Chapter 48: Very Weary Christmas
Dave
Sa isang exclusive resort ginaganap ang christmas party namin ngayon. Akala ko section lang namin ang nagse-celebrate dito, pero nalaman ko mula sa iba kong mga kaklase na may dalawang section sa batch namin at isang section mula sa thrid year ang nandito rin ngayon. Nag-alala tuloy ako kanina dahil sa pangamba na mas maraming tao mula sa S.H.U. ang pwedeng maka-witness ng hinanda ko for Maggie sa exchange gift mamaya, which is the only thing I've been waiting to happen today--ang tanging highlight ng christmas party para sa'kin.
Habang tumatagal ay lumalala ang kaba ko. Magugustuhan kaya ni Maggie ang gagawin ko? Magkakabati na ba kami mamaya? Sana talaga--sana by today, maging okay na kami. Sana matuwa siya. Sana ma-appreciate niya. Please, God, help me po!
Pagkatapos ng ilang useless program ay nagsimula na ang kainan. Nagulat ako nang abutan ako ni Mitch ng plato, kutsara't tinidor. Nag-thank-you naman ako pero nang makita kong wala pang kubyertos si Maggie ay dali-dali akong lumapit sa kanya para iabot ang hawak kong kubyertos.
"Oh," sabay abot sa kanya. Gusto ko siyang ngitian pero hindi ko nagawa. Inalok ko siya na parang casual lang. Nahiya ako, eh.
Pero...
Hindi niya tinanggap ang inabot ko. Hindi niya ako pinansin. Hindi niya nga ata ako nakikita, eh. Well, ano nga bang bago? Wala!
***
Exchange gift na. Eto na ang pinakahihintay ko. Shit! Kakapalan na naman ng mukha ang paiiralin ko. Sana, please, sana -- I hope everything to turn out well.
Patindi nang patindi ang kaba sa dibdib ko habang isa-isa nang nagbibigayan ng regalo ang mga kaklase ko. Shit! Hindi ko alam kung kaya ko bang maitawid ang nakaplano kong gawin ngayon para kay Maggie. Nag-aalala din ako kung magugustuhan niya ba ang gagawin ko pati na ang regalong pinaghirapan at pinagpuyatan ko.
Hindi ko na namalayan na ako na pala ang binibigyan ng regalo ngayon. Si Mitch, siya ang nakabunot sa'kin. Inabot niya sa'kin ang maliit na box na nakabalot ng blue gift wrapper. Nag-thank you ako pagkatapos, At dahil ako ang huling nakatanggap ng gift, oras na para ako naman ang mag-reveal kung sino ang monita ko.
Tang ina! Eto na talaga! Kinakabahan na ako, pero hindi ko pinapahalata kahit kanino. Nakakahiya.
Ibinalik sa'kin ni Don ang isang red rose na may mahabang stem na pinahawakan ko sa kanya kanina, habang pinahawakan ko naman sa kanya ang regalo ko para kay Maggie.
Naka-form ang buong klase namin ng circle at bilang turn ko na para magbigay ng gift, pumagitna na ako dala ang red rose. Sinundan ako ni Daniel dala ang gitara niya.
"Dave," tawag ni Chloe sa bandang kaliwa ko. Katabi na nila ni Don si Maggie. Nang makita ko sila'y ngumiti na ako. Tinapik ako ni Daniel sa kanang balikat ko.
"Good luck, 'tol!" bulong ni Dan, tapos ay nagsimula na siyang tumugtog.
Maggie
Hindi ko maintindihan kung bakit biglang lumapit sa'kin sina Chloe at Don. Si Dave naman ay humarap sa'kin. Naghalukipkip ako ng kamay at tumingin sa malayo. Ang awkward ng pakiramdam ko. Bakit ba ayaw pang i-reveal ng gagong 'to kung sino ang nabunot niya? Ang dami niya pang drama. Kasama niya pa si Dan na may dalang gitara. Anong gagawin nila? Manghaharana? Kanino? Bakit nakakaramdam ako na ako ang monita niya? Bakit pakiramdam ko, ang gagawin niyang palabas ay para sa'kin? At higit sa lahat, bakit gusto kong ako na nga lang--ako na lang ang monita niya? Shit! Hindi pwede 'tong pakiramdam kong 'to.
BINABASA MO ANG
My GF Is So Panget (Various Faces of Liars)
Dla nastolatkówMukhang prinsepe ang lalake. Usap-usapang mangkukulam naman ang babae. Sa mundo kung saan namumuhay ang iba't ibang mukha ng mga sinungaling, silang dalawa ay magtatagpo, magmamahalan, at magkakasakitan. © 2012 http://princeofbanat.tumblr.com/