Chapter 31

4.2K 134 3
                                    

(Gwen)

After 1 week matapos ang birthday ko, hanggang ngayon hindi pa rin nag sisink in ang mga nangyayari sa buhay ko. Pag labas ng Papa ko, kapatid ko sa ama si Anj at mamaya naman dadalhin ako sa mansion nila.

"Baby, hey. Kanina pa akong dumadaldal dito hindi ka naman nakikinig sa sinasabi ko" may halong pag tatampong pukaw ni Vien sa akin. Nginitian ko lang sya bago sumandal sa braso nya.

"Sorry. Madami lang akong iniisip." sagot ko.

"I know. Nagugutom ka na ba? I'll cook" sabi nya at tatayo pero pinigilan ko sya.

"Later nalang. Dito ka nalang muna sa tabi ko" sabi ko and side hug her.

"Okay" sagot nya. Nasa condo nya ako. Sabado ngayon at wala akong magawa sa bahay kaya nag punta ako sa Condo nya. Sinabi ko lang kay Mama na may gagawin akong project para makaalis ako. Lalo na't dadating si Papa sa bahay. OO na, Papa na ang tawag ko. Sabi ng Mama ko eh, tawagan daw namin syang Papa kasi Papa naman daw namin sya. -.-

Narinig ko sa usapan ni Tita Yolly at ni Mama kanina eh. Kaya rin naisipan kong umalis. Hindi ko pa kasi handang kausapin ang tatay ko. Parang ang hirap, lalo't nung isang araw ko lang sya nakita.

Napapangiti naman ako kasi naalala ko yung time na nag punta ako sa condo unit ni Veronica at mali ang unit na napuntahan ko. At kay Vien ang napuntahan, na hindi ko naman alam na nasa condo nakatira si Vien. Mali pa ang ibinigay sa aking number ni Ella non, 143 daw. Yun pala 145 ang number. Nakakahiya ang mukha at sinabi ko nun. Nag sabi pa ako ng iloveyou ang meaning ng condo unit nya.

**

Nagising ako sa amoy ng isang putahe na niluluto. Ang bango. Nakatulog pala ako. Bumangon ako at hinanap kung saan nanggagaling ang bango.

"Ang bango naman" sabi ko. Niyakap ko sya habang nakatalikod at nag lagay ng ulam na niluto nya sa gray bowl.

"Hey, gising ka na pala. Hindi muna kita ginising. Ang peaceful mo matulog and too adorable." sweet nyang sabi sa akin at umikot para makaharap ako.

Inilapit nya ang mukha nya. Pero lumayo ako. Tiningnan nya ako ng 'Why?' look.

"Bagong gising ako" paalala ko sa kanya.

"It doesn't matter. Come here" hinila nya ako bago hinalikan sa labi.

Hinanda ko na ang pag kakainan namin. At mamaya aalis na rin ako pupuntahan ko pa si Mr. Fernando.

Isama ko kaya si Ella. Ayaw ko naman na pupunta ako dun mag isa.

"B, di ba sabi mo pupunta ka sa bahay ng Papa mo?" interrupt ni Vien.

"Yes, why?" tanong ko. Then, uminom ng tubig.

"Isama mo kaya ang pinsan mo kapag nag punta ka" suggets nya.

"Yan din naisip ko. At saka hindi naman ako pupunta dun ng nag iisa lang." sagot ko. And ,duh baka kung aning mangyari sa akin don. Ang gulo kaya ng mga nangyayari sa buhay ko. Hindi man inexplain ni Mama lahat. Basta ang utos nya sumama daw ako sa mansion ng Papa ko. Bakit ganun? Ang dali para sa kanya nang mga ganitong bagay?

After namin kumain, nanood lang muna kami ng kaunti ng movie at niyaya na nya akong ihahatid. Tinatanggihan ko pa ang alok nya pero nung sabihin nyang nakamotor kami, at kailangan ko ng umuwi talaga sa bahay ay pumayag na ako.

Pag kahatid nya sa amin nag tatakbo ako paloob at hinanap si Ella. Sakto naman lumabas sya ng bahay nila.

"Ella! Mag bihis ka dali" sigaw ko.

"Bakit?"

"Basta." sagot ko na lang. Alam kong mag bibihis yan, kaya iniwan ko sa sya.

Mayamaya nga saktong alas tres dumating ag sundo ko na puting kotse. Hinila ko si Ella paloob ng kotse kasi parang nag baback out pa sya sa pag sama sa akin. Pero wala syang nagawa kundi ang sumakay kasi ang sama ng tingin sa kanya ng driver nang kotse.

CROWN'S ARDOR (FORBIDDEN LOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon