Chapter 49: Silent Lover Here
Maggie
Nabigla ako sa lahat ng nangyari: sa mga nasabi ko na hindi ko naman mini-mean; sa naging reaksyon ni Dave; sa pag-walk out niya; at lalo na sa lahat ng sinabi niya. Dahil sa pagkabigla ko ay wala akong naisagot kahit isa sa kanya. Ni hindi nga ako nakagalaw, eh.
Ang sakit. Wagas na sakit ang nasa dibdib ko ngayon. Pakiramdam ko puputok na ang baby bra ko dahil sa sobrang dami ng sama ng loob na nagsisiksikan sa dibdib ko ngayon. Shit! Nakuha ko pang biruin ang sarili ko, ni hindi na nga ako makahinga.
Kanina, hawak-hawak ako ni Chloe sa balikat bago nila sundan si Dave nang mag-walk out siya. Naramdaman ko ang sobrang panghihina nang bitawan niya ako at iwan na nila akong mag-isa.
Bato: Para akong bato na hindi makagalaw ngayon ngunit unti-unti namang gumuguho. Napaupo ako sa sobrang panghihina ng tuhod ko, at hindi ko na napigilan ang umiyak. Nadagdagan pa ang emotional pain ko ngayon ng physical pain dahil bumagsak ang puwitan ko sa isang bato. Shit! Ang sakit.
Ano bang nangyari? Bakit naniwala siya? Pero shit! Bakit ba kasi 'yun ang sinabi ko? Ano na, Maggie? Masaya ka na? Gaga ka! Nakaganti ka na. Congrats! Yehey! Ang sakit.
Isinubsob ko ang mukha ko sa mga tuhod ko't niyakap ang mga binti ko, tsaka ako umiyak. Lalong sumasakit ang dibdib ko dahil pinipigilan kong magkaroon ng sound ang pag-iyak ko. Sobrang sakit kasi kanina pa ako nagpipigil.
Masakit na makita nang harap-harapang nasasaktan siya gawa ko. Ganito ba 'yun? Ganito rin ba ang pakiramdam niya nang saktan niya ako? Akala ko kasi, mararamdaman mo lang ang sakit kapag ikaw 'yung sinaktan--mali pala. Masakit rin palang manakit ng taong mahal mo. Ang sakit talaga. Ang sakit kasi sinasadya ko. Sinadya ko siyang saktan. Ang sakit kasi mahal ko talaga siya.
Don
Hindi namin naabutan si Dave. Naging napakabilis ng pag-alis niya. Nang maalala kong naiwan namin ang mga gamit namin ay agad akong nagpaalam kina Chloe at Dan para balikan iyon sa cottage. Sila naman ang humabol kay Dave.
Bago ako bumalik ng cottage ay naisip ko munang balikan si Maggie sa likod ng puno kung saan namin siya iniwan. At sa pagbalik ko ay nasaksihan ko ang walang tigil niyang pag-iyak.
Nakaupo siya. Nanginginig. Nakasubsob ang mukha niya at nakayakap siya sa tuhod niya, habang pilit na hinihinaan ang kanyang pag-iyak.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Nagagalit ako sa kanya kasi sinaktan niya ang kaibigan ko dahil sa lahat ng sinabi niya; ngunit sa kabila nun, awang-awa ako sa kanya lalo na ngayong kitang-kita ko kung gaano siya nasasaktan.
Hindi ko alam kung lalapitan ko siya o hindi. Naguguluhan ako. May isa pa akong nararamdaman na hindi ko maintindihan bukod sa galit at awa. Nang bigla ay naintindihan ko na ang isa ko pang nararamdaman ngayon: Sakit.
Nasasaktan ako. Nasasaktan ako para sa kaibigan ko kaya nagagalit rin ako kay Maggie ngayon. Nasasaktan ako para kay Maggie kaya naawa rin ako sa kanya ngayon. At nasasaktan ako para sa sarili ko dahil hindi ako--hindi ako ang iniiyakan ng babaeng gusto ko.
Gusto ko siyang lapitan para i-comfort. Gusto kong hawakan ang likod niya, himas-himasin at sabihing, "Tahan na." Gusto kong punasan ang lahat ng luha niya at sabihing, "Nandito ako." Pero ang lahat ng gusto kong gawin sa kanya, alam ko, hindi niya naman gusto, kaya lalong masakit.
Tumalikod na lang ako at dahan-dahang bumalik sa cottage para kunin ang mga naiwan namin.
Nang makuha ko na ang mga gamit namin ay nagmadali na akong umalis, ngunit narinig kong may tumawag sa'kin.
BINABASA MO ANG
My GF Is So Panget (Various Faces of Liars)
Novela JuvenilMukhang prinsepe ang lalake. Usap-usapang mangkukulam naman ang babae. Sa mundo kung saan namumuhay ang iba't ibang mukha ng mga sinungaling, silang dalawa ay magtatagpo, magmamahalan, at magkakasakitan. © 2012 http://princeofbanat.tumblr.com/