Chapter 2: Beleaguered Prince
Umiihip ang malamig na hangin ngayon. 10 pm na ng gabi—maliwanag pa rin dahil sa full moon. Nakahiga lang ako sa sahig ng rooftop ng bahay namin. Nagpapalamig. Nagmumuni-muni. Minamasdan ang magandang langit. At malayang ipinagkakaloob ang buong sarili sa lahat ng babaeng lamok.
Kahit mistulang sining ang nasa paningin ko ngayon, wala pa rin akong ibang maramdaman kundi lungkot—wala kasi si Lani. Kaya ko naman talaga ang mag-isa, e. Mas masaya lang talaga kapag kasama ko siya. Mas masaya kapag sabay naming pinagmamasdan ang kalangitan. Mas masaya kapag sabay kaming nagbibilang ng mga tala. Mas masaya kapag sabay kaming nagkakamot dahil sa mga kagat ng lamok. Mas masaya kapag kaming dalawa ang magkatabi.
Naging playboy ba talaga ako? Playboy na ba kapag nakikipag-usap sa iba't ibang babae? O baka sadyang nagkulang ako kay Lani? Did I take her for granted? Naalala ko bigla ang break up namin ni Lani.
"Palibhasa kasi alam mong ang gwapo-gwapo mo. Maraming may gusto sa'yo, kaya kung kani-kanino ka na lang lumalandi!" ani Lani na puno ng galit.
"I'm not a flirt, Lan! Masama bang maging friendly? So kailangan maging snob ako? Hindi ako ganun, Lani," depensa ko.
"Pero alam mong kilig na kilig ang mga babaeng 'yun, ginagawa mo pa! Tapos ang phone mo! Ni ayaw mo ngang binubuksan ko 'yan, eh. Bakit? 'Cause you're hiding something!" banat niya pa.
"Phone? Private property ko 'to, Lan. Osige, para malaman mong wala akong tinatago…" Dinukot ko ang phone ko mula sa bulsa ko sabay sabing, "O! Ayan! Open it! At 'yung kilig? Hindi ko kasalanan kung kinikilig sila."
"Ako po ang girlfriend mo, Mr. David Angeles de los Santos! Ako lang ang dapat pinakikilig mo! At 'yang phone mo? Private property? Dave, bilang girlfriend mo, dapat buong-buo mong shine-share sa akin ang lahat tungkol sa buhay mo. Unfair ka! Halos lahat sa akin, ipinaaalam ko sa'yo!"
May punto si Lani. Tee naman kasing mobile phone 'to--puro porn videos, at dahil nga wholesome itong girlfriend ko, ayokong makita niya.
"Ano pa bang hindi mo alam sa akin, Ms. Lani Marie Gomez Guevarra?"
"Hindi ko alam kung sino-sino pa ang nilalandi mo! Hindi ko alam kung sino-sino pa ang girlfriends mo! Hindi ko alam kung ilan kami! Hindi ko alam kung ako lang!"
"God, Lani! Kailan ka magtitiwala sa akin? Wala ngang iba! Ikaw lang! Ano bang proof mo? Sige nga sabihin mo!"
Natahimik si Lani. Nag-facepalm siya saglit, then she looked up and said, "I don't need proof, Dave. I just have this feeling!"
"Paranoia?" agad kong sagot.
Napalingon siya sa akin. Tinignan niya ako nang hindi maganda. "Fuck, Dave! It's not! I'm not! I'm not paranoid!"
Na-guilty ako sa comment ko kaya napayuko ako nang sabihin kong, "K. Sorry." Pagkatapos ay muli ko siyang tinignan at tinanong ng, "Now, what?"
Hindi siya sumagot. Natahimik kami pareho nang ilang minuto.
"Lani, ano na? Oh, ‘eto na ang phone ko. Sorry na. Bati na tayo! Please!" Pinilit ko pa ring magpa-cute sa kanya para lang bumaba ang tension between us. "Starting today, I won't keep anything from you. Ire-remove ko na ang password ng phone ko, pati na rin sa laptop ko. 'Yung sa ibang babae naman--kilig? Girlfriend na kita, hindi ka pa ba kinikilig nyan?"
"Nang nililigawan mo pa lang ako, oo! Pero nang maging tayo, nang tumagal, hindi na! Ako ang laging nauunang magsabi ng I love you. Ikaw! Puro ka na lang I love you too! Iba 'yun, Dave. Iba!"
Naguluhan ako sa sinabi niya kaya hindi ko alam kung paano sasagot. Sinabi ko na lang, "Ang drama, ha!"
"Iyan! Isa pa 'yan. Noon, madrama ka rin, Dave. Kung anu-anong gimik ang ginagawa mo. Ngayon, ano? Wala. Nga-nga!"
"So gusto mong mag-start all over again? 'Yung puro kiligan lang tayo? Game! Gagawin ko, maayos lang 'to."
"I'm tired."
"Ako rin. Pagod na ako sa away natin, kaya nga magbati na tayo! Sorry na. Sorry ulit. Sorry. Sorry. Sorry..."
"No. I'm tired of us, Dave--sa akin, sa'yo, sa atin!"
"E, ilang beses na akong nagso-sorry sa'yo, a?! Isn't that enough?"
"Hindi na, Dave. Ayoko na."
Natahimik ako bigla that time. Hindi ko alam ang sasabihin. Pakiramdam ko sasabihin niya na ang iba't ibang gasgas na break-up lines like 'It's not you, it's me' o kaya 'I need space'
"Pagod na ako sa kakaselos. Ayoko na 'yung feeling na natatakot maagawan. Kaya ako na ang bibitaw. Dave, makikipag-break na'ko," her last line.
Wala na akong nasabi nang mga panahong iyon. Basta na lang umalis si Lani. Ang sakit alalahanin ang break up namin. Siguro natamaan ang ego ko nang mga oras na 'yun kaya itinigil ko na ang pamimilit. Siguro natakot lang ako nang mga panahong 'yun na makapagsalita ng hindi maganda. Siguro--ang daming siguro. Ang totoo, hindi ko talaga alam. Sa tono kasi ni Lani, siguradong-sigurado na siya na ayaw niya na--ayaw niya na sa amin--sa aming dalawa.
Tumutulo na ang luha ko sa gilid ng mga mata ko. Masakit. Mabigat sa pakiramdam. Totoo ngang ang pagmu-move on ay parang pagbangon sa umaga kapag may pasok--mahirap pero kailangan.
Habang nakahiga ako sa sahig ng rooftop namin ay may naramdaman akong tao sa bandang likuran. Napaupo ako. Tumingin sa likod at naaninag ang pigura ng isang babae. Nakabestida siyang puti. Agad akong nakaramdam ng kaba. Tumayo ako at tinitigan siya. Baka katulong namin na sinusundo na ako para pumasok sa loob--pero hindi. Nakatayo lang ang babae. Hindi ko makita ang mukha niya. Tanging ang puti niyang damit at buhok niya na nililipad ng hangin ang nakikita ko. Nang diumano'y bigla na lang siyang kumanta nang kantang kinakanta kanina ni Maria—at ang tinig niya—tinig iyon ni Maria.
♪ ♫ Ang pangarap ko'y nagmula sa'yo /
Sa'yong ganda ang puso'y 'di makalimot ♪ ♫
Nang bigla ay lumakad siya nang dahan-dahan papalapit sa akin. Hinaplos ng sinag ng buwan ang mukha ng babae kaya naaninag ko ang hitsura niya. Si Maria nga. Paano niya nalaman ang bahay ko? Paano siya nakarating dito? Sa rooftop pa namin? Aswang ba talaga siya? Mangkukulam or whatever? Shoot!
Bigla na lang akong nagulat na nasa harap ko na siya. Magkalapit na ang mga mukha namin. Paano nangyari 'to? Hindi pantao ang bilis niya. Mukhang tama ang hinala ng lahat tungkol sa kanya.
"♪ ♫ Tuwing kapiling ka...langit nadarama...♪ ♫"
Shoot! This is not heaven! This is hell!
Hinawakan niya ang batok ko at huminto sa pagkanta. Hindi ako makakilos. Punong-puno ng kaba ang dibdib ko. Nanginginig lahat ng kalamnan ko. Paunti nang paunti ang distansya ng aming mga mukha—hahalikan niya ako—hahalikan ako ng panget nang walang kalaban-laban. Oh, God! Help! Nasaan ka, Darna? Tulungan mo ako!
BINABASA MO ANG
My GF Is So Panget (Various Faces of Liars)
Fiksi RemajaMukhang prinsepe ang lalake. Usap-usapang mangkukulam naman ang babae. Sa mundo kung saan namumuhay ang iba't ibang mukha ng mga sinungaling, silang dalawa ay magtatagpo, magmamahalan, at magkakasakitan. © 2012 http://princeofbanat.tumblr.com/