Chapter 56: Scars of the Stars
Maggie
Kalahating oras na ang lumipas mula nang iwan kaming dalawa ni Chloe dito sa lobby ng ospital ni Don-Don. Ihihingi niya kasi ako ng pahintulot na makita si Dave. Tahimik lang kaming dalawa ni Chloe, matapos niyang ikwento sa akin ang lahat ng pangyayari kagabi.
Nag-night out daw sila kagabi. Napadami ang inom ni Dave which is unusual sa kanya. Softdrinks, maniniwala akong makakaubos siya ng isang kaha, pero isang kaha ng San Mig Lights, very incredible. ‘Yun din ang sabi ni Chloe. Pinipigilan na raw nila si Dave kagabi, pero hindi nila magawa kasi nagagalit na rin si Dave sa kanila sa tuwing magsasabi silang tama na, uuwi na sila, or iiwan nila siya. Hanggang sa napaaway na nga si Dave. May na-meet daw kasi siyang girls na taga-SHU rin. Narinig nilang pinag-uusapan ako—at puro negative lang tungkol sa akin. Nagalit daw si Dave at nilait 'yung tatlong girls. Eh, kasama 'yung mga boyfriend nila kaya sila ang nag-away-away. May pasa si Don sa pisngi, si Dan naman, may sugat ang kamao. Tinatanong ko sila kung anong lagay ni Dave pero hindi nila ako sinasagot. Ang sabi lang nila, ako na ang bahalang makakita. Nag-undergo din si Dave ng detoxification dahil sa sobrang daming alcohol na nainom niya. Kanina pa raw siyang tulog.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko habang naiisip ko ang kwento ni Chloe kagabi. Si Dave, naglasing dahil sa akin. Tapos napaaway pa nang ganun? Hindi ako makapaniwalang mangyayari 'to or mararanasan ko 'to. Gusto kong kiligin na parang gusto ko ring makonsensya na parang hindi pa rin ako naniniwala. Gulong-gulo na ang isip at puso ko. Ang hirap.
Kinakabahan ako. Kinakabahan akong makita si Dave. Kinakabahan din akong makita ang mama niya. Paano kung tarayan niya ako? Si Dave naman, papansinin niya kaya ako? Sana tulog pa rin siya para makita ko siya nang hindi niya nalalaman.
Naghihintay pa rin ako ngayon kung papayagan ba nila ako. Hindi ako kilala ng mga magulang ni Dave, habang kami naman ni Dave ay wala ng kahit na anong ugnayan ngayon. Nasaktan niya ako. Nasaktan ko din siya. Kaya kahit malabong patuluyin nila ako sa kwarto ni Dave, umaasa pa rin ako—umaasa pa rin ako na papapasukin nila ako para makita at makausap si Dave.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang pag-aalala kahit alam kong nasa maayos na kalagayan na si Dave. Nag-aalala pa rin ako sa mga sugat at sakit na nararamdaman niya ngayon. Pero higit sa lahat, nag-aalala pa rin ako sa nararamdaman niya para sa akin.
Sinabi kong hindi ko talaga siya minahal—na nalinlang lang ako ng maganda niyang mukha—na kaya ko palang mabuhay kahit wala siya, at si Julian pa rin ang mahal ko. Nagsinungaling ako. Sinabi ko ang mga 'yun kasi hindi ko rin kayang saktan si ate Beng; at sinabi ko rin ang mga 'yun para saktan siya nang sa ganun ay makaganti ako. Hindi ko pinagsisihang sinabi ko sa kanya ang mga 'yun, dahil nang mga oras na iyon, galit na galit na galit na galit ako sa kanya. Sinaktan niya ako, kaya gumanti lang ako. Pero sa huli, talo pa rin ako. Dahil mahal na mahal na mahal na mahal na mahal ko pa rin pala talaga ang ube ko. Mahal na mahal ko si Dave. Kahit na may ate Beng pa--at kahit ilang ulit niya akong saktan, lokohin, balewalain, at kahit na ano pa, paulit-ulit ko siyang mamahalin.
“Maggie,” ani Don-Don mula sa likod ko. Agad akong lumingon sa kanya. Hindi ko hinintay ang sasabihin niya, bagkus ay itinuon ko ang atensyon ko sa mga mata niya. Gusto kong basahin ang mga sinasabi ng mga mata niya—kung okay lang ba sa magulang ni Dave at syempre kay Dave mismo na dalawin ko siya.
“Halika na,” sabi ni Don. Nang oras na marinig ko iyon ay agad akong nakahinga nang pagkaluwag-luwag at napangiti nang pagkalaki-laki, pero ang kaba ko, bigla na namang pinangibabawan ang daglian kong saya.
BINABASA MO ANG
My GF Is So Panget (Various Faces of Liars)
Teen FictionMukhang prinsepe ang lalake. Usap-usapang mangkukulam naman ang babae. Sa mundo kung saan namumuhay ang iba't ibang mukha ng mga sinungaling, silang dalawa ay magtatagpo, magmamahalan, at magkakasakitan. © 2012 http://princeofbanat.tumblr.com/