Chapter 9:
Maria
Bigla na lang umalis si Dave. Hindi ko alam ang eksaktog dahilan pero mukhang dahil ‘yun sa tinatawag nilang si Lani. Sino kaya siya?
“Saan pupunta ‘yun?” tanong ko sa mga kaibigan ko.
Sabay-sabay lang silang nagkibit-balikat. Tumayo ako at lumabas ng classroom para masunda si Dave. Nang makalabas ako ng classroom ay nakita ko ang eksaktong pagliko ni Dave pababa ng hagdan, kaya tumakbo ako para maabutan siya, ngunit napakabilis niya. Lumabas siya ng campus at nakita ko pa ang pambabalewala niya sa mga guard ng gate. Iba talaga kapag kilala sa campus—pati guard, tumitiklop; kaya agad kong naalala si Chloe. Nagmadali akong tumakbo pabalik ng classroom, at mabuti dahil nang makabalik ako ay wala pa rin si sir Ramos.
“H-hh-hhh…C-Chlo-Chloe! Hhhhhh…Samahan mo ako dali. Lumabas si D-Dave ng campus,” hinihingal kong sambit.
“Maria, gusto ni Dave ang mapag-isa, so I suggest na pabayaan mo muna siya. Magagalit ‘yun kapag dinistorbo mo siya,” advice ni Don-Don.
“Don, wala na akong panahon para makipag-argue. Chloe, please! Tulungan mo na lang akong makalabas ng campus. Baka hindi ko na maabutan si Dave,” pakiusap ko.
Nagdalawang-isip pa si Chloe, pero mukhang naawa rin siya sa akin, kaya pinagbigayan niya pa rin ako. Nang makalabas ako ng campus sa tulong ni Chloe ay agad kong hinanap kung nasaan na si Dave. Ayun siya! Dalawang kanto na ang layo niya sa akin at mabilis pa rin siyang naglalakad palayo. Nandito na ako sa labas. Abot pa ng tingin ko ang distansya niya mula sa akin kaya hindi na ako nag-atubiling sundan siya.
Pagod na pagod na ako sa paghabol sa kanya at malayo-layo na rin ang nararating naming dalawa. Kahit gaano pa karami ang mga sasakyan at taong humaharang ay hindi pa rin nawawala sa atensyon ko si Dave. Gusto ko siyang maabutan. Gusto kong malaman ang tunay na dahilan ng galit niya. Gusto kong katabi niya ako sa oras na kailangan niya. Gusto ko siyang i-comfort. Gusto ko siya. Oo, gustong-gusto ko si Dave.
Dave
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Gusto ko lang makahanap ng lugar na walang tao—kung saan pwede akong maglabas ng galit—sa lugar na walang pwedeng makakita sa akin.
Patuloy ang paglakad ko, tulad ng patuloy na pagtaas ng galit ko. Gusto kong murahin si Lani. Gusto kong bugbugin ang bago niyang boyfriend. Iningatan ko si Lani; minahal nang sobra; at iginalang ang kanyang pagkababae, pero ano na ngayon? — Lani, bakit?
Agad akong lumiko sa nakita kong eskinita kung saan walang taong dumadaan—ako lang mag-isa dito. Walang tao sa harap at likod ko.
“Uhmp!” Sinipa ko ang pader! Wala akong naramdamang sakit kaya sinipa ko uli nang makailang ulit! Napagod ako sa pagsipa at ngayon, hinihingal na ako. Naramdaman ko na lang bigla ang pagsakit ng paa ko. Gusto ko rin sanang suntukin ang pader, pero ayoko—sigurado kasing masasaktan lang ako. Tanga! Ang sakit na nga, eh—ramdam na ramdam ko pa. Nakipag-sex ang taong mahal ko sa iba! Putang ina! At ngayon buntis siya! Inaamin kong minsan na ring pumasok sa isip ko ang yayain si Lani na makipag-sex, pero nanaig pa rin ang respeto ko sa kanya.
“I don’t agree on premarital sex,” naalala kong sinabi ni Lani sa kaibigan niya. Narinig ko ‘yun nang minsan akong pumasok sa classroom nila nung kami pa; kaya mula noon, pati mobile at laptop ko, naging restricted na sa kanya. Isa ‘yun actually sa mga dahilan ng break-up namin—kasi puro porn videos ang laman ng mga iyon.
Tumunog ang mobile phone ko. Ayoko sanang buksan ang message na ‘yun dahil ayoko ng distorbo, pero napilitan pa rin akong basahin.
GM Quote: Kung sakali man na mahuhulog ako, sisiguraduhin kong naka-parachute ako…
BINABASA MO ANG
My GF Is So Panget (Various Faces of Liars)
Ficção AdolescenteMukhang prinsepe ang lalake. Usap-usapang mangkukulam naman ang babae. Sa mundo kung saan namumuhay ang iba't ibang mukha ng mga sinungaling, silang dalawa ay magtatagpo, magmamahalan, at magkakasakitan. © 2012 http://princeofbanat.tumblr.com/