Chapter 55

8.4K 166 26
                                    

A/N: This is it guys. Sa wakas!

. . .

(GWEN)

Limang taon matapos ang kasindak sindak na pangyayaring yon. Buhay pa rin naman ako. Narito ako sa kompanya ni Papa at ako na ang nag aasikaso ng lahat. Naging CEO lang naman ako noong 22 ako. Isang Apparel Company ang negosyo ni Papa. Well, matagal na itong negosyo mula sa Lolo ko pa.

"Hi Good Morning" bati ng isang magandang dilag sa harapan ko. Ngumiti ako.

"Good morning to you too, Ms. Coreen" bati ko din sa kanya at nag playful brows pa ako. Natawa sya.

"May bisita ka nga pala. And here, may naiwan ang sekretarya ko, so ako na lang ang mag papapirma sayo" nakangiti nyang sabi.

"Sure Coreen. Pero alam mo, mas masarap palit tayo ng posisyon" biro ko.

Tumaas bigla ang kilay nya.

"And why is that?" Ayan na nag taray na. Ito talagang pinsan kong to, napakataray.

"Para ano," kinakabahan kong sabi.

"For?" Tinaasan nya pa ang kilay nya.

"Ikaw naman nag tataray agad yang kilay mo. Akin na nga yan, iwan mo muna ang papeles. Papasukin mo na yung bwiset na bisitang sinasabi mo" surrender ko sa kilay nya. Haha ang taray talaga ni couz.

Ngumiti sya tapos umirap sabay talikod. Manang mana talaga sya sa Dad nya. Charot! Mabait yan hindi demonyo. Daddy nya si Uncle Rudy. Sya pala yung nawawalang anak, I mean the takas girl nong kalagitnaan ng sagupaan ng Crown at Eliot, panahon pa nya at ng kapatid nya. And yung nasa ADB nabinabantayan namin. Ayaw nya daw maging ganon so umalis sya. Bumalik lang sya ng malaman nya na patay na Dad nya at ililibing na. Akala ko magagalit sya sa akin dahil sa nangyari. Di ba, isa ako sa bumaril sa Dad nya, kahit na sa binti at braso lang tumama ang bala ko. Shems, hindi talaga ako marunong bumaril noong mga taym na yon. Hindi naman sya nagalit, nag pasalamat na lang sya kasi natapos na rin ang sigalot.

"Hoy bwiset pasok ka na daw" sigaw nya sa asawa ko.

"Coreen!" Saway ko. Kalorki! Lagot na naman ako sa asawa ko nito eh.

"Sinong bwiset ha?" Mataray na sigaw ni Vien. Yan na nga ba ang sinasabi ko eh.

"Bye cousin" pilyang ngiti ng bwiset kong pinsan. Kung may Ella version sa side ni Mama, may Vien at Ella version sa side ni Papa.

"Sinong bwiset?!" Ulit na naman nya kaya medyo napatalon ako.

"Yung pinsan ko. Ano palang ginagawa mo dito?" Pag iiba ko sa usapan. Nakakatakot talaga sya lalo't ganito sya.

"Binibisita ka." Sagot nya.

Di naman obvious no. Halos araw araw na nya akong binibisita dito, eh ang payo sa kanya Stay at Home.

"May binubulong ka dyan?" Mataray nyang pukaw sakin.

"Wala" kabadong sagot ko.

"So kamusta na ang loves ko?" Tanong nya. Nakakatunaw ang ngiti nya.

"Stress pero okay na, narito ka na eh" sagot ko. Ngumiti sya at niyakap ako sa tagiliran. Kiniss nya ang neck ko. Buti na lang mabango ako.

Umupo ako sa swivel chair ko. I need to read Coreen's papers. Ang dami kasing kalaban sa Apparel. Kailangan din namin baguhin ang model. We need a man like James Reid, or a woman like Solenn Heausaff. Yung mga modelo ang height, char. Pero bago ko sagutin ang mga katanungang yan. Kailangan ko muna siguro sagutin tong bwiset na tumatawag via skype.

CROWN'S ARDOR (FORBIDDEN LOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon