakalimutan akong sabihin sayo. About sa akin at kay Paul." sabi nya pag iiba ng topic.

Buti naman naalala nya. Kasi kanina sabi nya sasabihin nya daw sa office. Yun nga lang nakulangan ng time.

"Okay, start" sagot ko.

"Tapos na kami at sinabi ko sa kanya na ayaw ko lalo na nakita sya ni Mommy na may kahalikang iba sa parking lot ng mall"

Nakahanap talaga sya ng way para mabreak si Paul. Well, mas ayos yung ganong way at saka sinasabi ko na nga ba eh timer ang hayop na yun. Niloloko lang si Vien. Akala mo kagwapuhan, hindi naman. At totoo nga ang sinabi ni Alex.

CROWN'S ARDOR (FORBIDDEN LOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon