Chapter 38: The Extra Part 1

29K 130 61
                                    

Chapter 38: Don-Don

“September is back,” ani Dave na parang takot na takot kay September.

Sinagot ko siya agad, “Oo. Alam ko. ‘Di ba nga, nakita natin siya sa mall. At wait, ‘tol! May meet-up na ino-organize si Cyrel. Hulaan mo…”

“Sep is coming,” ang dugtong niya.

Sigurado si Dave sa idinugtong niya na sakto sana sa sasabihin ko, kaya napadami ang tanong ko, “Ha? Ano? Coming? Saan? Sa Meet-up? Bakit? Alam mo na?”

“Easy lang ‘tol. Parang ikaw ang may problema, ah?!”

“Eh, ano nga kasi…” Napahawak ako sa batok ko.

“Iyon na nga ‘tol, eh. Sep is back—really back. Not just in the country—but, ugh.” Natigilan siya. Halatang nahihirapan siyang ituloy ang gusto niyang sabihin. “She’s back in my life.” Iyon na—nasabi niya na, at ikinagulat ko iyon. Back in his life? Ibig sabihin—hindi ko mabuo ang bagay sa isip ko. Pati ako, nahihirapang mag-isip, kaya hindi ako nakasagot agad kay Dave; ngunit kahit ganoon ay nagpatuloy pa rin ang pag-uusap namin.

Ikinuwento niya nang buo sa akin ang pagbabalik ni September sa buhay niya. Hindi daw siya makapaniwala sa mga nangyayari—kaya paano pa ako?! Bukod kay Sep, nabanggit niya rin si Maggie. Naguguluhan ngayon ang kaibigan ko dahil dalawa ang mahal niya.

Hindi ko mahuhusgahan si Dave. Hindi niya hawak ang mga pangyayari. Saksi ako sa pagmamahalan nila ni Sep noon. Saksi rin ako sa pagmamahalan nila ni Maggie ngayon. Sa totoo lang, ako mismo ay naguguluhan rin sa sitwasyon niya, kaya pinilit ko ang sarili kong magbigay tuon sa problema niya para kahit paano’y makatulong ako. Nagbigay ako sa kanya ng payo, paliwanag, pati na rin biro, kahit may sarili din akong problema.

Natapos ang usapan namin tungkol sa meet-up. Pupunta si Dave kasama si Sep. Napasubo na daw siya, eh. Ang problema, paano kapag nalaman na ni Maggie ang lahat tungkol kay Sep at Dave. Masasaktan siya. Masasaktan din ako kapag nagkataon. Actually, nasasaktan na nga ako, eh—matagal na.

Bakit ba concern ako kay Maggie? Hindi naman kami. Fuck! Ang hirap mag-deny. Gusto ko si Maggie, pero hindi pwede. Gusto ko siya kasi bungisngis siyang tumawa—nakakadala. Gusto ko siya kasi maganda ang boses niya—nakakatunaw. Gusto ko siya kasi matalino siya—nakakabilib. Gusto ko siya kasi masarap ang brownies at spaghetti niya—nakaka-addict. Gusto ko siya kasi maganda ng ngiti at mata niya—nakakabaliw. Gusto ko siya…pero kay Dave na siya. Tang ina lang. Hindi pwede ‘to.

Ako ang unang nakakilala kay Maggie bago pa si Dave. Siya kaagad ang una kong napansin noong pasukan, kasi siya ang bagong salta, at siya lang ang kakaiba ang mukha—exotic kumbaga.  Simula noon, lumalala na araw-araw ang pagkuha niya ng atensyon ko dahil sa kilos niya, sa tawa niya, sa ngiti niya, sa boses niya, at sa lahat-lahat na. Pero simula nang magkaroon ng something sa kanila ni Dave, hanggang pang-aalaska na lang ang ginagawa ko, magkapansinan lang kami. Halatang-halata naman kasing si Dave ang gusto ni Maggie. Nakakainis.

Nakaka-guilty. Hindi ko ‘to dapat nararamdaman. Ayokong magkasira kami ng kaibigan ko—ng taong itinuturing kong kapatid, kaya araw-araw ko ring pinipigilan ang sarili kong mahulog sa kanya. Kapag nagkataon kasi, ako pa rin ang talo sa huli.

Napansin ko sa sarili ko na nitong mga huling araw, sa kabila ng pagsasabi ko sa sarili kong ibaon na sa limot ang nararamdaman ko para sa kanya, lalo naman itong lumalala. Napansin ko na lang sa sarili ko na inaagahan ko ang pagpunta sa Café Love para madatnan agad si Maggie. Napansin ko rin sa sarili ko na hindi ko mapigilan ang lingunin siya lagi. Nakakainis. Kaya nga naisipan ko na lang mag-absent ngayong araw, dahil sa araw-araw na nakikita ko silang magkasama ni Dave, dalawa lang ang nararamdaman ko: selos at awa sa sarili.

My GF Is So Panget (Various Faces of Liars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon