Chapter 35:
Maggie
Bagong umaga na naman ang dumating. Bagong araw kasama ang mga kaibigan ko ang aking haharapin. Bagong araw kasama ang taong mahal ko -- si Dave.
Ilang araw na akong masaya, mula pa noong monthsary namin ni Dave. Noong Linggo, nag-date uli kami. Kahit mabilis lang kaming nagkasama, pakiramdam ko pam-forever ang saya namin nang araw na iyon.
Nang Lunes naman, puro harutan, tawanan, at kainan ang ginawa naming magkakaibigan. Hapon na nang nagdesisyon kaming mag-update ng mga bagay tungkol sa school.
Kahapon naman, Martes, inilaan namin ang buong araw namin sa pag-aaral dahil malapit nang matapos ang suspension ng mga boys kaya babalik na sila next Monday; at malapit na rin ang periodic exam namin. Pero kahit naging busy kami sa school works sa Cafe Love kahapon, hindi pa rin namin naiwasan ang magsaya.
Ngayong Miyerkules, break uli kami sa pag-aaral. Kinuha ko ang puting couple shirt namin ni Dave sa cabinet ko at itinago sa bag ko. Ito kasi ang napagkasunduan naming dalawa na isusuot mamaya.
Ang plano namin ngayong umaga, magtuturuan kami ni Chloe. Tuturuan ko siya ng basics tungkol sa baking, tuturuan niya naman ako ng mga girly things. Ay, ewan! Pakiramdam ko kapag kasama ko si Chloe, parang buong mundo ipinapaalala sa akin na, "Hoy, Maggie! Babae ka! Babae!" Sina Dave naman, as usual, maglalaro na naman ng kung anu-anong larong panlalake. Sa hapon, magmo-mall kami. Excited na ako--parang gusto ko nang mag-hapon agad.
Napakasaya talaga ng week na ito. Sana magtuloy-tuloy na, pero biglang may pumasok sa isip ko -- isa lang ang kabaligtaran ng kasiyahan: kalungkutan. Kailangan kong ihanda ang sarili ko. May bigla akong naramdaman na paparating na bagyo. Ganito naman lagi, pagkatapos ng malupit na bagyo, may kasunod na rainbow. Pagkatapos ng sobrang init na panahon, may baha for sure.
Wait! Erase! Maggie, be postive. Huwag maging nega. Tumingin ako sa salamin. Hinaplos-haplos ko ang buhok kong straight na straight pa rin dahil sa rebond. Tama nga si Chloe. Everybody needs to improve. Ang ganda na ng buhok ko. Ngumiti ako. Na-appreciate ko rin ang ganda ng ngipin ko. Tanda ko, si ate Beng ang pumilit sa'king magpa-brace noon.
"Maggie, male-late ka na niyan!" ang narinig kong sigaw ni mama mula sa ibaba.
Paano ako male-late, eh, suspended nga ako? Huhluh! Paano kapag nalaman na ni mama ang tungkol sa suspension ko? Eto na! Hindi kaya ito na ang paparating na bagyo?
"Wow, Maggie, ha! Ikaw na ba ang bagong PAGASA, ang makabagong weather forecaster ng bansa?" ang pabulong kong tanong sa sarili ko.
Sinubukan kong biruin ang sarili ko, pero ang totoo, kinakabahan ako kay mama. Napaka pasensyosa, mabait, at mapagmahal ng mama ko; kaya ayokong ginagalit siya. Hindi naman siya halimaw kung magalit, pero dahil nga sa sobrang perfect mother niya sa paningin ko, kapag nadi-disappoint ko siya, konsensya ko ang pumapatay sa akin.
Bumaba na ako, nag-almusal, at pagkatapos ay nagpaalam na kay mama para pumasok kunwari.
***
Hindi tulad ng dati, hindi ako ang naunang dumating sa Cafe Love. Pagdating ko ay naabutan ko na sina Chloe, Dan, at ang ube ko. Wala si Don.
Usually, maaga siyang dumarating kagaya ko. Actually, nagkakaroon lang talaga kami ng bonding time ni Don-Don kapag nagkakaabutan kami dito. Pero kakaiba ngayon, late na ako, late rin siya.
Ilang minuto pa ang lumipas, nag-text si Don na hindi daw siya makakarating dahil masama ang pakiramdam niya; kaya nagpaalam na lang sina Dave at Dan na lalabas para mag-billiard. Naiwan kami ni Chloe. Pumasok kami sa kitchen ng Cafe Love, at sinimulan na ang Baking101 session naming dalawa. Tuwang-tuwa siya sa mga itinuro ko. Ganun din ako, dahil tuwang-tuwa at gigil na gigil siyang matuto. Isa pang napa-impress ko ay ang Pastry Chef ng Cafe Love. Nakakatuwa. Pinuri niya pa ako at sinabing may natural talent daw ako sa pagbe-bake.
BINABASA MO ANG
My GF Is So Panget (Various Faces of Liars)
Teen FictionMukhang prinsepe ang lalake. Usap-usapang mangkukulam naman ang babae. Sa mundo kung saan namumuhay ang iba't ibang mukha ng mga sinungaling, silang dalawa ay magtatagpo, magmamahalan, at magkakasakitan. © 2012 http://princeofbanat.tumblr.com/