Prologue
"Sometimes, you don't fall in love for a beautiful face. Sometimes, you fall for beautiful words, or a beautiful act. Sometimes, you fall for a beautiful sound, or a beautiful scenery. Sometimes, you fall not to a beauty your eyes can see but to a beauty your heart can feel," she said while looking afar. Before, I didn't understand it until I the day had come that I actually felt everything through my core.
Chapter 1: The Voice
David “Dave” Angeles de los Santos
Perfect: this is us according to everybody. Lani and I had been together for more than a year. She's an IT girl. I am a campus heartthrob. She's the princess and I'm the prince charming. Kumbaga sa PBB, kami ang Kimerald; bagay na bagay kung titignan. Nakakakilig kapag minamasdan. But life is indeed ironic. What seems to be perfect doesn't mean to last. Heto kami, nauwi pa rin sa hiwalayan. Isa kami sa mga nagpatotoong wala nga talagang "forever".
Kanina ko pang tinitignan ang pictures naming dalawa. Matagal ko nang iniisip na burahin ang lahat sa paniniwalang mababawasan nito ang pighating dala ng aming mga alaala; subalit hanggang ngayon ay sumasalungat pa rin ang Patron ng mga Umaasa sa iniisip ko, kaya hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makuhang burahin ang mga ito.
Matapos naman ang ilang minutong pagtitig sa mga old pictures namin ay naisipan kong mag-CR. Ngunit sa di-inaasahang pagkakataon, ilang metro mula sa harap ko'y natanaw ko ang babaeng dahilan ng mabigat na loob ko--ang ex ko na si Lani kasama ang mga kaibigan niya.
Kalma.
I don't know how exactly playful fate is. But regardless, I'm not interested to play with her. Ang lakas makaloko ng tadhana. Nakakapikon. Kanina lang, si Lani ang laman ng utak ko. Tapos ngayon, nandiyan na siya, papalapit nang papalapit.
Naisipan kong umiwas sa kanya--lumiko o bumalik na lang--pero agad ko ring naisip na maaari akong magmukhang talunan kapag ako ang umiwas kaya nagpatuloy lang ako. Isa pa, malapit na ako sa CR--hindi na kakayanin ng pantog ko ang mag-inarte pa.
Binilisan ko pa ang lakad ko nang matapos agad ang awkward salubungan namin ng ex ko. One, tuloy ang lakad. Two, tumingin sa malayo. Three, gamitin ang mobile phone. Four, makipag-usap sa kasama. Ilan lang ang mga ito sa mga pasimpleng paraan para iwasang pansinin ang taong makakasalubong mo na kakilala mo pero ayaw mo. I use the first three ways. I walk fast, look straight ahead, then use my mobile. She use the fourth way. "Ganun nga talaga," is what I heard from her at the point of our intersection.
There are four awkward stages when you cross a path with your ex. Awkward Stage I is when you saw her from a distance; this is the Oh-my-God! point kung saan mapapatigil ka at mapapaisip kung babalik ka o lilihis ka ng daan. Awkward Stage II is when you're walking either away from her or towards her; this is the I-am-surviving walk kung kailan ka matapang na nakikipaglaban sa loob-loob mo laban sa isang batalyong sundalo ng salitang--awkward.
Awkward Stage III is the most powerful yet worst point; this is the Ugh! stage kung kailan muli kayong nagsalo sa iisang lugar at iisang oras. Ito 'yung pagkakataong iisa ang hanging nilalanghap niyo. Ito 'yung panahong pwede kayong maghawakan muli ng kamay. Subalit ang anumang pwedeng magandang gawin ay hindi niyo nagawa dahil sa nakakabinging sigaw ng bawat puso niyong, "Mag-ex na lang tayo."
Finally, the Awkward Stage IV where you felt relief kasi tapos na. Nasa likod niyo na ang isa't isa. Papunta na kayo sa kaniya-kaniyang patutunguhan. Ngunit natapos man ang pangyayari, hindi pa rin kayo nagkaroon ng assurance na tapos na pati ang nararamdaman niyong awkwardness sa katawan kasi makulit ang utak. Pilit nitong aaalalahanin ang lahat ng nangyari.
BINABASA MO ANG
My GF Is So Panget (Various Faces of Liars)
Teen FictionMukhang prinsepe ang lalake. Usap-usapang mangkukulam naman ang babae. Sa mundo kung saan namumuhay ang iba't ibang mukha ng mga sinungaling, silang dalawa ay magtatagpo, magmamahalan, at magkakasakitan. © 2012 http://princeofbanat.tumblr.com/