Chapter 8

6.1K 206 8
                                    

(Gwen)

"Hahaha! Basted!" Asar ko kay Vince. Paano ba naman nag papacute dun sa isang girl. Kaso, hindi sya nagustuhan, another thing is inirapan lang si Vince. Kaya sumimangot ang pinsan ko.

"Ganito kasi mag pacute" sabi ko tapos kumindat sa kanya. Lumapit ako ng onti dun sa babaeng bumibili ng sprite sa tindahan. Nasa labas kasi kami ng campus. Nasa may hagdanan kaming pito.

"Miss! Miss!" tawag ko dun sa babaeng laging tinitingnan ni Vince. Tumingin naman sa akin yung babae.

"Hi?" bati ko sabay wave.

"Hello" nakangiting sagot sakin nung babae.

"Ang landi mo, te!" sabay hampas sa akin ni Ella. Tumingin ako kay Vince. Tumayo ako at payabang na nag poporma sa harap nya. Binibiro ko lang naman sya. Nag sasayaw ako ng Switch Up.

"Bakit nung nag hi ako, inirapan lang ako. Pag ikaw naman, eh may hello" reklamo ni Vince.

Tawanan kami ng lalong sumimangot si Vince. Lakas ng appeal ah!

Ako pa ba.

Patalikod akong nag lalakad habang nakikipagharutan sa kanila ng may maramdaman akong may nabangga akong babae.

"Aayy!" pareho naming sigaw ng nabangga ng likuran ko. Lumingon ako agad para humingi ng paumanhin. And to my surprise, si Veronica pala ang babae.

"Veronica" Bati ko sa best friend ko. Sa totoo lang ilang buwan ko rin syang hindi nakita, mga 3 months? Kasi mula ng pagkagraduate namin ng highschool hindi sya nag papakita sa akin. Ako rin naman, busy ako sa bahay, hindi kami masyadong nagkakasama. Minsan lang din naman sya mag text or mag chat.

"Gwen?!" gulat na gulat nyang bulaslas. Tumingin ako sa mga kasama ko tapos mga nakangisi sila. Wow, ano naman ibig sabihin ng mga ngisi nila, aber?

"H-Hi?" awkward na bati nya. Babati na din sana ako pero napansin ko ang paparating na lalaki. Kunot noo kong sinulyapan si Veronica, dahil ang lalaki lang naman na palapit sa amin ay yung lalaki na inaway ako sa court.

Alam nyo ba naman, bigla bigla na lang akong tinulak noon pagkatapos namin mag laro. Take note, sumali sila sa laro namin. Akala nga namin, galit na galit sila kasi natalo namin yung grupo nila. Yun pala, sisigawan lang ako ng mokong na to. Threat daw ako kanilang dalawa ni Veronica.

As in duh? Kailan pa ako naging banta aber? At saka pake ko sa lovelife ng dalawang to. Excuse me rin ano, dapat nga hindi sya natatakot sa akin eh, kababae kong tao aagawin ko sa kanya si Ronnie? No way ano. Best friends lang talaga kami ni Ron.

"Baby? Tara na?"sabi nung lalaki sabay kiss sa lips ni Veronica. Pinag mumukha ba nito hindi ko maagaw sa kanya yung girlfriend nya? Jusko, kahit na mag make out pa sila sa harapan ko o french kiss, ayos lang. Yun nga lang nakaka awkward. Eww!

"Wait lang, baby" sweet na sabi nya sa boyplen nyang mukhang bote ng gin. Sumulyap sa akin si Veronica. "Can we talk?" tanong nya sa akin. Tapos binigyan ako ng hopeful eyes.

Ano pag-uusapan nyo?

Ewan ko! Manghuhula ba ako?

"Ngayon na ba?" tanong ko, sumulyap ako sa mga kasama ko then, balik ulit kay Veronica.

"Kung pwede sana" sabi nya tapos, nilalaro laro pa nya yung mga daliri nya. Gusto talaga ako nitong kausapin. Ayan na oh, nilalaro na ang mga daliri sa kamay. Ganyan yan sya, pag napansin mong nilalaro nya ang daliri sa kamay, may gustong makuha or yung gusto nyang kausapin ka. Yung ganun.

"May kasama ka oh." sabi ko pa. Ayaw ko nga kapag mag uusap kame, eh may asungot na sisingit. Tapos baka mamaya makipag suntukan na naman jowa nyang mukhang gin.

CROWN'S ARDOR (FORBIDDEN LOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon