(Ella)
Ella Mae Gonzales ang name ko, 17 yrs. old. A college student. Maganda ako at alam niyo yan :). Di naman ako ganun katangkaran, 5'4 lamang. Mas kapre sa akin si Gwen. Bata pa lang ako, lagi ko nang kasama si Panini a.k.a Gwen Gonzales Crown. Ayaw na ayaw ni Gwen na tinatawag siyang Panini sa harap ng maraming tao. Sanay na akong yun ang tawag sa kanya.
Masyado syang O.A. Hindi bagay sa beauty ko. Tse! Hahaha!
At ngayon, pupunta na kami nitong pinsan ko sa C.Columbus Institute na papasukan namin. Mag eenroll. Kasama namin sina Zac, Vince, Mike, Alex at Jeric. Dun sa apat, si Alex yung babae. 18 years old na silang tatlo, 2nd year college na. HRS ang kinuha nilang course. At kami ni Gwen ay, I.T. Honestly, nauna ako sa kanya na pumasok dito, kaso nag stop ako.
"Gwen? Dito rin daw papasok si Ron ah?" basag ni Vince sa katahimikan. Ang tahimik kasi namin maglakad, natutulad kami kay Gwen. Basta kapag tumahimik na si Gwen at hindi na nakipaglokohan, tahimik na rin kami. Yan kasing si Gwen, akala mo ang taray taray ng dating lalo na pag hindi kilala, tapos para siyang baliw kapag kaharap na ang mga kakilala nya lalo na kaming mga close nya. Iba yung tama nya sa utak. Walang hanggan ang peg!
"Oo nga daw. Ang Mama nag sabi." sagot nalang ni Gwen. Pumasok na kami ng gate. Nakita namin na may mga naka upo na sa isang mahabang table nag fi-fill -up.
Tahimik lang na naka upo si Gwen, habang sina Zac naman daldal ng daldal sa mga kaklase nila. -_-"
"Uy! Anong name ng katabi mo? Pinsan mo ba yan?" Tanong ni Mark, kursanada siguro si Gwen.
Mukhang may nagkras agad kay Gwen ah!
"Oo, wag ka maingay, di nya gusto ang maiingay" sabi ko kay Mark. Kabarkada ni Zac. Mayabang, playboy pa. Tapos, feeling gwapo.
"Weh?"
Wow! Hindi maniwala? At saka ang lakas ng loob nyang lumipat ng seat. Nag warning na sa kanya si Zac pero mukhang hindi sya marunong makinig, o baka bingi lang talaga.
"Hi" bati nya kay Gwen. Di naman lumingon si Gwen. Hahaha! Parang gusto ko na ang mga susunod na mangyayari.
"Uhm.. Hi, Ako nga pala si Mark" pakilala ni Mark bago tumayo at nilahad ang kamay.
"Pakinggan niyo, 'OK' lang ang isasagot niyang pinsan namin" bulong ko kay Angel best friend ni Alex.
"Whe?" Binigyan ko ng dagger look si Angel. Tumaas lang dalawa nyang kilay. So hindi talaga sya maniniwala?
"Oo nga" sabi ko. Tiningnan ko si Gwen at Mark. Tiningnan lang ni Gwen si Mark.
"Ok" bored na sagot ni Gwen. "Pfffffttt! Hahahahaha!"pigil tawa namin nina Angel at Alex kay Mark. Para namang ewan si Mark na nakatayo pa din. Tumayo si Gwen at hinila ako papunta sa mga nag bibigay ng fi-fill upang papers.
"Sorry tayo na pala ang sunod" sabi ko sa kanya. Baka mamaya batukan nya ulit ako kung sakaling hindi ako tumayo.
Lumingon sya sa akin, tumatawa pa din ako. "What's going on? You look shit" napalakinaman mata ko dahil sa pag eenglish nya na may accent pa ng taga oceana. Aussie lang? Char!
"Oh, Oh, ang mata " saway ni Ms. Keith sa akin dahil wagas lang naman akong umirap. Kilala ako ni Ms. Keith, pumasok na ako dito kaso nag stop ako mag school noon. Ewan ko ba, tinamad akong pumasok eh. Anyways, mababait sila, tbh, sila yung mga professor na mababait at marunong makisama.
BINABASA MO ANG
CROWN'S ARDOR (FORBIDDEN LOVE)
Teen FictionLove isn't something you find. Love is something that finds you. Ehem, ako si Gwen, Gwen Crown, Crown Gwen 😂. You can call me Panini. Pero Gwen na lang, ang pangit sa ears. Isa lamang akong studyanteng single at wala pang balak na magkaroon ng labl...