Chapter 22:
Dave
"Girlfriend ko po -- JOKE lang!" Shit! Wrong move! Ba't ko nasabi 'yun? Kaharap pa si Maggie! Tang ina ka, Dave! Ang tanga mo!
Naglakad nang mabilis si Maggie papunta sa lamesa na na-occupy nila dito sa food court. Arggghhh...obvious naman na na-piss off siya sa ginawa ko. Eh, kasi naman, sina tita at kuya kanina, nakakapanglumo ang paningin. Tssh!
"Maggie, hoy! Nasaan na si Dave" tanong ni Chloe nang makalapit na ako sa kanila.
"Ey!" ang sabi ko.
"Haay, tara na! Bili na tayo ng food" ani Chloe.
Tumayo agad si Maggie at naghanap ng makakain. Ni hindi niya man lang ako tinanong kung anong kakainin ko, o hinintay man lang para sabay kaming pumili at bumilli. Pshh...obvious ba, Dave? Ang galing ng joke mo, eh!
Nagtaka na lang sina Chloe nang biglang umalis si Maggie na parang walang kasamang mga kaibigan. Hindi na lang din ako kumibo. Hinabol ko na lang siya.
"Huy! Anong kakainin mo?" ang tanong ko sa kanya habang tumitingin siya sa menu, pero hindi pa rin siya kumikibo. Hindi rin naman galit ang ekspresyon ng mukha niya -- parang wala lang. Tsk! Mas mahirap 'to. Hindi ko mabasa ang mukha niya. Mas mabuti pa 'yung halatang galit siya para alam ko ang gagawin ko. Hanep, Maggie! Galing mo din magpaespesyal, eh! Tsk. Kasalanan ko din naman kasi--haist!
Nang makapili na si Maggie ay binuksan niya na ang wallet niya para magbayad. Nang makita ko iyon ay agad kong kinuha ang wallet ko para ako na ang magbayad ng pagkain niya.
"Ah, miss, eto 'yung bayad para sa pagkain niya" ang sabi ko.
"Ay, hindi, miss! Ako ang magbabayad" ani Maggie.
Hinablot ko ang pera niya para maipilit kong ako na ang magbayad. Kinuha naman ng cashier ang pera ko at sinuklian, ngunit bago pa ako masuklian ay nakuha na ni Maggie ang tray niya para bumalik sa kinauupuan namin. Nang makuha ko na ang sukli ko ay agad akong sumunod kay Maggie para kuhanin ang tray niya nang madala ko, pero hindi niya pa rin ako pinapansin. BAD TRIP! Napaka suplada! Nakakainis na! Pinabayaan ko na lang siya at naghanap na rin ako nang makakain.
Tahimik kaming kumaing dalawa ni Maggie. Siguro napansin din iyon ng grupo, pero hindi lang nila pinag-uukulan ng atensyon. Ang awkward--walang pansinan.
Nang matapos kaming kumain ay nagyaya si Chloe na mag-arcade.
Naisipan ko na rin na pansinin uli si Maggie, dahil sa totoo lang, ako naman talaga ang may kasalanan. "Maggie, tara laro muna tayo."
"Ah, Chloe. Dito na lang ako, mag-aaral na lang ako." Wow! Ako ang nagtanong, si Chloe ang sinagot.
"Sige, Chloe. Dito na lang din ako, kayo na lang muna ang maglaro" ang sabi ko.
"Sige, Chloe. Sasama na lang pala ako. Boring mag-aral" ang sabi naman ni Maggie. Nakikipag-asaran ba siya sa akin?
"My Gawwwd!!! Tigilan niyo akong dalawa! Kung LQ kayo--bahala kayong dalawa diyan! Danny, Don, let's go!" Nagpaalam na sila at iniwan kami.
Nang makaalis sila ay hindi pa rin kami agad nagkibuan ni Maggie. Pinakiramdaman ko muna kung saan siya pupunta, kung aalis ba siya o titigil dito para talaga mag-aral. Nang tumayo siya, agad din akong tumayo.
"Magsi-CR lang ako, Dave! H'wag kang OA!" Yes, kinibo niya na ako!
"Hindi na. Mahirap na, baka iwanan mo lang ako dito. Sasama ako!"
BINABASA MO ANG
My GF Is So Panget (Various Faces of Liars)
Fiksi RemajaMukhang prinsepe ang lalake. Usap-usapang mangkukulam naman ang babae. Sa mundo kung saan namumuhay ang iba't ibang mukha ng mga sinungaling, silang dalawa ay magtatagpo, magmamahalan, at magkakasakitan. © 2012 http://princeofbanat.tumblr.com/