Chapter 18: The Only Exception

29.8K 139 43
                                    

Chapter 18:

 Maggie

Bigla na lang nawala si Dave habang nagcha-chat kami. Hinintay ko pa siya, pero hindi na siya uli nag-online. Ano ba naman siya--kainis! Nagtext na lang ako ng "Matutulog na ako. Nawala ka bigla kanina sa chat natin. Sige, late na din. Good night :*"

Nag-reply siya ng "Ay, sorry. Bigla kasi akong kinusap ni mama. Sige, tulog na din ako. See you bukas! Good night :*"

"I love you, Dave. Sweet dreams <3"

Five minutes pa ang nakalipas bago siya mag-reply ng "ILY, Maggie <3 Dream of me!!! -.-zzZ"

Natulog na ako nang mabasa ko ang last text niya.

***

Bago ako umalis ng bahay para pumasok sa school ay nakita ko ang gitara ko sa gilid ng cabinet. Matagal ko na rin palang hindi nagagmit ito. Hinawakan ko ito at hinaplos. Na-miss ko nang tumugtog ng gitara kaya napagdesisyonan ko nang dalhin ito ngayon sa school--tutal naman, half-day lang ang lecture namin ngayon at may meeting mamayang 2PM kaya mahaba ang magiging lunch break namin.

***

Nang matapos na kaming kumain ay nagpunta kami sa  tambayan namin sa may Alfonso Road. Kung hindi sa sports hall, dito kami madalas nagba-bonding. Dito rin tumatambay ang karamihan ng mga estudyante kasi maraming mga bench dito na pwedeng upuan, maaliwalas ang ambience, at may wi-fi pa.

Hinubad ko na ang cover ng gitara ko at nagsimula na akong tumugtog at kumanta. Nagkatuwaan kami. Nag-picture-an. Nagtawanan. Pati si Daniel, hiniram ang gitara ko at tinugtugan si Chloe. Marunong din pala siyang maggitara--nakakatuwang malaman.

Habang nagba-bonding kami ay nakuha ng atensyon ko ang mga babae sa kabilang bench na nagtatawanan ng malakas. Pakiramdam nila ay kanila ang buong lugar. Wala naman akong pakialam kasi kasiyahan nila 'yun, pero may kakaiba akong naramadaman. Pakiramdam ko kasi ako na naman ang pinagtatawanan nila. Nasanay na lang siguro ako na laging binu-bully ng ibang babae dito sa SHU. Nang mapalingon ako sa lugar nila ay nakita kong sina Jonel pala ang nagtatawanan kasama ang mga kaklase niya, at pati na rin Lani, nakita ko. Mukhang mali yata ang akala ko na ako ang pinagtatawanan nila, dahil nakatutuok ang atensyon nila sa tinitignan nila sa I-Pad ng isa sa mga kaklase nila. Haay! Buti naman, hindi na ako.

"Girls, ang feeling-feeling niya talaga!" ang narinig ko sa isang babae.

"You're right, girl! It's like watching beauty and the beast--syempre, 'yung girl ang beast!" dagdag ni Jonel.

Naramdaman ko na naman na mukhang ako nga talaga ang pinagtatawanan nila.

"KNOCK-KNOCK!" sigaw nila nang sabay-sabay. Sa sobrang lakas ay napatingin kaming lahat sa kanila. Nakatingin ang grupo nina Jonel at Lani sa amin ng sumigaw sila ng KNOCK-KNOCK habang naka-smile--'yung smile na mapang-asar, mapang-api actually!

Nang tumingin na nga kami sa kanila ay sumagot ng malakas ang isa pang babae mula sa kanila ng "WHO"S THERE?!"

"Guys, h'wag na nating pansinin ang mga iyan" bulong ni Chloe. Hindi na nga namin sila pinansin. Tinignan na lang namin ang mga pictures na kuha namin bago lang.

"LAHAT NG BABAE AY MAGANDA" sigaw ni Jonel.

Napalingon na naman ako. Naiinis ako sa sarili ko dahil nakuha na naman nila ang atensyon ko.

"LAHAT NG BABAE AY MAGANDA who?" sagot ng kasama niya.

"1, 2, 3" sabay-sabay silang kumanta habang nakatitig sa akin ng "♪ ♫ ♪ ♫ You are...the only exception! You are...the only exception! ♪ ♫ ♪ ♫at nagtawanan uli sila.

Nagkibit-balikat na lang ako sa pang-aasar nila. Ayokong ipakita na affected ako kahit ang totoo ay nanlulumo na ako sa sarili ko.

"Maggie!" sabi ni Dave ng malakas. Hindi pasigaw pero enough para marinig ng marami. Anong gagawin niya? Hahalikan niya na naman ako sa forehead para ipakita sa lahat ang affection niya para sa akin? Eee. Kung ganito ba naman lagi ang gagawin niya, mas gugustuhin ko pa na laging binu-bully! Ahihihi.

Itinaas ko lang ang kilay ko kay Dave bilang tugon.

"Maggie, KNOCK-KNOCK!"

Huh?! Ano daw? Hindi ako sumagot ng who's there, hindi ko alam kung bakit, siguro ay dahil nahihiya ako.

"WHO'S THERE?!" ang sigaw ni Chloe na ikinagulat ko.

"LAHAT-NG-BAGAY-AY-MURA-NA-DAHIL" ani Dave.

"Sumagot ka, Maggie" ang bulong ni Chloe. "Laksan mo, ha! This is for those bitches!" ang dagdag ni Chloe. Lumakas ang loob ko dahil sa kanila. Naramdaman kong may mga kakampi ako.

"Ano nga uli 'yun, Dave?" ang bulong ko.

"LAHAT-NG-BAGAY-AY-MURA-NA-DAHIL"

"lahat-ng-bagay-ay-mura-na-dahil WHO??!"

"♪ ♫ ♪ ♫ Ikaw lang ang aking mahal...ang pag-ibig mo'y aking kailangan. Pag-ibig na walang hangganan...ang aking tunay na nararamdaman....aaahhh ♪ ♫ ♪ ♫"

Kinilig ako bigla sa kanta ni Dave na kahit wala sa tono ay mararamdaman mo ang sincerity. Tumahimik na ang mga bitch, at naisip ko na para malaman ng mga bitch na 'yun na hindi ako dapat inaapi ay tumayo ako at pumulupot ako sa braso ni Dave habang nakatingin sa kanila at naka-grin. Hugh! Akala nila, sila lang ang marunong mang-asar?! Nek-nek nila! haha

Naramdaman kong may humampas ng likod ko habang naka-grin ako sa mga bitch. "Hoy, Maria! Tara na!" ani Chloe.

"1:30PM na, punta na tayo ng President's Hall para makakuha tayo ng maayos na upuan" ani Chloe.

"OK" ang tugon ko.

Boring ang meeting dito sa President's Hall. Puro tungkol lang sa university na wala naman talagang pakialam ang mga estudyante. Karamihan nga ay nagchichismisan lang, at dahil si Chloe ang katabi ko sa kanan ko, siya na lang ang chinismis ko. Hindi naman pwede si Dave dahil si Don-Don ang kadaldalan niya.

"Uyy, Chlow!" ang bulong ko.

"Hmm?"

"Thank you kanina sa inyo, ha!"

"For what?"

"Kanina, pinalakas mo ang loob ko dun sa mga bitch na iyon!"

"Wala 'yun. We're friends, and they're bitches! Natural lang."

"Akala ko kasi, hindi talaga kayo boto sa amin ni Dave."

"Mags!" first time niya akong tinawag na Mags. Hindi na Maria. "What makes you think we're not?! Aww...sorry kung na-feel mo 'yan. Maybe it's because, we're kinda surprised, y'know?! When we found out na kayo na nga."

"Mmm. Yaan mo na, wala na 'yun sa akin."

Chloe

Nagulat ako sa sinabi ni Maria. Yes, nagulat talaga kami, ako actually, nang malaman kong sila na ni Dave. Hindi lang ako nagulat, kinabahan pa ako.

Paano kung malaman nilang nagsinungaling ako noon kina Dave about sa issue ng pagiging witch ni Maggie?! Well, sa ngayon, hindi na ako kinakabahan, dahil may maganda na akong alibi. Ang problema na lang ay si Lani. That bitch! Honestly, natatakot din ako na baka ibulgar niya ang secret ko, pero siguro naman natatakot din siya sa threat ko sa kanya -- dapat lang! Dahil kapag ibinulgar niya iyon, I'll literally slash her neck! Wala akong pakialam kung ex-bestfriend ko siya, basta si Daniel lang ang mahalaga para sa akin.

My GF Is So Panget (Various Faces of Liars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon