Chapter 44: No More Ube
Dave
"Kanina ka pa, ah," boses ng babaeng narinig ko. Boses iyon ni Maggie, at siguradong ako ang sinabihan niya niyon.
Lumingon ako at hindi ako nagkamali, si Maggie nga ang dumating.
"Oo. Kanina pa akong naghihintay sa'yo dito," sabi ko.
"Oh, edi sana umalis ka na lang."
"Paalis na nga ako, eh. Dumating ka lang. Sinadya mong magpa-late, 'no? Buti naabutan mo pa ako."
"Kanina pa ako dito. Nagtatago lang ako at hinihintay kitang umalis."
"Eh, kung gusto mo pala akong umalis... Bakit mo pa ako pinipigilan ngayon?"
"Pinipigilan? Asa ka! 'Yung notebook ko, hoy!"
"No! Mag-usap muna tayo."
Masama ang tingin niya sa akin. Ilang sandali pa'y sinabi niyang, "Kfine."
Umupo ako uli sa bench at sinabing, "Umupo ka muna."
Umupo siya sa kaliwa ko ngunit may malaking agwat sa pagitan namin.
"Game!" sabi niya.
Huminga muna ako nang malalim saka sinabing, "Kumusta ka na?"
"Diretsuhin mo na ako, huwag mo na akong kinakamusta," sagot niya sabay kamot sa ng ulo niya.
Damang-dama ko ang galit niya sa paraan ng pagtataray niya. Parang hindi siya ang Maggie na kilala ko.
"Kinakamusta kita kasi nami-miss na kita," bigla kong nasabi. Hindi ko naman dapat sasabihin 'yun, eh. Wala, nasabi ko na.
Hindi siya tumugon. Huminga ako uli nang malalim. This time, mas maraming hangin ang in-inhale ko, saka ko binigkas ang, "Sorry."
"Sorry? Para sa'n?" Ayaw niya talaga akong tignan.
"Galit ka sa akin, 'di ba? Obvious naman, kaya sorry kahit hindi ko alam kung bakit--kung anong dahilan. Sorry na kung anuman 'yun. Sorry. Sorry sa lahat."
"Hindi mo alam?" Tinignan niya na ako, pero may pananakdal ang mga tingin niya, kaya ako naman ang lumayo ng tingin sa kanya. "Nagso-sorry ka kahit hindi mo alam ang dahilan?!" Ang totoo, alam ko naman talaga ang dahilan, eh. Masyado lang marami kaya hindi ko maisa-isa. "Sincere ba 'pag ganun?" Siyempre, sincere 'yun. Alam ko. "Sorry dahil sorry lang? At tsaka, ano 'yang sorry-sa-lahat na 'yan? Hindi ko alam ang lahat, Dave."
"Eh, ano bang alam mo?" bulong ko.
"Anong alam ko?! Huh?!" Tinignan ko siya saglit. Nakataas pa ang dalawang kilay niya habang nagsasalita. "Ang alam ko lang naman, wala! Trip ko lang magalit sa'yo, pwede naman 'yun, 'di ba?"
Nagulat ako sa sinabi niya, kaya napataas ang tono ko nang sabihing, "Trip? What the?! You think I'll buy it?! Ugh!"
"And you think I'll buy your sorry?" Whoa! Napa-english na naman siya. Galit nga talaga.
"You want me to be honest, huh?" sabi ko.
"Sino bang may ayaw?"
"Fine. Then, be honest, too--to me."
Hindi siya umimik. Eto na, tatanungin ko na siya. "Ano nga kasing problema? Bakit bigla ka na lang nagalit sa akin--again? Kakabati lang natin last, last Sunday, tapos after that, nothing-from-you uli ako? Kasi ano? May kasalanan ako? Please naman, Maggie, sabihin mo kasi. Ano?"
BINABASA MO ANG
My GF Is So Panget (Various Faces of Liars)
Dla nastolatkówMukhang prinsepe ang lalake. Usap-usapang mangkukulam naman ang babae. Sa mundo kung saan namumuhay ang iba't ibang mukha ng mga sinungaling, silang dalawa ay magtatagpo, magmamahalan, at magkakasakitan. © 2012 http://princeofbanat.tumblr.com/