Chapter 55: Blood Tension
Maggie
On and off ang ulan ngayong araw. Nakakasura lang kasi kung kailan kailangang kong lumabas, saka uulan, tapos titila kapag may ginagawa ako sa loob. Pero kahit ganun, nagawa ko pa rin naman ang mga dapat kong gawin. Nakapag-wrap na kami ng Christmas gifts. Nakapag-bake ako ng cookies at nakapagluto ng ulam namin. Nakipaglaro ako sa mga kapatid ko at nakapagsimba kami sa cathedral kanina. Ngayon, kakatapos ko lang laruin si Mavid. Nakakapagod. Masaya naman, pero pakiramdam ko, kulang pa rin.
Monthsary sana namin ngayon ni Dave--pati na ni Julian. Ngayon lang ata ako hindi nakapunta sa puntod niya para magtirik ng kandila. Maulan kasi, eh. Deh, ang totoo, wala akong mukhang ihaharap kay Julian. Hindi ko ma-explain kung bakit. ‘Yung huling dalawang beses kong punta kasi sa kanya—feeling ko, basta, ewan! ‘Yung bago ang huli, naganap ‘yung biglaang pag-amin ni Dave na gusto niya akong maging girlfriend—at agad ko naman siyang sinagot—malandi, eh. ‘Yung huli naman, umiiyak ako kasi dahil din kay Dave. Kaya ngayon, feeling ko, ginagamit ko na lang si Julian kung pupunta pa ako dun. Napabuntong-hininga na lang ako.
Kanina ko pang iniisip kung paano kaya kung bigla na lang dumating uli si Dave dito para muli akong suyuin. Kasi syempre, ito na ‘yung mismong araw na espesyal para sa aming dalawa. Wala lang. What if lang naman. Wow lang! Feelingera ko talaga. Hindi naman kasi ako maganda, kaya siguro sa pagpi-feeling o pag-a-assume ko na lang idinadaan ang lahat. Ewan. Minsan talaga kasi, napaparamdam sa akin ni Dave na ang panget-panget ko, pero minsan din naman, napaparamdam niyang ang ganda-ganda ko. Palagi kong inulit-ulit sa sarili ko kung paano ako nagkaroon ng katulad ni Dave. Kung tutuusin, maswerte ako kasi ang katulad ni Dave, bagay lang sa mga katulad ni Lani or ate Beng. Pero maswerte nga ba ako, kung ganitong pain lang din naman ang mararamdaman ko? Totoo ngang hindi sa panglabas na anyo nasusukat ang lahat.
Ang ironic lang kasi kahit ilang beses ko pang paniwalain ang sarili ko na tanggap ko nang hindi kami para sa isa't isa--umaasa pa rin ako na baka pwede pa rin--konting push lang.
Natapos ang buong araw na walang Dave--walang monthsary. Tanggap ko pero masakit pa rin. Masakit pero wala akong luhang mailabas. Pinikit ko na lang ang mga mata ko at natulog.
***
Naging masaya ang christmas eve namin ng pamilya ko. Nag-exchange gift kami. Syempre alam ko na ang mga gift nila MJ at Marian sa'kin kasi ako ang bumili at nagbalot. Oh, 'di ba? Parang tanga lang.
Naisip ko na naman si Dave. What if magkabati pa rin kami ngayon? Ano kayang magiging gift niya sa'kin? Haay, Maggie! Stop it na.
Bago ako natulog, binuksan ko muna uli ang box kung saan nakalagay ang mga bagay na bigay ni Dave sa'kin. Tinignan ko lang ang mga 'to, pero wala akong binasa o binuksan. Alam ko kasing masasaktan lang ako.
Pero na-magnet ng gift ni Dave ang kamay ko. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin 'to binubuksan. Ano kayang laman nito? What if buksan ko na tutal naman, christmas na? Humihinga lang ako nang paulit-ulit. Naririnig ko na nga ang hanging ini-inhale ko sa sobrang katahimikan ng kwarto ko. Ibinalik ko sa loob ng box ang gift. Hindi ko muna 'yun bubuksan. Nakakapagod na ang magdrama. Siguro kapag dumating na 'yung time na wala na talaga akong nararamdaman sa kanya, dun ko babasahin ang mga letters at bubuksan ang gift niya.
Bukas, pupunta kami kina ate Beng. Ano kayang mangyayari? Kaya ko ba siyang harapin na parang normal lang? Nagawa ko na nang ilang beses pero may mga instance pa rin talaga kasing awkward, at napapabigay ako bigla. Magaling pa naman magbasa ng kung anu-ano si ate Beng. What if mahalata niya na talaga na may mali sa akin? Haay! Nang bigla ay napabangon ako dahil nagulat ako sa thought na bigla kong naisip. WHAT IF PUMUNTA RIN SI DAVE KINA ATE BENG BUKAS? HUHLUH!!!! SHIT! OH, MY!!! Anong gagawin ko? Pupunta pa rin ba ako? Sabihin ko na lang kaya kay mama na hindi ako makakasama? Ano? Anong idadahilan ko? Masama ang pakiramdam ko? Nagdi-dysmenorrhea ako? Nag-e-LBM? Nilalagnat? Anooo??? Pero kung hindi man ako makasama, pupunta pa rin sina mama. Magkikita sina Dave, ate Beng, at ang pamilya ko? SHIT! LORDIE, HELPPPP!!!
BINABASA MO ANG
My GF Is So Panget (Various Faces of Liars)
Dla nastolatkówMukhang prinsepe ang lalake. Usap-usapang mangkukulam naman ang babae. Sa mundo kung saan namumuhay ang iba't ibang mukha ng mga sinungaling, silang dalawa ay magtatagpo, magmamahalan, at magkakasakitan. © 2012 http://princeofbanat.tumblr.com/