Chapter 11: Flash Drive

32.7K 172 28
                                    

Chapter 11:

Maggie

Makikita ko uli mamaya si Dave. Ayieee!!! Excited lang? Haha. Practice muna ng kanta, baka mapagalitan ako.

“Maria” tinawag ako ni Leah.

“Hmm?” sagot ko.

“May pupuntahan ka ba mamaya pagkatapos ng mass?” tanong niya.

“Ah, sa Techno Stop, may bibilhin ako mamaya.” Nagulat ako sa tanong niya. First time na may ibang tao dito sa University ang may nagtanong sa akin ng ganyan. Wala naman kasi akong ibang kaibigan dito bukod kina Chloe at sa 3D.

“Gusto mo bang sumama sa amin ni Gwen? Gagala kami sa mall—dun ka na lang bumili ng bibilhin mo, may Techno Stop din doon.” Naisip ko bigla si Dave. Paano kung magkita kami mamaya at yayain niya akong lumabas? Tatanggihan ko na lang siguro sina Leah. Sayang naman, bagong kaibigan pa naman din sana sila, pero mas sayang ‘yung kay Dave—love life ko ang nakasalalay. May next time pa naman siguro para samahan sina Leah.

“Ah, Leah, hindi na lang siguro. Mabilis lang naman ako, eh. Uuwi ako agad pagkabili ko. Sorry, ha. Pwede bang next time na lang?”

“Naku, wala ‘yun, Maria. Sige, sa susunod na lang.”

Magsisimula na ang misa. Naghanda na kaming mga choir members. Hinahanap ko si Dave kung nakarating na siya, pero hindi ko siya makita. Marahil ay late lang siya—sana!

Natapos ang misa na walang ‘Dave’ na dumating. Kaunti lang naman ang mga um-attend ng misa kaya malalaman mo kung nariyan o wala ang hinahanap mo.

Nakakalungkot lang na wala ang inaasahan mong tao. Sakit naman. Gumising akong nakangiti (wala ng braces) dahil alam kong may magpapaganda ng araw ko, pero wala pala! Haay! Kainis ka, Dave! Sabi mo sisimba ka ngayon—paasa ka! Arrgghh!

Naisip ko na lang na sumama kina Leah at Gwen, para naman magkaroon ng bagong kaibigan.

“Leah, pwede bang sumama na lang sa inyo? Naisip ko, wala naman akong gagawin ngayon. Natapos ko na ang mga assignment ko at wala naman kaming quiz bukas, so gagala na lang ako. Pwede ba?”

“Maria—siyempre naman! Halika na! Lunch muna tayo.”

Masayang kasama sina Leah at Gwen. 4th year highschool na rin sila at mula pa sa Pope section, kung saan naroroon ang mga gifted students—mga genius kumbaga. Akala ko, eh, maiilang ako sa kanila dahil unang beses namin itong nagsama-sama, at isa pa, eh, mga sobrang matatalinong estudyante sila. Pero hindi, hindi nila pina-feel sa akin na OP ako, o wala akong kwentang kasama. Sobrang friendly nila—sana noon pa kami nagkakilala. Blessing na rin siguro ‘to na hindi kami nagkita ni Dave ngayon, dahil may nakilala akong bagong kaibigan. Nagtawanan at nagdaldalan lang kaming tatlo. Pakiramdam ko, matagal na kaming magkakaibigan.

Si Leah ay maganda, mahaba ang buhok na naka-pony tail, maputi, at payat. Si Gwen naman, chubby at morena na may suot na malaking antipara—pakiramdam ko mas matalino siya kay Leah. Ako naman? Ako, uhm, eto—feeling maganda. Kakapatanggal ko lang kasi ng braces ko kahapon. Mabuti at um-OK na sa dentist ko. Pakiramdam ko talaga nag-iba ako, kaya nga ngiti ako nang ngiti. Excited rin akong makita nina Dave at Chloe na ang ganda-ganda na ng ngipin ko. Hihihi.

“Maria, akala ko ba may bibilhin ka sa Techno Stop?” tanong ni Gwen.

“Ay, oo nga. Bibili ako ng Flash Drive.”

“Ah, gan’to na lang, kumuha ka muna ng priority number, then saka tayo gumala. For sure, maraming tao ngayon dun, Sunday kasi, kaya matatagalan kung maghihintay ka,” advice ni Leah.

My GF Is So Panget (Various Faces of Liars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon