Chapter 54

3.9K 151 26
                                    

(General)

Matapos ang trahedyang nangyari. Nasa loob ng ospital ang mga biktima. Nasa loob ng operating room. Si Ella na balisang balisa at hindi mapakali sa inuupuan. Hindi makapaniwala sa kinahinatnat ng kanyang pinakamamahal.

Patay na si Rodolfo. Ang ibang tauhan, nakakulong na. Ang iba wala ng buhay. Nakakatrauma ang mga nangyari.

Hindi na nya napigilan ang sarili. Tumulo ang luha nya habang nakatanaw sa bintana at inoperahan ang pinakamamahal nya at tinitingnan kung ano pa ang may damage sa ibang katawan.

Mag-aalas dyes na ng gabi. Narito na din ang pamilya ni Vien. Magulang ni Veronica at tita ni Ella.

Si Ella na umiiyak, halos pinapadyak ang paa. Ngayon lamang nila nakita ganon ang pag-iyak ng dalaga. Naawa sila sa hitsura ni Ella. May bahid ng luha ang mga pisngi. Hindi tumahan.

Nasa waiting area sa loob ang tita ni Ella. Si Angela, at si Maricris ay katabi lang ng humahaguhol na si Ella.

"Ang sakit sakit, guys!" Naluluhang sabi ni Ella.

"Bakit ganon Ms. Angela? Hindi pwede to eh. Hindi" naluluhang pag papatuloy na sabi ni Ella.

"Ella Mae tanggapin mo na ang nangyari. Kasalanan mo din. Huli ka na para kunin sya" sabi ni Angela at inakbayan ang dating studyante. Lumabas mula sa ward si Vien na nakawheel chair. Minor lang ang pagtama sa kanya ng baril.

Pinag masdan nya si Ella na umiiyak sa labas. Hindi naman sya maaaring lumabas kaya tiningnan nya na lang.

"Wala na, tapos na. Nangyari na ang lahat Ella. Hindi na natin sya maibabalik" mahinahong sabi ni Maricris. Tumango si Angela.

"Noo!" She cried once more.

Naririnig mula sa labas ni Vien ang pag-iyak ni Ella. Namumuo na rin ang mga luha nya dahil kay payong.

"Kabibili ko lang non kanina! Sabihin nyo sakin nasaan ang hustisya sa pag kayupi ng cellphone ko?! Sabihin nyo! Ang mahal ng bili ko don eh, 3600 yon. Latest model pa naman!" Madramang eksena ni Ella sa labas. Biglang umurong naman ang luha na papatak mula sa mata ni Vien dahil sa sinabi ni Ella.

"Wag ka mag-alala ayon na oh, inooperahan na sa cellphone repair shop" sabay nguso ni Angela sa katabing commercial building kung saan may cellphone repair shop at doon dinala ang nabasag na cellphone.

Tama kayo sa nababasa nyo. Hindi si Gwen o kung sino mang biktima ang iniiyakan ni payong. Kundi ang cellphone na kabibili nya lang kanina. Basag na basag lang naman ang screen ng phone nya matapos bagsakan ng katawan ni Rudy. Nahulog ang phone nya at nag slide patungo sa kinaroroonan ni Rudy habang nakikipag barilan sa pinsan nyang si Gwen. Sinisigawan nya si Gwen at Rudy na 'Wait! Ang phone ko! Kunin ko lang' Para tumigil sandali ang labanan ngunit walang nakarinig at ang masaklap, nabagsakan ng patay na katawan ni Rudy, eh ang laki nun, parang si Vishka.

"May warranty pa naman. Papalitan mo" saad ni Maricris.

Biglang nag liwanag ang mga mata ni Ella. Pero napalitan din ng lungkot dahil bukas pa nya mapapaltan ang binili nyang cellphone.

"O sya halika na pasok na tayo sa loob" suggest ni Angela. Kahit nag hihinagpis pa rin si Ella, pumasok na rin sya. Nakita nila si Vien na nakawheel chair.

"Ella?" Tawag ni Vien.

"Po?"

"Akala ko kung ano ang iniiyakan mo. Yung cellphone mo lang pala! Akala ko naman damay na damay ka sa pagkakarecover ng pinsan mo" irap ni Vien kay Ella.

"Hindi naman yan mamamatay eh, duh! Masamang damo yan" irap ni Ella. Papasok sila sa loob ng private room ni Vien, ngunit hindi kasama si Gwen.

Kasalukuyang nasa ICU si Gwen para tuluyang gumaling. Maayos naman ang kanyang kalagayan. Natanggal na rin ang dalawang bala na tumama sa binti at sa tyan nya. Nasalinan na rin ng dugo. Hindi maaaring ilagay ang walang malay na dalaga sa isang silid, kung saan mabubulahaw ng bunganga ni Ella.

CROWN'S ARDOR (FORBIDDEN LOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon