Chapter 51: Doomsday
Dave
Agad kong kinuha ang phone ko pagkagising ko, at tulad ng araw-araw kong paggising, text mula kay Maggie ang hinahanap-hanap ko--pero as expected, wala kahit isa akong natanggap. Nakakawalang gana gumising kapag walang kahit isa man lang na 'good morning' o 'hi' kang matatanggap mula sa taong mahal mo.
Naalala ko 'yung sinabi ko sa kanyang pagod na akong mahalin siya, at totoo 'yun--pero it doesn't mean na ayaw ko na. Mahirap--sobra. Mahirap bumitaw bigla. Lalo na't sinabi ko sa kanyang mahal ko siya, at hindi ito matatapos.
Pinagbubura ko kaagad ang text sa'kin ng ibang tao kahit hindi ko pa nababasa. Pinili ko na lang ang magbasa ng mga lumang text ni Maggie sa'kin at sa pagbabasa ko, lalo ko lang naramdaman ang pagkawala niya. Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng luha sa gilid ng kanang mata ko--pero hindi tulad nung nakaraan, naka-poker face na lang ako ngayon. Ayoko nang guhitan ng ekspresyon ang mukha ko. Ayoko nang makadama dahil hirap na hirap na ako.
Itinigil ko na ang pagbasa nang mabasa ko ang text sa'kin dati ni Maggie na, "Good morning, ube! Ang sarap gumising sa umaga na ikaw ang unang makikita. Wallpaper ng cp ko ang mukha mo. <3<3<3" Lagi pa rin akong kinikilig kapag nababasa ko 'to. Pero ngayon, nanginginig ang mga mata ko na parang gusto na namang magbuhos ng luha. Nang maramdaman kong paiyak na naman ako, agad kong pinatong ang unan sa mukha ko para magpigil. Nakakapagod na kasi.
Naalala ko 'yun sinabi niya kahapon na crush niya daw ako kaya agad niya akong sinagot. Ginamit ko naman siya kaya ko siya niligawan. Pero ang problema, lamang pa rin pala siya sa'kin--at dehado naman ako. Lamang siya at dehado ako kasi ako lang pala ang tunay na nagmahal--nagmamahal actually, dahil hanggang ngayon, mahal ko pa rin siya kahit pa sinabi kong pagod na ako. Siya naman, ayun, nagmamahal pa rin pala--sa taong patay na.
Ni-close ko ang inbox ko at binuksan naman ang FB ko. Tinignan ang mga PM's at sa 'di ko mawaring dahilan ay message pa rin ni Maggie ang hinahanap ko kahit naman alam na alam kong wala. Pagkatapos ay binuksan ko ang Twitter ko, tinignan ang DM's at @mentions ko, pero katulad ng SMS at FB inbox ko, wala kahit isang message akong natanggap mula kay Maggie. Pinuntahan ko mismo ang Twitter page ni Maggie. 3 weeks ago pa ang huli niyang tweet na, "1243 <3". Lalong bumigat ang dibdib ko nang mabasa ko 'yun.
Umalis na ako sa page niya, lumipat sa timeline ko sa Twitter at nabasa ang isang tweet mula sa isa sa mga pina-follow ko: RT kung ginising ka ni Lord ngayong umaga. Tapos kasunod pa nun ay ang isa pang tweet: Every gising is a blessing! Fuck those tweets! Nag-init bigla ang ulo ko nang mabasa ko ang mga 'yun dahil sa totoo lang, hindi ko ikinatutuwa na nagising pa ako ngayong araw. Sana kasi tuluyan na akong nakatulog nang mahimbing at hindi na nagising. Dahil sa inis ko, in-unfollow ko ang mga nag-tweet nun. Pagkatapos ay pumunta ako sa list of following ko at nag-unfollow pa ako ng maraming-marami. From 216 down to 172 na ngayon ang pina-follow ko. Nakaramdam ako ng konting ginhawa pagkatapos. Masarap talaga sa pakiramdam na mag-delete kapag galit--pero bakit ganun, kapag mahal mo, kahit anong galit mo, hindi mo ma-delete basta-basta sa buhay mo?
Itinaboy ko na ang phone ko pagkatapos at namaluktot uli ng higa. Ngunit nang biglang tumunog ang phone ko ay agad ko itong kinuha. Tinignan ko kung sino ang nag-text. Akala ko si Maggie, GM lang pala ang putang inang text mula sa isa sa mga kaklase ko--kaya instant delete ang ginawa ko.
Dahil sa sobrang pagka-bore ko at hindi ko maipaliwanag na kakulitan ng utak ko ay muli na naman akong nagbasa ng mga message sa FB at Twitter ko, at sa pagbabasa ko ay may nakaagaw ng atensyon ko--ang tweet ni September na tanging sad face lang ang laman: ":("
September
I was sitting in front of my mirror, combing my hair when my mom walked inside my room and greeted me, "Good morning, Sweetie!
BINABASA MO ANG
My GF Is So Panget (Various Faces of Liars)
JugendliteraturMukhang prinsepe ang lalake. Usap-usapang mangkukulam naman ang babae. Sa mundo kung saan namumuhay ang iba't ibang mukha ng mga sinungaling, silang dalawa ay magtatagpo, magmamahalan, at magkakasakitan. © 2012 http://princeofbanat.tumblr.com/