Chapter 9

6.1K 194 3
                                    

(Gwen)

Ramdam nyo ba yung feeling na ang ganda ganda ng umaga mo, Tapos pagpasok mo palang ng gate ng school nyo mabubwiset ka sa makakasalubong mo. Yun yung feeling ko ngayon. Bakit? Paano ba naman kasi, pag pasok ko ng gate nakasalubong ko si Ms. Vien at kasama yung boyfriend nya. Kaya yun, pamula palang kanina naimbyerna na ako.

"Oh my gosh! Ang gwapo ng boyfriend ni Ms. Vien!" tili ni Cristina at Gian, isama nyo na rin ang magagaling kong pinsan.

"Ang hot talaga ni Ms. Vien. Kahit babae mag kakagusto sa kanya." sabi naman ni Vince habang sinusundan ng tingin si Ms. Vien. Grr. Naiinis ako sa ginagawa ni Vince.

"Hoy Vince! Baka gusto mong dukutin ko mata mo. Wag mo nga titigan ng ganyan ang pinsan ko."maangas na sabi ni Alex.

"Oo nga." yamot kong sagot habang dinudukdok ang spaghetti na kinakain ko. Ewan ko, naiimbyerna ako. Lalo na pag nakikita ko ang pag mumukha ng boyfriend ni Ms. Vien.

"Chillax ang init ng ulo. Peace na" biro ni Vince sabay peace sign.

"Gwen! Yun yung boyfriend ni Mam oh!" turo ni Ella sa direksyon kung nasaan sina Ms. Vien at ang bansot nyang boyfriend.

"Eh ano ngayon?" mataray kong tanong.

"Hindi mo ba yan nakita kanina?" takang tanong ni Gian.

"Hindi" pagsisinungaling ko.

"Nakita mo kaya kanina" singit ni Ella.

"Hindi ko nakita" defend ko.

"Kanina kaya, nakasalubong pa nga natin sa may gate" sagot nya. Bwiset! Sabi na eh, sasabihin nya yun. "Hindi ko napansin." bored kong sagot. Saktong pagtayo ko, tumunog ang bell.

"Oh, time na!" sabay sabay nilang sabi. Inakbayan ako ni Ella.

"Uh, Ella? Punta lang ako sa C.R. Sunod na ako" sabi ko sa kanila.

"Sige" sagot nina Cristina. Nag lakad ako sa way papunta sa C.R. Tss. Tinatamad akong umatend ng klase ni Ms. Vien. Nag ayos lang ako ng sarili ko sa may salamin. Habang nag susuklay ako nakarinig ako ng tao na paparating.

"Uh, eh Mam? Sabi nya nag C.R lang daw po sya" boses yun ni Cristina ah.

"Ganun? Bakit ang tagal naman yata?" si Ms. Vien!

"Lagi ba nag cucutting pinsan ni Ella sa school nila dati?" rinig ko pang tanong ni Ms. Vien.

"Ang sabi po ni Ella. Masipag daw po pumasok si Gwen at matalino" sagot ni Cristina.

Yes naman, ganda ng compliment na binigay ni Cristina.

Ramdam kong pinihit na nila yung door knob.

Tsk. Lagot! Inayos ko kaagad yung back pack ko at nag punta sa likod ng pinto. 4 naman ang stall sa loob ng C.R kaya habang mag checheck sila hindi nila mapapansin na lalabas ako.

Habang nasa pinakadulo sila ng stall nag tatakbo ako palabas at sa isang building ako napadako.

Sa kasamaang palad may nabangga ako. Bounce back ako pabalik.

"Miss okay ka lang?" tanong ng babaeng may whistle na nakasabit sa leeg. Couch siguro to.

"Ah, eh, o-opo" sagot ko habang tumatayo.

"I think I.T student ka, am I right?" tanong nya habang pinag mamasdan ako. Naku lagot, lahat ng I.T student may klase.

"Ah, eh hehe. Ganda mo po, bye." mabilis kong sagot sabay takbo.

CROWN'S ARDOR (FORBIDDEN LOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon