Chapter 32:
Dave
Kanina pa akong lumilibot nang mag-isa sa buong campus. Nakarating na ako ngayon sa Rodriguez (elementary) building. Mukhang walang pasok ang mga bata ngayon. Wala akong nakikitang kahit isang tao dito. Napakadilim pa ng buong paligid. Gabi na ba? Hindi. May kaunting liwanag pa ng araw akong nakikita sa ilang bintanang nadadaanan ko.
Pero hindi liwanag ang hinahanap ko. Hindi rin ang mga kaibigan ko, kundi si Maggie. Nasaan na ba si Maggie? Nalibot ko na ang buong building, ngunit hindi ko siya makita.
Naisipan kong pumunta sa Basketball Court ng University. May nagaganap na basketball, kaya maraming taong nakaupo sa bleachers para manuod. Hinanap ko rin dito si Maggie -- at sa wakas, sa dinamirami ng tao ay nakita ko siyang nakaupong mag-isa.
Lumapit ako agad sa kanya.
"Oy, kanina pa kitang hinahanap, ah," ang sabi ko sa kanya nang makalapit ako. Umupo ako sa tabi niya.
Tumingin lang siya sa'kin ng may pagtataka, at animo'y hindi niya ako kilala. Tinawanan ko siya sa reaksyon niya at sinabi kong, "Ano ka ba?"
Hindi pa rin siya sumagot. Ibinaling niya uli ang atensyon niya sa nagaganap na laro.
Kinalabit ko siya at sinabing, "Uy, ube ko!"
Lumingon siya uli sa akin at nagsalita ng, "Ube ko? Sinong ube?" Napalakas ang boses niya kaya napatingin ang ibang taong malapit sa amin.
"Hey, ano ka ba? 'Di ba, ube ko ang tawagan nating dalawa? Ikaw, ha, napaka malilimutin mo."
"Mr. de los Santos, Anong nangyayari sa'yo? Hindi ako ang ube mo, at lalong hindi rin ikaw ang ube ko. Wala namang tayo. Pwede ba? Nanunuod ako ng laro, kaya h'wag kang distorbo. Maghanap ka ng ibang mapagtitripan mo -- pwede?!" Inirapan niya pa ako.
Hindi ko siya maintindihan. Nagbibiro lang ba siya? Kung oo, pwes, hindi ako natutuwa. Nainis ako sa pagsusuplada niya, lalo na sa pag-arte niyang hindi kami magkakilala. Higit sa lahat, naiinis ako dahil napahiya ako sa ibang taong nakarinig sa amin.
Dahil sa inis ko ay iniwan ko siyang mag-isa. Pumunta ako ng library, hindi para magbasa, kundi para tumambay lang. Ang gusto ko ngayon ay katahimikan.
Nang makarating ako ng library ay naghanap ako ng lugar na pwede akong mapag-isa, at nang makahanap ako ay agad akong umupo doon at yumuko't sumubsob sa lamesa. Wala akong gana sa kahit na anong bagay ngayon. Hindi ko alam kung nasaan ang barkada ko. Si Maggie naman, nag-iinarte.
Matapos ang ilang oras ng pagyuko ko sa lamesa ay may naramdaman akong tao na lumapit at umupo rin sa kinaluluguran ko ngayon. Nang lingunin ko kung sino, nakita ko si Maggie. Nakahalumbaba siya habang nakatingin sa akin.
Sinupladuhan ko siya bilang ganti sa ginawa niya kanina.
"Dave, mag-usap tayo," mahinahon niyang sinabi.
Nilingon ko siya uli at sinabing, "Pwede ba? Nananahimik ako, h'wag kang distorbo. Maghanap ka ng ibang mapagtitripan mo." Iyon din ang sinabi niya kanina sa akin, kaya ibinalik ko lang.
"Dave, seryoso ako." Seryoso nga siya ngayon at maamong-maamo pa ang tono niya.
Hindi ko siya natiis, kaya kinalimutan ko na lang ang nangyari kanina at pinansin na siya.
"Ano bang pag-uusapan natin?" ang tanong ko.
"Lumabas muna tayo. H'wag dito."
BINABASA MO ANG
My GF Is So Panget (Various Faces of Liars)
Fiksi RemajaMukhang prinsepe ang lalake. Usap-usapang mangkukulam naman ang babae. Sa mundo kung saan namumuhay ang iba't ibang mukha ng mga sinungaling, silang dalawa ay magtatagpo, magmamahalan, at magkakasakitan. © 2012 http://princeofbanat.tumblr.com/