(Gwen)"Ma, hindi ba talaga maaring talikuran ang lahat ng yon?" Naiirita kong tanong kay Mama. Hindi ito sumasagot patuloy lang sya sa pag aayos ng mga damit namin sa loob ng bag. Napag desisyonan na nya na doon na daw kami tumira sa bahay ng Papa ko.
Hindi ba sya natatakot na baka mapahamak kaming mga anak nya kapag pinag patuloy yung mga hitman hitman na nyan.
"Ma!" sigaw ko. Ayaw sasagot eh.
"Ano ba Gwen! Hindi ka ba titigil sa kakatanong mo nyan? Kung maaari syang talikuran tinalikuran ko na. Minahal ko ang Papa mo kaya tinanggap ko na rin kung anong buhay meron sya. Kaya ikaw kung ayaw mong mapahamak ang taong namagitan sayo layuan mo!" sigaw na baling ni Mama sa akin bago iwan sa kwarto. Natigila ako sa sinabi nya.May alam ba sya sa aming dalawa ni Vien?
Saktong nag vibrate ang phone ko, tumatawag si Ella. Kanina pa nila ako hinihintay sa school, ako nalang ang wala don.
"Oh? Bakit?" tanong ko.
"Anong oh bakit ka dyan? Wag mo ko ma-oh bakit dyan, Panini. Ang dami nating costumers wala ka pa din dito. Sabihin mo lang kung hindi ka pupunta dito ng hindi mo kami pinapaasa" sermon ni Ella. Ay galit na nga sya. Kailangan ko na talagang pumunta ng school.
"Pupunta na ako. Nag usap lang kami ni Mama"
"Halos mag kakalahating araw? Ganon katagal? Pumunta ka na dito! At kanina pa akong naiirita kay Veronica. At sa jowakels mo na kanina pang pabalik pabalik dito." sabi pa ni Ella bago patayin ang tawag.
Isa ring dahilan kung bakit hindi pa ako pumupunta ng school dahil sa nangyari kahapon. Hiyang hiya ako sa sarili ko kahapon. Matapos kong marinig lahat ng sinabi ng ex ni Vien. Hindi man lang ako nakapag salita. Tama naman kasi si Paul. Ano bang isip meron ako bakit hindi ko man lang iniwasan ang ginagawa sa akin ni Vien at kung balit ako nahulog sa kanya basta basta. Sinasabihan nila akong matalino. Pero bakit ganon? Hindi magamit ang katalinuhan kapag pag ibig na ang pinag uusapan? Puro nalang kabobohan. Alam mong masasaktan ka sa gagawin mo at higit pa sa lahat mapapahamak ka pero ginawa mo pa din. Anong klaseng isip meron ako?
Pero mahal ko sya eh, ano bang magagawa ko? Siguro tama ng tapusin ngayong araw na to ang namamagitan sa aming dalawa ni Vien. Bago pa mahuli ang lahat.
Nag madali akong nag bihis at nag tungo sa school
Nadatnan ko na marami ng nakapila sa booth namin. Movie Booth kasi ang naisipan naming gawin. Puro bago din ang mga movie na papanoorin, kaya hindi sila lugi.Nag madali akong umupo sa tabi ni Ella. "Buti naman at naisipan mo ng mag punta dito" panimula nya. May konti pang inis sa boses nya. "Sorry" yun lang ang nasagot ko.
Nasa cashier ako at ako tumatanggap ng pera ng mga gustong manood. Hindi ko naman maiwasang hindi matigilan minsan, dahil naiisip ko yung sa aming dalawa ni Vien. Kung dapat nga ba na tapusin na oh hindi. Kung pinagpatuloy pa namin to, baka tuluyan syang alisan ng lisensya sa pag tuturo at mataganggalan ng trabaho.
Ubos ng lahat ng ticket. Nag bibilang na kami ng pera ng may tumayo sa harapan ni Ella. Pakiramdam ko sinimulan akong kabahan. Naramdaman naman ni Veronica ang pagiging kabado ko kaya tinanong nya kung "Kaya ko daw kausapin si Ms. Vien." Tumango lang ako kay Veronica. Sakto, lumapit sa akin si Ella.
"Panini, hanap ka ni Ms. Vien" bulong nya. Tumayo ako nag simulang mag lakad. Sinundan naman ako ni Vien.
Matapos namin makapasok ng opisina nya. Nag salita ako kaagad.
"Anong kailangan nyo po?" tanong ko.
"Gusto ko lang itanong kung okay ka lang" tanong nya, bakas ang pag aalala nya.
BINABASA MO ANG
CROWN'S ARDOR (FORBIDDEN LOVE)
Teen FictionLove isn't something you find. Love is something that finds you. Ehem, ako si Gwen, Gwen Crown, Crown Gwen 😂. You can call me Panini. Pero Gwen na lang, ang pangit sa ears. Isa lamang akong studyanteng single at wala pang balak na magkaroon ng labl...