Chapter 15:
Maria
Kami na nga talaga ni Dave. Mabilis ba? Oo. Pero bakit? Bakit bumigay ako agad? Dahil ba sa mga sinabi niya? O baka dahil atat na atat ako sa kanya? O baka naman nami-miss ko na 'yung feeling na may boyfriend? Nami-miss ko lang si Jules? Hindi, eh. Naka-move on na ako. Nai-let go ko na siya. Tama na nga, Maggie! Stop thinking too much. Kami na ni Dave, end of story? Nah...Nagsisimula pa lang ang kwento namin.
Kami ang usap-usapan sa buong campus ngayon, 'David Angeles de los Santos is now in a relationship with Maggie Evangelista' ang status ni Dave sa FB three days after na maging kami. Pagkatapos nang araw na iyon ay nagkakailangan pa kami ni Dave. Pangiti-ngiti sa isa't-isa, nagkukulitan ng mild lang. Most of our talk is through phone lang. Parang nahihiya pa kasi kaming dalawa na ipagsigawan sa buong mundo na kami na--marahil ay dahil sa sobrang bilis ng mga pangyayari. Hanggang sa mapansin na nga ng barkada namin na may kakaibang sweetness na between us.
Naalala ko nang sinabi ni Chloe, "Nagliligawan ba kayong dalawa?" at dun na kami napaamin na kami na--at pagkagabi, ayun na, nai-shout out na ni Dave ang relationship status namin sa Facebook.
Maraming panlalait na comment ang nababasa ko sa FB, mula sa mga school mates at mga relatives ni Dave. Hindi daw kami bagay. Hindi daw ako maganda. Tanggap ko naman 'yun, eh, pero honestly, nahihiya pa rin ako. Iniinda ko na lang ang mga komentong iyon, dahil na-fall na talaga ako kay Dave.
Sa kabila ng mga panlalait ay may mga tao pa ring sumusuporta sa amin gaya ng mga kaibigan ko sa choir. Natutuwa daw sila at kinikilig. Masyado kasing sweet sa akin si Dave lalo na kapag nasa campus.
Pero may isa pang mas masakit: Hindi supportive ang barkada namin sa amin dalawa. Nararamdaman ko 'yun, kaya kapag magkakasama kami, kinokontrol ko ang sarili ko--ang kilig na nararamdaman ko at ang pagiging sweet ko na rin kay Dave. Nakakalungkot lang dahil sila pa naman ang inaasahan kong magiging supportive sa aming dalawa.
Tapos na kaming kumain, kaya inilabas ko ang dala kong digicam. "Guys, picture-picture naman tayo." Nag-picture-an kami. May shots na kaming dalawa lang ni Chloe; meron din na ang 3D lang; meron din kaming dalawa lang ni Dave.
"Kita niyo na mga 'tol, ako talaga ang pinakagwapo sa ating tatlo," pagyayabang ni Dave.
"Kaya nga, Dave," pagsang-ayon ko.
"At ikaw naman ang pinakapanget sa atin," pambara ni Don-Don sa akin dahil sa pagsang-ayon ko kay Dave.
Ininda ko na lang iyon, at tinaggap bilang isang joke, kaya sumagot na lang ako ng "Oo nga. Haha" at nagtawanan na lang kami. Kunyari okay lang sa'kin.
Habang tintignan namin ang mga shots namin ay bigla kong narinig ang isang babae na nagsalita nang malakas ng, "Girls, hear this quote! Sabi dito, sa mga couples daw kapag gwapo ang lalake at maganda ang babae--jackpot. Kapag parehong panget, sukob! Kapag panget ang lalake at maganda naman ang babae, magaling dumiskarte ang lalake. And finally..." Tinodo niya pa ang boses niya na parang may pinatatamaan: "Kapag gwapo ang lalake, at panget ang babae--KULAM!" At bigla na lang nag-burst out ang tawanan sa buong canteen.
Na-offend ako, sa totoo lang. Feeling ko kasi na ako ang pinatatamaan nila. Gwapo si Dave, panget ako.
Bakit laging ganun? Bakit ang beautiful couple lang ang laging nakakakilig? Bakit laging ang maganda lang ang madaling hangaan? Bakit kapag panget, bihirang maging bida sa kwento?
"Maggie!" Malakas rin ang boses ni Dave. Siguro para makuha din ang atensyon ng marami.
Nagtaka lang ako kung bakit o ano ang sasabihin niya.
BINABASA MO ANG
My GF Is So Panget (Various Faces of Liars)
Teen FictionMukhang prinsepe ang lalake. Usap-usapang mangkukulam naman ang babae. Sa mundo kung saan namumuhay ang iba't ibang mukha ng mga sinungaling, silang dalawa ay magtatagpo, magmamahalan, at magkakasakitan. © 2012 http://princeofbanat.tumblr.com/