(Gwen)"Ano? Hindi kita naintindihan. Ulitin mo nga" nakakunot nyang sabi matapos ko sabihin sa kanya na 'Angel from Hell' at matapos ko ma-explain sa kanya lahat lahat. Yan lang ang isasagot nya sa akin. Ulitin ko?!
Ano ba yaaan!  ̄﹏ ̄
"So, i-explain ko ulit sayo?" Sarcastic kong tanong sa kanya. Tumango sya ng ilang beses. Matalino ba talaga to kagaya ng sinasabi nina Ella, eh bakit naging slow na. At natutulad na kay Ella? Haha. Jk lang.
Nag simula akong mag explain na kanya. Lahat ng details isama na pati yung mga training na yan. At kung bakit din sumasakit binti ko. Dahil sa pag lalaro namin nina Anj at sa letseng training na yan. Hay, naku, kung tutuusin mas gusto ko pa ang buhay ko noon. Tahimik at walang mga ganitong training na echos.
"So yon ang kwento ng buhay ko" sabi ko. Nakanganga naman sya at wari'y hindi pa magets ang mga nasabi ko.
"Paulit nga" bigla nyang sabi.
"Babatukan na kita" banta ko at nag glared sa kanya. Pero ganon pa din ang expression ng face nya.
"Sampalin mo ko" biglang utos nya. Ano daw sampalin ko sya? Nasisiraan na ba sya ng ulo? Bakit ko sya sasampalin?
Nanatili akong nakatitig sa kanya. Nakatingin lang din sya sa akin. At parang seryoso sya sa sinabi nya, na sampalin ko sya. Tiningnan ko sya like 'Hindi nga?' Look. Baka naman nag bibiro lang to.
"Sampalin mo ko..." utos nya. Seryoso nga sya sa sinabi nya. Hindi nga? Kasi baka mamaya pagkatapos ko sya sampalin, bugbugin nya ako. Masunurin lang ako guys. Tinaas ko ang kamay ko, handa ko na syang sampalin ng mag salita sya ulit.
"Mahina lang... Wait, kurutin mo nalang ako."
Kanina sampal ngayon, kurot naman. Anong trip ng Vien na to?
Pinikit nya ang mata nya at hinintay ang kurot ko. Okay, gagawin ko nalang.
"Aaarrraaayyy" daing nya. Buong lakas na ang binuhos ko dyan sa kurot na yan. Hahaha! Yan nalang ang way ko para makaganti sa mga pinag gagawa nya sa aking kamanyakan kahapon at ngayon at sa mga gagawin nya pang kamanyakan.
Minulat nya ang mga mata nya. Dahan dahan pa yan ah.
"Bulaga! Hahaha!" Sabi ko, after nya mulatin ang mga mata nya na ubod ng laki. Chos.
Pak!
"Aray! Bakit mo ko sinampal?" Gulat kong tanong sa kanya. Ang sakit nun ah. Biglaan. Tumawa sya matapos akong sampalin. Medyo mahina naman, pero masakit pa din. Mas malapad kamay nya kaysa sa akin eh.
"Baka kasi pag sinampal kita magising tayong dalawa. Hindi mo ko nagising sa kurit mo" naka irap nyang sagot sa akin.
Ganon? Kailangan saktan ako physically. At saka anong akala nya nanaginip sya? Tiningnan ko sya at saka inirapan ng bongang bongga.
"Masaket" pokerface kong sabi, hawak ang pisngi ko. Hinawakan naman nya ang kamay ko na nakalapat sa pisngi ko at inalis yon. Lumapit sya at kiniss ang pisnging sinampal nya.
"Better?" Pacute nyang tanong. Inirapan ko sya. Anong akala nya sa labi nya, gamot?
"Hindi paracetamol yang labi mo ah" sabi ko.
"No. Doctor sya" sagot nya at kumindat.
Lumapit sya at kiniss ulit ang pisngi ko. Hmm. Tse.
Asus, gusto mo rin naman.
Bakit ka ba nakikisingit? Moment ko to no. Mahaderang utak na to, mukhang singit eh.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Tanong nya. "Eh, hindi pa ako handa sabihin sayo. At saka, natatakot ako na baka akalain mo mamatay tao din ako" sagot ko at nag pout.
BINABASA MO ANG
CROWN'S ARDOR (FORBIDDEN LOVE)
Teen FictionLove isn't something you find. Love is something that finds you. Ehem, ako si Gwen, Gwen Crown, Crown Gwen 😂. You can call me Panini. Pero Gwen na lang, ang pangit sa ears. Isa lamang akong studyanteng single at wala pang balak na magkaroon ng labl...