Chapter 34:
Dave
Dahan-dahang bumaba ang mataas kong ngiti nang makita ko ang di-inaasahang bisita namin, pero base sa obserbasyon ko, ako lang yata ang hindi umaasang makikita sila dito.
Naramdaman ko ang lamig ng hangin na gumapang mula sa batok pababa sa likod ko. Ni sa panaginip ay hindi ko inakalang magkakasama kami, lalo na dito sa bahay namin. Ano bang nangyari? O baka ano ang nangyayari? Bakit nandito sila? Bakit kami magkakasama? Nanaginip na naman ba ako? Pero hindi -- totoo 'to.
Totoong narito ang buong Flores family. Si Mr. Lee Flores, Mrs. February Flores -- at ang nag-iisa nilang anak na si September Lyn Flores, ang first girlfriend ko, ang first love ko.
"Dave..." Lumapit sa akin si mommy at humarap sa mga bisita para ipakilala ako, "Mister and missis Flores, my son David. I believe you know him already, right? And September, hija? May pinagsamahan kayo, 'di ba?"
Napatingin ako kay mommy. Sa mga bisita siya nakatingin habang nakahawak sa balikat at braso ko. I can't believe her. I can't believe this is actually happening. Pwede bang mamatay na lang muna ako at mabuhay na lang uli kapag wala na sila dito? Ayoko nito. This is confusing! Argh!
Mommy turned to me smiling. I didn't smile back. Pakiramdam ko, pinaglalaruan ako. Earlier, I was with Maggie, celebrating our love. Now, I am with my first love -- we're in the same room -- here in our house.
Matapos ang batian ay nagtungo na kami sa dining room para mag-dinner. Napaka-awkward ng ambiance. Noon, magkaaway ang mga pamilya namin, pero ngayon, we're having a fucking dinner together. Haist! Totoo nga ang kasabihang 'You never know what's gonna happen'.
Magkatabi kami ni Sep ng upuan, pero hindi kami nagpapansinan. Tanging ang mga daddy namin (na mula pa noong mga bata sila ay rivals na raw), pati mga mommy namin ang daldalan nang daldalan. All of a sudden, naalala ko bigla ang naging usapan namin kaninang hapon. It's about business. Dad's company is going to merge with another. Wala ako sa sarili ko kanina kaya hindi ako interesadong tanungin pa kung kaninong company sila makikipag-merge. This time, I'm having an idea na kina September makikipag-merge si Daddy.
Ang tanong ko lang, paano nangyaring sa mga Flores pa -- sa kanila pa makikipag-merge si dad? Is this real? Fuck if it is! Paano nagkaayos ang mga daddy namin? Naguguluhan ako. Hindi ko ma-imagine kung paano sila nagkaayos. Well, business is unpredictable ika nga ni dad.
Hindi ako makakilos nang normal habang kumakaing katabi si September. Nitong mga huling araw lang ay ini-stalk ko pa siya. Sa malayo, kitang-kita ko kung gaano umaapaw ang ganda niya, pero ngayong magkatabi na kami, lalo akong nabibighani sa kanya. Hindi na siya si September na nakilala ko noon. Isa na siyang anghel sa sobrang ganda.
Fried chicken ang isa sa mga ulam namin ngayon. Ito ang paborito naming ulam ni Sep. Tanda ko pa na kapag sabay kaming nagla-lunch noong elementary kami, at kapag ubos na ang balat ng pritong manok ko, hahatian niya ako ng kanya. Minsan pa nga, lahat ng balat ng pritong manok niya, ibinibigay niya sa'kin.
Nang bigla ay nilagyan niya ako sa plato ko ng balat ng manok. Nagulat ako. Hindi naman ako nanghingi. Ni hindi nga ako nakikipag-usap sa kanya, eh. Naalala ko lang naman 'yung nakaraan, ah. Ano 'to? Nababasa niya ba ang iniisip ko? Napatingin ako sa kanya. Ngumiti siya pero hindi nagsalita. Tang ina! Namatay ako sa ngiti niya. Sobrang lapit namin sa isa't-isa. Ang ngiti niya, hindi 'yun ngiti ng tao. Ngiti 'yun ng anghel. Hindi na siya ang September na kilala ko. Isa na siyang anghel ngayon.
"Ah, t-thank...you," ang pautal-utal at mahina kong sabi sa kanya.
Hindi na siya nag-respond, bagkus ay ipinagpatuloy niya na lang ang pagkain niya.
BINABASA MO ANG
My GF Is So Panget (Various Faces of Liars)
TienerfictieMukhang prinsepe ang lalake. Usap-usapang mangkukulam naman ang babae. Sa mundo kung saan namumuhay ang iba't ibang mukha ng mga sinungaling, silang dalawa ay magtatagpo, magmamahalan, at magkakasakitan. © 2012 http://princeofbanat.tumblr.com/