Chapter 30:
Chloe
"Off to Theodore's Village with @iamdanny," ang tweet ko.
Pupunta kami kina Dave ngayon ni Daniel. Maglalaro sila ngayon ng basketball. Si Don-Don naman ay nag-text na kay Danny na papunta na rin siya sa village nina Dave. Naisipan kong dumaan kina Maggie para isama siya, dahil alam kong mao-OP lang ako sa kanilang tatlo, for sure, so I dialed her number.
"Hello?" Maggie's answer.
"Hey, Mags! Good morning! We're coming to your house. Kasama ko si Danny. Pupunta tayo kina Dave, so maghanda ka na, ha!"
"Ha? Wait, Chlow! Ngee!"
"Why? What's the prob?"
"Eh, hindi ako pwede. Mag-aano ba kayo kina Dave?"
"Uh, they'll be playin' basketball. Mags, please, sumama ka na."
"Chlow, magiging busy ako ngayong araw. Sorry talaga. Tatawagan ko na lang si Dave. Sorry, ha."
"Fine. Wait, Mags! You received my PM sa FB?"
"Ah, hindi pa ako nakakapag-online, eh, pero sige, mamaya magbubukas ako."
"K. It's just a link, a youtube video. Watch it, ha. It's about make-up tutorial." Natawa ako bigla sa sarili ko. Narinig ni Maggie ang tawa ko.
"Huh? Para saan 'yun? At ba't ka tumatawa?"
"Mags, naisip ko kasi baka i-display mo lang 'yung make-up kit na binili natin para sa'yo, kaya naisipan kong bigyan ka ng tutorial vids para naman matuto ka, and if we have time together, I'll teach you how."
"Chloe naman, eh. Alam mo, ikaw talaga! Feeling ko tuloy -- hindi ako babae."
"Ha ha ha. Mags, I'm helping you, 'yan na lang ang isipin mo, k?!"
"Tseh! Sige na. Salamat. Ha ha ha."
"Sige na, I'll hang up. Bye."
"Bye."
Nang makarating kami kina Dave ay sinalubong kami ni tita Rachell, mommy ni Dave. Today's her birthday so we greet and kiss her.
"Nakapag-breakfast na ba kayo, kids?"
"Yup, tita. Si Dave po?" I said.
"Wait, ipapatawag ko lang, hija."
"Eh, si Don-Don po ba dumating na po?" Danny asked.
"Wala pa, hijo."
Naghintay kami ni Danny sa living room. Bago pa makababa si Dave ay nakarating na si Don-Don.
"Sup?!" Don said when he had arrived. Nag-fist bump lang sila ni Danny, while we smiled at each other.
Bumaba na si Dave.
Naka-panjama pa rin siya? 9:30 am na, ah!
"Tol, magbabasketball tayo, ah?! Ba't nakaganyan ka pa rin?" Don said.
"Huh? Ah, eh..." ang sagot ni Dave.
Dave seems to be not himself today. Parang wala siyang tulog.
"Dave, kagigising mo lang ba?" I asked.
Napakamot lang siya ng ulo.
"Sige na, dalian mo na 'tol! Magpalit ka na," Don-Don said.
BINABASA MO ANG
My GF Is So Panget (Various Faces of Liars)
Teen FictionMukhang prinsepe ang lalake. Usap-usapang mangkukulam naman ang babae. Sa mundo kung saan namumuhay ang iba't ibang mukha ng mga sinungaling, silang dalawa ay magtatagpo, magmamahalan, at magkakasakitan. © 2012 http://princeofbanat.tumblr.com/