Chapter 12: The Attack of the Flirting Prince

34.6K 198 41
                                    

Chapter 12:

Dave

Hindi na nag-reply si Maria sa text ko sa kanya —Kalandian! Kalandian ang reply ko na iyon. Hindi ko mini-mean ang reply ko sa kanyang ingatan iyon gaya ng pag-ingat niya sa puso ko. Tss! Asa! Para ano? Pero I need her. I need Maria para makaganti kay Lani, and to help myself to move on.

“It’s confirmed! Maria is a witch—a good witch,” ani Chloe na naalala ko na naman bigla. Kung anuman ang magiging kapalit ng gagawin ko kay Maria, bahala na! Magiging maingat na lang ako para hindi niya malaman na hindi totoo ang gagawin kong panliligaw sa kanya.

I know it’s wrong. It’s wrong to use someone—to play with someone’s heart. Pero nasasaktan ako—sobra! Ayoko nang gumawa ng tama. Ayoko nang magseryoso.

Naririnig mo ba ang sarili mo, Dave? Nagiging evil ka na! So what? It’s fun to be evil!…It’s fun nga ba? Ang gulo-gulo ng isip ko—ng nararamdaman ko.

Masama ba talaga kapag niligawan ko si Maria kahit na hindi ko naman talaga siya gusto—para lang makaganti kay Lani? Masama ang gumanti, oo. Pero mas masama ang magpaka-depress para sa taong hindi naman worthy para mahalin. Mas mahal ni Lani ang sarili niya, kaya mas pinili niya ang pride niya kesa sa tanggapin ako uli. Well, pasensya siya dahil sa ngayon—mas mahal ko na ang sarili ko.

***

“Kuya akin ‘yang Toblerone, ah!” sigaw ng bunso kong kapatid na si Jaime nang makita niyang kunin ko ang chocolate mula sa fridge.

“Dadalhin ko sa school, bibilhan na lang kita mamaya,” assurance ko sa kanya.

“Ang dami mo namang dala—apat na M&M’s na ‘yan, ah?! Tas dadalhin mo pa ‘yang Toblerone ko!”

“Jaime, bibilhan nga kita mamaya, promise!”

“Eh, ba’t nga andami mong dala? Tatlo lang naman kayo nina kuya Dan at kuya Don, a?! Takaw niyo naman!”

“Jaime! Pakialamero ka! Remember Chloe? Daniel’s girlfriend?”

“Ako pa ang pakialamero, eh, ikaw ‘tong nangunguha ng hindi sa’yo! Si ate Chloe—yep! So?”

“Tss…Wala! Alis na’ko, male-late ako sa’yo!”

***

Inilabas ko ang dala kong chocolates pagkatapos naming kumain ng lunch, at nang mailabas ko ang lahat, eh, agad kinuha ni Don-Don ang Toblerone—hindi niya lang basta kinuha, hinablot niya!

“Tol, ano ba? Hindi ‘yan sa’yo!” sabi ko sabay agaw ng chocolate sa kanya.

“Shoot! Eh, kanino ‘yan? Alam mo namang paborito ko ‘yan!” dismayado niyang tugon.

Ibinigay ko kay Maria ang binawi kong Toblerone mula kay Don.“Maria, oh!”

Nagulat si Maria—pati sina Daniel at Chloe ay nagtaka kung bakit kay Maria ko iyon binigay. Si Don-Don naman ay halatang disappointed.

“Pagtyagaan niyo na lang ‘tong M&M’s!” sabi ko.

“Dave? Sigurado ka? Akin ‘to?” ani Maria.

“Ayaw mo?”

“Gusto!” Ang laki na naman ng ngiti niya. Wala na siyang braces—kaya ang ganda na ng ngipin niya.

Hinihintay ko na lang ang thank you niya pero hindi siya nag-thank you, kaya ako na lang ang nagsabi para sa kanya “Thank you, ha!”

“Ay, sorry! Thank you, Dave! Hindi ko lang talaga in-expect.”Binuksan niya na at nag-alok pa siya sa amin.

My GF Is So Panget (Various Faces of Liars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon