Chapter 23:
Maggie
November 23 na bukas--first monthsary namin ni Dave. Matapos ang almost 2 years, bukas rin ang unang buwan na hindi na si Jules ang boyfriend ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Excitement ba 'to? Ano kayang mangyayari bukas? Haay! May surprise kaya si Dave para sa akin? Siguro kaya siya nag-effort kanina na lambingin ako, kasi alam niya na bukas na ang first monthsary namin kaya ayaw niya na mag-away kami. Awww!!! Nanginginig ang leeg ko sa kilig.
Bago ako umuwi ng bahay ay dumaan muna ako sa supermarket para bumili ng ingredients para sa spaghetti. Naalala ko na hindi natikman ni Dave 'yung ginawa ko noon dahil inubos iyon ni Jaime.
"Late ka na, ate" ang pambungad sa akin ni MJ nang makauwi na ako.
"Nag-text ako kay mama." Wala pa si mama sa bahay kasi busy siya ngayon sa Palomo's kasi na-promote na siya ng tita ko as executive chef kaya malamang ay mamayang 9:00 o 10:00 PM pa siya makakauwi. Iyon ang totoong dahilan ko noon kaya ayaw kong kumain kami ni Dave doon. Pagmamayari iyon ng tita ko, pinsan ni mama, at dun si mama nagtatrabaho as chef. Now, she's the executive chef of Palomo's.
"Magluluto ka ng spaghetti, ate? May ulam na tayo, ah. Fried chicken -- ipainit na lang daw sabi ni mama" ang sabi sa akin ni Marian.
"Marian, dadalhin ko 'to bukas sa school. Hindi natin 'to kakainin ngayon."
Nang matapos na kaming maghapunan at masigurado kong gumagawa na ng kanilang homework ang mga kapatid ko ay sinimulan ko na ang pagluto ng spaghetti.
Naisip ko rin na tama si Don-Don. Enjoy-in muna namin ang mga unang araw ng suspension namin. Mali ito actually, dahil hindi tama ang ma-suspend, pero wala naman sigurong masama kung mage-enjoy muna kami, lalo na't monthsary namin ni Dave bukas.
Eee. Kinikilig ako. Ano kayang mangyayari? Hindi man lang nagte-text si Dave. Ayoko namang maunang mag-text. Hello?! Ako ang babae. Hehe. Ang arte ko. Basta ako, may surprise na ako sa kanya, itong spaghetti ko!
Naalala ko ang text sa akin ni Allan kanina about school. Nai-PM niya na raw sa akin ang mga dapat pag-aralan, pero nag-reply ako kanina na bukas ko na lang titignan. Isa pa, late na, at sa totoo lang, monthsary namin bukas ni Dave. Hindi na ako nag-online kasi kailangan kong mag-beauty rest -- ambisyosa! HAHA. Tumingin ako sa salamin, wala naman akong nakitang beauty, so rest lang siguro ang kailangan.
Nakauwi na si mama. Nailagay ko na rin sa fridge ang spaghetti. Tulog na rin ang mga kapatid ko, kaya nang makapag-good night na ako kay mama ay umakyat na ako at pumasok sa kwarto ko. Gigising na lang ako nang maaga para maihanda ang dadalhin kong spaghetti bukas.
Kinapa-kapa ko ang cell phone ko sa bulsa ko. Hinanap ko rin sa kama at study table ko, pero wala, kaya naisipan kong bumaba uli -- baka nakalimutan ko sa kusina. Nakita ko iyon na nakapatong sa lamesa kaya kinuha ko agad. Nang tignan ko ito, nakita ko sa notification ang 2 missed calls ni Dave at 5 text messages -- 3 out of 5 ay text mula kay Dave.
Ang 2 other SMS na natanggap ko ay GM mula sa iba kong kaibigan. Una kong nabasa na text ni Dave ay ang "Good night, see u tom! :3"; kasunod naman ang "Ba't 'di mo sinasagot ang tawag ko?"; at huli ang "Hindi ka ba online sa FB? May sasabihin ako..."
Nag-reply ako agad kay Dave ng "Dave, sorry! Luh! Nk-silent mode kc ang cp q knna. Sorry tlga. Tska my gngwa aq knna. Sorry uli. Gud nyt qng gcng kp, qng morning m n 2 mbbsa, gud morning! Luv u!"
Ano kaya ang sasabihin ni Dave? Na-excite ako bigla. Shit! Siguro about sa monthsary namin bukas ang sasabihin niya? Eee...ewan! Come what may! Makatulog na nga!
BINABASA MO ANG
My GF Is So Panget (Various Faces of Liars)
Teen FictionMukhang prinsepe ang lalake. Usap-usapang mangkukulam naman ang babae. Sa mundo kung saan namumuhay ang iba't ibang mukha ng mga sinungaling, silang dalawa ay magtatagpo, magmamahalan, at magkakasakitan. © 2012 http://princeofbanat.tumblr.com/