Epilogue

12.9K 231 144
                                    

Epilogue: 

Awkward. Yeah. I think everytime we become silent, wala nang sabi-sabi, agad-agad dumarating ang pampagulong pakiramdam na 'to. Tahimik na kami pareho. Tingin siya nang tingin kung saan-saan maliban sa'kin, habang ako naman, pasulyap-sulyap pa rin sa kanya. Wala na kaming mapag-usapan, pero ang saya na nararamdaman ko ay hindi pa rin napapawi--malamang sa kanya rin. 

Gusto kong mag-isip ng bagong topic na mapag-uusapan. Gusto ko kasi siyang kausap. Sa tuwing magkausap kasi kami, pakiramdam ko para kami sa isa't isa. Gusto kong mag-isip ng bagong pick-up line. Gusto ko kasi siyang pakiligin. Sa tuwing kinikilig kasi siya, kinikilig din ako. 

"Kinikilig ka pa rin, 'no?" mayabang kong sambit. Heto na naman siguro ang Conceited bone ko, muling sumibol.

Dagli niya lang akong tinignan, saka siya nag-pout at sinabing, "Sus!" 

Natahimik uli kami--pero nakangiti pa rin kami. 

Unti-unti nang namumuo ang kaba sa dibdib ko. Nangangamba ako na baka mag-aya na siyang umuwi. Gumagabi na rin kasi. Pero ayoko pa. Ayoko pang umuwi kami. Ayoko pang magkahiwalay kami. Ayokong matapos ang araw na 'to.

Maggie 

Malapit nang magtakip-silim, kailangan ko nang umuwi. Ano Maggie, Cinderella naman ang peg? Si Rapunzel ka, 'di ba? Pero kasi--baka hinahanap na ako ng mga kapatid ko. Isa pa, nagiging awkward na ang katahimikan namin. Kailangan ko na talagang magpaalam. Pero hindi ko siya matignan nang matagal. Kinakabahan akong tignan ang mukha niya. Hindi ko rin magawang magsalita para magsabi ng paalam. Sa totoo lang: Ayoko pa. Ayoko pang umuwi. Baka kasi may sasabihin pa siya. Baka may hirit o banat pa siya. Baka yayain niya pa ako ng dinner. 

Baka...

Baka...

Baka... Ang daming baka. Ano ba 'tong isip ko? Hacienda ng mga baka? 

Deh, seryoso: hanggang ngayon, kinikilig pa rin ako. 

Nahihirapan na ako. Gusto ko nang umuwi kasi maghahanda pa ako ng hapunan namin. Gusto ko nang umuwi kasi mag-uusap pa kami ni Chloe para sa JS bukas. Gusto ko nang umuwi kasi gusto kong basahin uli ang notebook na 'to. Gusto ko nang umuwi para mailabas ko na ang tindi ng kilig na kanina ko pang pinipigilan. Pero ayoko pa. Ayoko pa talagang maghiwalay kami. Pero kailangan ko na, eh. 

Ano nang gagawin ko? Hindi ko naman pwedeng kunin ang phone ko para tignan kung may message ako. Baka isipin niya na may naghahanap na sa akin at kailangan ko nang umalis. Hindi ko rin naman magawang tignan ang relo ko. Baka isipin niyang may oras akong hinihintay kaya kailangan ko nang umalis. Isa pa, walang battery ang relo ko kaya useless lang. Ayokong isipin niyang gusto ko nang umuwi. Ayokong isipin niyang kailangan na naming maghiwalay. Kasi ako, ayoko pa talaga. 

Ugh. Naiinis na ako. Kailangan ko nang umalis. Bibilang ako ng tatlo, pagkatapos lilingon na ako sa kanya at magpapaalam. 

One...

 Deep breath, Maggie.

Two...

 Deeper breath, pero huwag kang magpapahalata.

Three...

 Ngayon, deepest breath, then lingon... K. Wait. K. Fine. Now na. Lingon. Oh, my Lordie! Ang ngiti niya...

 

Dave 

All of a sudden, she turn to me, then turn away again immediately. 

Natawa ako at nasabing, "Para na tayong mga engot dito. Hindi ka na ba talaga iimik?" 

Lumingon siya uli at hinampas lang ako nang malakas. Gumanti naman ako ng tulak sa kanya saka sinabing, "Nakakarami ka na ng hampas, ha. Ako nga ang dami ko ng I-love-you sa'yo, ikaw naman puro hampas." 

"Abaaa!" Kitang-kita sa mukha niyang pinipigilan niyang tumawa. "Ba't ka gumaganti?" aniya pa sabay hampas uli sa'kin.

"Para gantihan mo rin ako. Gantihan mo 'yung lahat ng I-love-you ko."

"Ang ewan mo talaga!"

"Ewan? Your only one?"

"Gulo mo. Uwi na nga tayo."

Natigilan ako saglit. Heto na. Nag-aya na siya. Uuwi na kami. Well, gaya ng sinabi niya the last time: Hindi totoo ang forever. Ang totoo, may beginning at ending. Ito na nga ending.

"Okay. Bukas, ha. Susunduin kita."

"Ay! Sorry. Nakalimutan kong sabihin, kay Chloe ako sasabay bukas, eh. Siya rin daw kasi ang bahala sa'kin mag-ayos bukas. Sa ball na lang tayo magkita."

"Whoa! Sometimes, I know this is silly but--I doubt Chloe's sexuality. Or sa'yo rin," pang-aasar ko.

Hinampas niya na naman ako saka pasigaw na sinabing, "Grabe ka! Hindi kami tomboy, 'no!"

"Aray ko, ha. Isa pa. Hampas pa. Gaganti ako uli sa'yo--gamit ang lips ko," banta ko.

Natigilan siya. Nagpipigil na naman ng tawa niya.

Sabi ko pa, "'Di ba ako ang ka-date mo? Sabay dapat tayo, so I'll fetch you tomorrow kina Chloe, okay?"

"Sige na po. Oo na po, mahal na prinsepe."

"Mahal na prinsipe. You mean, mahal mo ako? Sinasagot mo na ako? Boyfriend mo na ako uli? Tayo na uli?" Sa sobrang hyper ko, nahalata kong napunta na sa'min ang atensyon ng ibang mga tao sa paligid namin.

"Kalma! Ano ka ba?" Mukhang nahihiya na siya kaya umupo ako uli sa tabi niya. "Dave--hi-hindi pa."

Biglang bumagsak ang energy ko nang sabihin ko 'yun. Mukha ring nalungkot siya sa sinabi niya. Pero siguro nga, walang makakatalo sa tindi ng saya ko ngayon, kaya after a few seconds, change mood uli ako back to manic phase. "Okay lang. 'Di ba sabi ko, no matter how long and hard it may take, okay lang. Basta. Nililigawan kita, kaya kailangan kong magtyaga. Oh, tara na?"

Ngumiti lang siya. Kinuha ko ang bag niya at in-offer ang kamay ko. 

Nang tumayo kami, humirit ako ng isa pa, "Maggie, sana soon, dumating ang araw na haharap tayo uli sa mga kaibigan natin at sasabihing, 'Guys, kami na uli'," saka ko sinuot ang bag niya sa balikat ko. 

Maraming beses ko na siyang naipagdala ng bag, pero ito ang unang beses na sinuot ko ito sa aking balikat. Nagsimula kaming maglakad palabas ng campus. Ihahatid ko siya pauwi. Hawak ko ang kamay niya. Suot ko ang bag niya. Pakiramdam ko kami na. 

Ramdam ko sa ngiti niya, sa mga mata niya, at sa kamay niya na kinikilig siya. At kinikilig ako kapag kinikilig siya. 

🎉 Tapos mo nang basahin ang My GF Is So Panget (Various Faces of Liars) 🎉
My GF Is So Panget (Various Faces of Liars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon