Chapter 20: Broken Friendship

29.9K 126 13
                                    

Chapter 20:

 Chloe

Magkikita-kita kami bukas sa Cafe Love. Mabuti na lang napakiusapan ko si tita Nancy na ibigay sa akin ang mga notice of suspension namin -- makakapag-pretend pa kami na parang walang nangyari. Sana nga lang, walang ibang taong magsusumbong sa mga pamilya namin. Haay! Ang daming problema--lalo na 'tong Lani na 'to!

Honestly, I have never imagined na darating kami sa puntong ito ni Lani--this point where we act like mortal enemies. She was one of my bestfriends, a sister, actually; kaya nga siguro lahat ng secrets ko at secrets niya, ipinagkatiwala namin sa bawat isa. Pero feeling ko, dehado ako ngayon, dahil mas malala ang lihim na nai-confess ko sa kanya noon. Kinakabahan talaga ako. Paano kung aminin nga ni Lani sa lahat?! Well, I don't care to everyone except to Danny, my babe. Paano kung malaman niya 'yun? I can't lose him! Kapag ginawa talaga ni Lani na ibulgar 'yun, I wll definitely make her suffer.

Bigla kong naalala ang araw na iyon--our last talk.

After kong samahan si Maggie from cemetery, I went to Lani's house.

"Bes, you know where I came from?" I said.

"Where?"

"Where and with whom!"

"Ok, bes, where and with whom? Uh, wait! I think you're with Daniel, right?"

"Wrong!"

"Ah, so -- saan at sinong kasama mo?"

"Sa sementeryo, kasama 'yung bago kong classmate--si Maria!"

She was surprised when I said it to her.

"Chlow, She's an enemy! She's a witch! Umiwas ka sa kanya! Basta! She's not a good influence!"

"That's only a rumour, Lan!"

"Rumour? Gawwd, bes! You're ridiculous!"

"Bes, I'm telling the truth!"

"Huh?"

"I mean, she confessed everything to me. She's not a witch. Actually, alam mo, she has a good heart. I think masarap siyang maging friend. You should meet her, or should I say, you should know her. Obvious naman kasi na nagkita na kayo."

"Hindi kita ma-gets. Tell me the whole story"

"Ganito, aww--basta ang sweet. Alam mo ba?! Every month, she's bringing candle to go to cemetery to celebrate with her dead boyfriend their monthsary."

"Wwwwweeeeirrddd!!!"

"Yes -- weird -- but sweet!"

"Chloe, eeewww! She's a witch! Kung alam mo lang, marami na siyang kawirduhang mga ginagawa."

"She's not a witch, Lan, gaya ng mga chismis sa school. Syempre, bago ako sumama sa kanya, nagtanong-tanong muna ako sa iba kong classmates ng things about her. Sabi nila, she always whispers incomprehensible sounds; 'yung iba naman, sabi, ano daw, mahilg si Maria mag-drawing ng mga kung anu-anong freak symbols; kaya nga nang imbitahan ako ni Maria para samahan siya kasi may ikukwento daw siya, na-curious ako kaya sumama ako. At first, syempre kinabahan ako, but my curiosity outweighed my fear. Dun ko nalaman 'yung tungkol sa dead BF niya. 'Yung weird things about her like symbols -- she's a Harry Potter and The Secret Circle fan, Lan!"

"Witch or not, Chloe, don't befriend her!"

"I see no reasons I should not, Lani."

"Enough reason na naman siguro na I don't like her, 'di ba?"

"Bes, that's immature!"

"Immature, mature, whatever. Do as I say, Chloe. Don't befriend that witch!"

"No! I'm not your nanny, I'm your bestfriend."

"Exactly! I'm your bestfriend kaya kung sino ang kaaway ko dapat kaaway mo din!"

"Kung ganyan ang definition mo ng friendship, well, hindi tayo magkapareho! You're so immature, Lani, kaya ka hiniwalayan ni Dave, eh."

"Correction, ako ang nakipaghiwalay!"

"Whatever! Basta, I like Maria--period."

"More than me, bes?"

"I don't like your immature attitude. I'd rather say it to your face, kaysa marinig mo pa sa iba. Teka nga, bakit ba galit na galit ka sa kanya? Ano bang ginawa niya sa'yo, ha?"

"Nilalandi niya si Dave! Kinukulam niya, I guess!"

"Oh, my! So, in love ka pa rin kay Dave?"

She didn't answer my question. Hmm...silence means yes.

"Chloe, kapag kinaibigan mo 'yang Maria na 'yan, mag-aaway talaga tayo, at lalo tayong mag-aaway kapag ikaw mismo ang naglapit kay Maria kay Dave!"

"You're pathetic!"

"So pinipili mo talaga ang witch na 'yun over me, your bestfriend?"

"Because you're wrong!"

"Befriend her, and you'll lose me. Befriend her, and I'll tell Daniel you're dirty little secret!"

"You're incredible! LUDICROUS! Subukan mo, Lani!" Hinampas ko ang table at tumayo na ako. Alam kong walang patutunguhan ang usapan namin kundi away. "Hindi ko maipapangako na hindi kaibiganin si Maria. Sa usapang Dave at Maria, I actually don't care!"

"Basta, kapag pinaglapit mo sila, at inamin mo sa iba na hindi siya witch, magsisisi ka!"

"Oh, Lani! You think I'm afraid? Subukan mong siraan ako. I'll make your life miserable. You know me, Lani, you know me a lot! I can make you shed tears for the rest of your life, that's a promise, kaya h'wag mo akong tinatakot!"

"Basta ako, kaya kong manahimik, basta h'wag ka lang makikialam kina Dave at Maria. After all, bestfriend pa rin naman kita."

"Correction! You've just lost a bestfriend today, Lani! We're not bestfriends anymore!" Dinuro ko pa siya nang sabihin ko 'yun, saka ko kinuha ang bag ko para umalis, pero may inulit pa rin ako kay Lani. "Uulitin ko, Lani, wala akong pakialam kina Dave at Maria, kaya may pwede ka ng asahan--asahan mong hindi ako makikialam. Lastly, hindi mo ako mapipigilan kung magiging kaibigan ko si Maria." Tumalikod ako, at nag-walk out, pero humarap uli ako dahil may nakalimutan akong sabihin sa kanya. "Um, Lani--you are pathetic!"

Sa totoo lang, hindi ako umiyak pagkauwi ko mula sa bahay nina Lani, dahil galit na galit ako that time! Of all people -- siya pa! Siya pa ang gaganun sa akin! She's, ugh, sucks!

Tinawagan ko na lang si Danny para mawala 'yung inis ko, at nang makapag-good night na kami sa isa't-isa, natulog na ako.

My GF Is So Panget (Various Faces of Liars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon