Class dismissed.Lahat ng studyante ay nag sitayuan kabilang si Gwen. Kita nya sa bintana na nakabantay sa labas kanya si Ms. Vien. Paano ba nya tatakasan ang babaeng to? Kapag binagalan nya ang paglalagay ng mga gamit nya, matitira sya sa loob ng classroom at papasok si Ms. Vien para kausapin sya. Kapag naman binilisan nya at lumabas sya ng room baka hilahin nalang sya nito. No choice sya kundi kausapin ang babae. Bakit nga ba nya gustong takasan si Vien ? Hindi nya maintindihan ang sarili nya. Nagagalit sya pero hindi kay Vien. Kundi sa sarili nya.
"Ms. Crown. Ms. Cha wants to talk to you." pukaw sa kanya ni Ms. Karen. Tumango lang sya at dinala ang bag palabas.
"Thank you Ms. Karen. Later mag lulunch tayo. Pakisabi nalang kay Keith." nakangiting sabi ni Vien sa kapwa guro nya. Tumango ito at iniwan sila.
Hinintay muna ni Vien na makalayo si Ms. Karen bago hilahin si Gwen papasok sa room na kanilang ay room ni Gwen.
"Bakit po?" medyo malungkot na tanong ni Gwen kay Vien.
"Galit ka ba sa akin? Kanina pa ako nag tetext sayo."
Kumunot naman ang noo ni Gwen matapos marinig ang sinabi ni Vien. Paano mag kakaroon ng number nya si Vien eh, hindi naman nya ito binibigay at hindi naman number nya ang nakasave sa emergency number nya sa office kundi ang sa Mama nya. Takang taka nyang kinuha ang cellphone at tiningnan. May text syang nakita from unknown number. Katulad ng number na laging tumatawag sa kanya at ang nag tetext sa kanya noon. Hindi naman nya ito nirereplyan o kaya sinasagot ang tawag dahil hindi naman nya ito kilala at hindi ito nag papakilala.
So. Sya pala ang stalker sa phone na lagi akong tinatawagan at tintext tuwing gabi. Bakit hindi man lang sya nag papakilala ? At saan naman nya nakuha ang number ko? Kay Alex? Tanong ni Gwen sa sarili.
"Ikaw to ?" tanong ni Gwen inaro ang unknown number sa cellphone nya. Tumango naman si Vien.
"Saan mo nakuha ang number ko? At bakit di ka man lang nag papakilala ?" tanong ni Gwen. Kinagat naman ni Vien ang ibabang labi and shifted her eyes at her feet.
Tumunghay si Vien at nabungaran ang nakataas na isang kilay ni Gwen.
"Uhm.." pacute na tugon ni Vien nilalaro laro ang daliri.
"Oi, Vien, wag mo kong dinadaan sa pagpapacute mo. Saan mo nakuha ang number ko?" mataray na tanong ni Gwen habang tinatago ang cellphone sa bag.
"Nung time na pinag tripan ko yung bag mo. I saw your cellphone and I got an idea na..."
"Hanapin ang phone number ko at kunin?" putol ni Gwen sa sasabihin ni Vien.
"No, picture mo. Pero iba yung nakita ko." ngiting sagot ni Vien.
Inirapan lang sya ni Gwen sabay sagot ng "Ewan ko sayo."
"Bakit hindi ka man lang nag rereply?" Vien
"Bakit nag pakilala ka ba?"
"Hindi."
"Oh hindi naman pala eh. At saka ano ba sasabihin mo?" Supladang tanong ni Gwen.
"Galit ka ba sa akin?"
"Hindi" tipid na sagot ni Gwen.
"Eh bakit iniiwasan mo ko?"
"Ayaw ko lang na mag away pa kayo ni Ms. Keith ng dahil sa akin." sagot ni Gwen.
"Mag away kami o hindi it doesn't matter." sagot ni Vien at hinawakan ang kamay ni Gwen.
"It matters! Paano nalang pag sinabi nya sa buong school ang tungkol sa atin at sabihin nya sa Dad mo. Itatakwil ka na nya at worse mawawalan ka ng trabaho." sigaw pero pabulong na sabi ni Gwen. Tatalikuran na sana ni Gwen si Vien pero hinawakan agad ni Vien ang braso ni Gwen.
Hindi pa man bumubuka ang bibig ni Vien ay kita nila na papasok na ang sunod na klase sa loob ng room kaya inayos nila ang sarili.
"Pupunta ako sa inyo, later after this class" saad ni Vien and let go of Gwen's hand.
Walang ganang na lalakad si Gwem palabas ng school hanggang sa makarating sya sa bahay. Nadatnan nya ang dalawang kapatid na lalaki na kumakain sa kusina.
"Wala kayong pasok?" tanong ni Gwen sa dalawang kapatid.
"Meron. Eh, umuwi kami ni Kuya para dito na lang kami kumain. Kumain ka na ba Ate? Kain na ikaw" sagot ng kapatid nyang si Liam. Tumango lang si Gwen bago pumasok sa loob ng kwarto para magbihis.
Bakit nga ba inis na inis sya sa sarili nya? Kasi, maaring isisi nya sa sarili nya pag nagkaton na mapatalsik sa school ang girlfriend nya.
Matapos sya mag bihis ay lumabas sya at nag tungo sa sala at binuksan ang T.V.
"Ate bakit ang tahimik mo ngayon?" Biglang tanong ni Dan sa kapatid na si Gwen. Umupo ito katabi ang kapatid na nanonood ng programa sa telebisyon.
"Kuya, nagtaka ka pa. Parang nag sasalita yan kapag nadito sa bahay." Sagot naman ng nakakabata nilang kapatid na si Liam at umupo sa tabi ni Gwen.
Lumingon naman si Gwen sa kapatid na si Liam at sinamaan ng tingin.
"Nag sasalita kaya mag isa si Ate. Kita ko nga nung isang araw, bumubuka yung bibig nya at may sinasabi pa, eh wala naman syang kausap at wala naman syang hawak na phone." Paliwanag ni Dan.
Naconfuse naman ang mukha ni Gwen.
"Baka inlove si Ate kaya ganun." Sagot naman ni Liam.
"Tigilan nyo akong dalawa. Oi, kayo pumasok na kayo." inis na sabi ni Gwen.
Habang nag aayos ng sarili sina Dan at Liam. Naiisip ni Gwen na inlove na ba talaga sya at bakit sa teacher pa nya.
"Ah ate? Di ba teacher mo yung pinsan ni Alex" pukaw ni Dan.
"Oh eh ano ngayon?" mataray na tanong ni Gwen sabay irap.
"Ilan taon na sya? May boyfriend? Saan sya nakatira?" sunod sunod na tanong ni Dan.
"Hindi ko alam."
"Ang sungit" bulong ng kapatid.
Lumabas ang mag kapatid at naiwan si Gwen sa loob ng bahay.
May tumigil naman na sasakyang puti sa labas ng trangkahan nina Alex.Lumabas mula sa kotse ang isang babaeng nakasuot ng unipormeng pang guro. Nagtungo ito sa bahay ni Gwen.
"Gwen?" Pukaw ng babaeng nakatayo sa may pintuan ng bahay ni Gwen.
Lumingon si Gwen at nanlaki ang dalawang mata ng makita at makilala kung sino ang taong nasa pintuan nila
"M-Ms. Vien?" Uutal utal na sambit ni Gwen sa pangalan ng babaeng nakatingin sa kanya.
"Ano pong ginagawa nyo dito?" Tanong ni Gwen at umayos ng upo.
"Narito ako para kausapin ka" Sagot ni Vien at kusa ng pumasok sa loob ng bahay nila.
Hindi man lang nya naalala na dadating nga pala ang gurong kinababaliwan nya. At ngayon narito na ang guro nya at gusto syang kausapin.
. . .
BINABASA MO ANG
CROWN'S ARDOR (FORBIDDEN LOVE)
Teen FictionLove isn't something you find. Love is something that finds you. Ehem, ako si Gwen, Gwen Crown, Crown Gwen 😂. You can call me Panini. Pero Gwen na lang, ang pangit sa ears. Isa lamang akong studyanteng single at wala pang balak na magkaroon ng labl...