Chapter 42: This Week Is Not Weak To Make Me Miss My Miss
Dave
Naging napakasaya ng buong araw ko last Sunday na kulang na lang, eh, magpa-party ako nung gabi. Halatang-halata nga daw ng mga kasambahay namin at ng kapatid kong si Jaime ang ligayang bumabalot sa akin nang araw na iyon. Narinig ko ang bulung-bulungan nina yaya tungkol sa napakaganda kong mood--hinayaan ko lang sila.
Bigla ko tuloy naalala kung paano ako asarin ng bunso kong kapatid.
"Huli ka!" pang-gulat niya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko, at saglit na naging bato ang buong katawan nang makita ko siya. Naabutan niya kasi akong yumuyugyog awkwardly. Tawa siya nang tawa. Ako naman, binato ko siya ng lahat ng unan ko. Asar na asar ako sa kanya nung gabing 'yun. Bigla na lang siyang pumasok ng kwarto ko. Hindi man lang kumatok. Pero kahit ganun, natawa na lang ako sa sarili ko nang iwan niya na ako.
Noong Sunday kasi, kinausap na ako uli ni Maggie, at naayos ang tampuhan sa pagitan namin. Nang gabi naman ding iyon, nabawasan ng isa ang kalbaryo ko: Nawala na ang problema ko kay Lani--bati na kami. Friends? Um, pwede, pero hindi rin. Civil? Hmmm... Mas pwede.
Noong Monday naman, nakabalik na kaming tatlo nina Dan at Don-Don mula sa suspension, pero ang araw na 'yun: Wala! Dull! Parang wala lang. Walang nangyaring remarkable. Siguro dahil nanibago kami na wala sina Chloe at Maggie na nakasanayan na naming kasama rin halos araw-araw. At isa pa, dapat sasabihin ko na kay Maggie ang good news tungkol sa pagkakaayos namin ni Lani, pero hindi ko siya ma-reach nang araw na 'yun. Nag-alala na naman tuloy ako dahil buong araw kaming walang koneksyon nang araw na 'yun, pero hinayaan ko na lang at inisip na baka busy na naman siya. Kung sabagay, hindi ko naman tinigilan ang pagte-text at pagtawag sa kanya para lang maramdaman niya ang presence ko.
Tuesday, wala, wala pa rin. Nagtiis ako nang umaga, pero nang hapon ay nakaramdam na ako ng kaba. Paano kapag may mali na naman akong nagawa kaya hindi niya na naman pinapansin ang mga text at tawag ko? Hindi ko rin siya maabutang online. Tinanong ko si Chloe kung kumusta si Maggie, pero maging siya'y hindi rin daw ma-contact ang girlfriend ko. Malapit na ang exams namin kaya hindi na rin niya dinidistorbo si Maggie at maging siya mismo ay busy sa pag-aaral--iyon ang sabi niya. Sa next Monday kasi, makakabalik na sila mula sa suspension nila. Nang ma-realize kong malapit na ang exams, napanatag ako. Maaaring iyon nga ang dahilan kung bakit mukhang busy ngayon ang ube ko. Pero ewan talaga--nakakabagabag talaga kapag wala man lang ni ha, ni ho sa inyo ng girlfriend mo.
Wednesday, patuloy pa rin ang pagpaparamdam ko sa kanya, kahit sa loob ko ay may nabubuo na namang pangamba at pagkainis--pilit ko lang 'tong nilalabanan.
Isip ako nang isip kung ano bang ginagawa niya. Nag-aaral nga ba siya? Tumutulong na naman ba siya uli sa mama niya sa Palomo's? O baka busy siya kasama ang pinsan niyang balikbayan?
Nang Miyerkules ding 'yun ay nagkita kami ni September. Dumalaw kasi sa school namin sina Sep kasama ang mommy niya. Alma Mater din kasi nila ang S.H.U. Mabuti na lang at wala si Maggie, kundi lagot na. Patay na ako ng araw na 'yun kung sakali mang nagkita-kita kami nina Maggie at Sep.
Nagpaiwan si Sep sa SHU at magkasama kaming nag-lunch. Dahil dun ay panandaliang nawala sa isip ko ang pag-aalala sa muling pang-iisnob ni Maggie sa mga text at tawag ko; at dahil dun ay panandaliang naging mapayapa ang araw ko.
Nahumaling na naman ako kay Sep. Masaya kaming nag-usap na parang walang pangambang inaalala. Well, siya, oo--sa palagay ko, panatag siya. Hindi gaya ko na malapit nang i-engage sa kanya, habang may kasalukuyang girlfriend na itinatago.
BINABASA MO ANG
My GF Is So Panget (Various Faces of Liars)
Teen FictionMukhang prinsepe ang lalake. Usap-usapang mangkukulam naman ang babae. Sa mundo kung saan namumuhay ang iba't ibang mukha ng mga sinungaling, silang dalawa ay magtatagpo, magmamahalan, at magkakasakitan. © 2012 http://princeofbanat.tumblr.com/