Chapter 8:
Dave
8am na, wala pa rin si Don-Don, malamang absent ang kupal na ‘yun. Sina Daniel at Chloe naman ay nagsabing mag-a-absent daw—siyempre, monthsary nila ngayon. Kung hindi papasok ngayon si Don-Don, malamang na mag-isa lang ako ngayon buong araw. Wala naman kasi akong ibang sinasamahan bukod sa kanila, eh. Teka, nandito pa pala si Maria. Ang awkward naman kung kaming dalawa lang ang magsasama sa recess at lunch. Nakakahiya, baka lalo pang lumala ang usap-usapang ginagayuma ako ng panget na ‘to.
Maria
Wala sina Chloe at Daniel, pati si Don-Don, absent rin. Huluh! Anong gagawin ko? Nahihiya akong sumama kay Dave. Hello??? Maggie—ang assuming mo, ha! Hindi ka naman talaga kabarkada ni Dave, at sino ka para samahan niya, ha? Haay!
Tumunog na ang bell! Ayan na, recess na! Pinakikiramdaman ko lang kung lalabas na si Dave—at tumayo na nga siya’t lumabas. Hindi niya ako isinama. Agad na lang akong lumabas at pasimple siyang sinundan.
Hindi mawala ang paningin ko sa kanya. Ang likod niya: malapad, matipuno, at sadyang gwapo. Nakabili na siya ng pagkain niya, at umupo sa isang lamesa nang mag-isa. Nakabili na rin ako ng pagkain ko, at iniisip ko kung makikiupo ba ako sa lamesa niya, ngunit nahihiya ako. Oo nga, sa grupo niya na ako sumasama ngayon, pero dahil wala si Chloe, naiilang akong tumabi kay Dave. Lalo na’t hindi naman talaga kami ganun ka-close.
Bakante ang lamesa sa likod ni Dave—dun ko na lang naisipang umupo.
Dave
Ang ingay naman ng tao sa likod ko. Uupo lang, lagapakan pa ang lamesa’t upuan. Napaka-clumsy. Tinignan ko ang tao sa likod ko—si Maria pala.
Nang makita ko siya ay agad akong bumalik sa pagkain ko. Nahihiya akong isama siya sa lamesa ko, pero dahil nga sumasama na siya sa grupo ko, at pareho kaming mag-isa, binalikan ko na lang siya ng tingin para yayain sa lamesa ko.“Psst! Lika! Dito ka na kumain!”
“H-huh? A-ako,” sabay turo sa sarili niya.
“Hindi, 'yung bag mo! Dalhin mo dito, pakakainin ko! Siyempre, ikaw! Ang dami mo pang arte!”
Lumapit si Maria at umupo sa harapang upuan ko at nagsalo kami sa iisang lamesa.
Maria
Oh, my!!! Niyaya ako ni Dave na sabayan siyang kumain! Paano na ‘to? Parang nakaramdam ako ng kuryente mula sa batok ko pababa sa buong likuran ko. Anong gagawin ko? Haay! Hindi na ako nagdalawang-isip na samahan siya. Minsan lang kaya ‘to—‘yung kaming dalawa lang! Kaya siyempre, sunggab na agad!
Napansin ko na lang na pinagtitinginan kami ng ibang estudyante sa canteen. Hindi ko alam kung bakit, pero malamang dahil nasasagwaan silang makita na ang campus heartthrob na si Dave ay kasabay kumain ang panget na tulad ko. Well, kung ganunman, eh, mamatay sila sa inggit! Baka gusto pa nilang subuan ko si Dave para double-dead silang lahat? Pero siyempre, joke lang. Ni hindi na nga ako makakilos nang maayos ngayon, eh.
Tapos nang kumain si Dave ~ Paano ‘yan? Hindi pa ako tapos, baka iiwan niya na ako.
“Ah, aalis ka na ba?" Oh, my! Nabigla siya sa tanong ko. "OK lang kung mauuna ka sa akin pabalik ng room,” nahihiya kong dagdag sa kanya.
“Hindi, sige lang. Tapusin mo na ‘yang kinakain mo, hihintayin kita,” tugon niya.
Hihintayin kita.
Lalong lumakas ang dagundong ng puso ko.
Hihintayin kita.
Lalo akong nahirapang kumain.
BINABASA MO ANG
My GF Is So Panget (Various Faces of Liars)
Teen FictionMukhang prinsepe ang lalake. Usap-usapang mangkukulam naman ang babae. Sa mundo kung saan namumuhay ang iba't ibang mukha ng mga sinungaling, silang dalawa ay magtatagpo, magmamahalan, at magkakasakitan. © 2012 http://princeofbanat.tumblr.com/