. . .
(Vien)
2 years later...
"This year will be my last christmas here." I sighs to myself. Malapit na matapos kontrata ko dito sa Zynn. Tapos na din ang OJT ng mga graduating students. Mamaya dadating na sila para ayusin ang mga certificates nila.
May nakita akong keychain sa loob ng cup na binili ko pa sa Tagaytay. May nakaukit na pangalan ko sa keychain.Ngumiti ako. It reminds me of someone. Si Gwen. Sya ang nag bigay sa akin nito noong birthday ko 2 years ago.
Si Gwen na dalawang taon na hindi na nag paramdam. Umalis sya at ni isang beses hindi sya bumisita dito sa Zynn, ni hindi rin daw nagpapakita sa mga pinsan nya. Wala na kaming balita sa kanya. Kahit ang mga pinsan nya na malalapit sa kanya. Bago daw umalis si Gwen, sinabihan sila na mag-iingat lagi.
Buhay pa ba sya? Hindi man lang sya nagpapakita. Sabi ko hihintayin ko sya pero, I don't know. Wala na yata akong hinihintay. Baka masaya na sya sa buhay nya. Lumipat sya sa isang prestisyosong school sa Manila. Pero, hinanap sya ng mga pinsan nya, ngunit walang Gwen Crown silang nakitang record sa University na yon.
Saan ba sya nagpunta?
Nakipag hiwalay na din ako kay Joaquin. Sinabi ko sa kanya ang totoo. Naintindihan nya ako. Naintindihan nya ang tunay na ako. Pero, mas pinili nyang lumayo sa akin dahil nasaktan ko din sya. Alam ko nasaktan ko sya.
May mga dumating sa buhay ko, katulad ni Benj kaso ni isang beses yata hindi ko tinaggap ang alok nya na lumabas kaming dalawa. I just don't like.
Pero, kamusta na kaya sya? Hindi kaya umalis sya dahil sa mga panganib na dala ng pamilya nya. Wala ng gumulo sa pamilya namin katulad ng nangyari noon sa Daddy ko. May mga pangyayari naman na minsan umuuwi ako ng gabi na, may mga bagay talaga na hindi mo inaasahan mangyari. May mga nakakasalubong akong lasing at nakakatakot. Pero parang may superman na sumasagip sa akin dahil, nakikita ko na lang nakahandusay sa lupa ang lasing, tulog. Naniniwala ako na binabantayaan ako ni Gwen katulad ng sinabi nya. Pero sana man lang nag papakita sya.
Kumunot ang noo ko ng may narinig akong kumakanta sa labas. Sintunadong sintunado. Kilala ko na kung sino to. Umuungol ungol pa parang kwago.
Napangiti ako kasi narito na naman ang babaeng to. Lumabas ako at nakita si Ella kasama ang mga kabarkada nya, with her girlfriend Maricris at si Veronica.
"Mag hihintay ako sayong pag babalik. Nandito lang ako anuman ang mangyari. Baunin mo sayong pag alis mga ligaya ng nakaraan. Mag hihintay akooo, ooohh, aaawwooo. Aahhooo..."
Akala ko sa banyo lang sya nag coconcert. Ay grabe, saket sa tenga.
"Ang saket sa tenga Ella!" inis na sabi ni Cristina.
Umirap si Ella.
"Napaka supportive mo talaga" sarcastic na ganti ni Ella. Ngumiti si Cristina sabay dila. Ang mga to talaga. Nag graduate na sila't lahat pero ganito pa din sila. Si Ella may balak na pumasok ulit kasabay ang kapatid ko. Sina Cristina at May, mga may trabaho na. Pero anong ginagawa nila dito?
"Upo nga muna tayo. Nakapagod" suggest ni May. Sumang-ayon sila at umupo.
Lumapit ako sa kanila. Ngumiti. Nakita nila ako agad. Si Maricris ngumiti. We're good, since nag break kami ni Joaquin.
"Kamusta kayo?" nakangiti kong tanong sa kanila sabay upo sa tabi ni Ella.
"We're good" sagot ni Ella. With Australian accent pa.
BINABASA MO ANG
CROWN'S ARDOR (FORBIDDEN LOVE)
Teen FictionLove isn't something you find. Love is something that finds you. Ehem, ako si Gwen, Gwen Crown, Crown Gwen 😂. You can call me Panini. Pero Gwen na lang, ang pangit sa ears. Isa lamang akong studyanteng single at wala pang balak na magkaroon ng labl...