Chapter 10:
Donito “Don-Don” Alvarez
Tss! Walang mapapala ang Maria na ‘yan sa pagsunod nya kay Dave—sigurado ako! Isa pa naman sa mga ayaw ng kaibigan kong iyon ay ang mga distorbo—magulo mag-isip ang taong ‘yun, eh! Kapag may napagdesisyunan, bigla-bigla na lang magbabago ng isip. Kapag may sinimulang plano, bigla na lang pababayaan. Kaya kapag tahimik na siya o kaya malungkot, hinahayaan na lang namin siya ni Daniel na makapagmuni-muni.
Kabaligtaran ko siya na kapag may problema, pinagtatawanan ko lang. Isa pang seryoso din, eh, itong si Daniel, pero si Daniel, nanghihingi ‘yan ng advice hindi gaya ni Dave na kapag nakapasok na sa sarili niyang mundo, hindi mo na mahihila pabalik. Well, pero sometimes he still does ask for some. Anyway, sigurado ako, walang mapapala ang Maria na ‘yun sa pagsunod niya kay Dave. May pa-comfort-comfort pang nalalaman—hindi naman girlfriend. Bagong kaibigan? Hm, pwede.
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Magkasabay na bumalik sina Dave at Maria. Huh? Paanong…ewan?! At anong trip na naman ‘to, Dave? Holding hands pa kayo ni Maria?! Pinipigalan ko ang tumawa—gusto kong maghanap ng lugar na mapagtataguan para dun tumawa ng malakas, pero Don, pigilan mo! Pikon pa naman ‘yang si Dave!
“Saan ka galing ‘tol?” tanong ko kay Dave.
“Wala lang” sagot niya.
“Nasundan mo siya Maria?” tanong ni Chloe.
“Obvious ba Chloe?” mapang-asar kong komento na ginantihan lang niya ng pag-irap.
Nag-bell na, eksaktong dating pa ni Mrs. Ferrer.
***
Mula pa kahapon ay hindi na pumasok si Dave. Ganito rin ang ginawa niya nang mag-break sila ni Lani—isang linggo siyang nag-absent. Malamang ay nagpapakasasa na naman sa pagtulog ang kaibigan kong iyon.
“Chloe, anong balita niyo kay Dave?” tanong ni Maggie.
“Ewan?” sagot niya kay Maria. Nagtanong siya kay Daniel "Babe, bakit dalawang araw nang absent si Dave?" Nag-shrug lang si Daniel.
“Hey, Don! Ikaw anong balita niyo kay Dave?” tanong sa akin ni Chloe.
“Nag-text siya sa akin, sabi niya sa Monday na lang daw siya papasok.”
“Eh, bakit daw? Monday pa! Eh, kahapon pa siya absent, ah? So kung sa Monday pa siya papasok, absent din siya bukas—-huh?! Limang araw siyang wala! Ang tagal naman. May sakit ba siya?” alalang-alala si Maria kay Dave. Halatang-halata na may gusto siya sa kaibigan ko. At talagang binilang niya pa ang araw na wala si Dave. Grabe, ah!.
“Sakit? Actually, oo—meron siyang sakit!” seryosong biro ko.
“Huh? Ba’t ngayon mo lang sinabi? Naospital ba siya? Ano? Anong sakit niya?” Gulat na gulat si Maria. Ang overreacting naman niya. Sakit sa puso lang naman ang sasabihin ko na ibig kong sabihin, eh, heartbroken siya. Tignan ko nga kung maloloko ko ‘tong mangkukulam na’to!
“May sakit sa puso si Dave!” Seryoso kong sinabi.
Hala, anong nangyari kay Maria? Para siyang binuhusan ng nagyeyelong tubig. Teka, may boyfriend na siya sabi niya dati, pero bakit ganito siya ka-concern kay Dave? Teary-eyed na siya. Aaminin ko na sana na nagbibiro lang ako pero nag-e-enjoy pa ako. Hahaha. Paniwalang-paniwala ang mangkukulam. Mangkukulam? Paano kung mabasa niya ang iniisip ko o kaya malaman niyang nagsisinungaling ako? Patay ako nito! Baka kulamin niya ako? Luh!
BINABASA MO ANG
My GF Is So Panget (Various Faces of Liars)
Teen FictionMukhang prinsepe ang lalake. Usap-usapang mangkukulam naman ang babae. Sa mundo kung saan namumuhay ang iba't ibang mukha ng mga sinungaling, silang dalawa ay magtatagpo, magmamahalan, at magkakasakitan. © 2012 http://princeofbanat.tumblr.com/