Chapter 58: When Fate In Disguise Reveals Reality, It Sucks, Fucks, and Cracks

19.3K 251 199
                                    

Chapter 58: 

Dave

"Happy New Year," halos pabulong kong tugon kina mommy, Jaime, at yaya Elsa nang magbaitan kami. Sabay-sabay naming pinapanuod ngayon mula dito sa veranda ng ospital ang makulay na kalangitan dala ng iba't ibang fireworks. Normally, fireworks makes me happy, but it totally fails to lift my lips up at this very moment. Ganito pala ang pakiramdam kapag ang dating nagpapasaya sa'yo, parang wala na lang ngayon. I feel weirdly blank.

Tuwing New Year, palagi kaming nag-aagawan ni Jaime at nagpapayabangan sa mga paputok--pero tonight--puro pahaging na reklamo na lang sa kapatid ko ang naririnig ko. Dismayado siya na hindi man lang kami nakapag-celebrate ng New Year like we usually do. Hindi ko na lang pinapansin ang kakulitan niya kahit kanina pa akong naririndi sa kanya. Sa totoo lang, pagod na pagod na akong makaramdam ng kahit ano.

 

***

Nagpaalam na sina mama at Jaime para umuwi ng bahay. Naiwan si yaya para samahan ako ngayon. Dahil siguro sa pagod, nauna nang natulog si yaya. Ako naman, kanina pang pinaglalaruan ang remote control--palipat-lipat ng channel. Wala akong magustuhang kahit na anong palabas.

"You're a liar!" sigaw ng babae sa kasama niyang lalake sa palabas na hindi ko alam ang pamagat nang madaanan ko ang isang movie channel.

Oo na. Tinamaan ako kaya agad kong pinatay ang TV. Nabalot ng dilim ang kwarto, maliban na lang sa lugar malapit sa pinto na may maliit na ilaw pa ring nakabukas. Tumalikod ako mula sa medyo maliwanag pang bahagi ng kwarto. Gusto ko ng dilim. Gusto ko nang matulog kahit wala ni katiting na antok akong nararamdaman. Buong araw ba naman kasi akong tulog kanina, eh. Naiinis na naman tuloy ako dahil pumapasok na naman siya sa isip ko--lalo na ang huling line mula sa TV na sumampal sa tenga ko.

Fine and fuck! I admit. I'm a fucking liar: A teenage guy who dreams to be a lawyer tomorrow, but lives like a fucking liar today. Well, sino nga bang hindi? Sino nga ba ang sa buhay nila ay naging 100% honest? Kung meron man, malamang isa pa rin 'yung kasinungalingan.

Hindi lahat ng katotohanan ay katanggap-tanggap. Hindi lahat ng totoo ay nagdudulot ng ligaya. That's why I know, everybody, at some point of their lives, did lie. Hence, there are various faces of liars.

Sinubukan kong ilarawan sa isip ko ang iba't ibang mukha ng mga sinungaling. Medyo nagugulat ako sa sarili ko dahil marami na naman akong naiisip.

There is this liar that looks simple. He has round, big eyes and a very jolly smile. He is the common face of a liar--the one that includes lying on his bio-data. Kumbaga sa personal information niya, ang nakalagay sa name, age, sex, at ultimo blood type niya: Liar. Everybody knows him as a liar. Kaya sa sampung salita niya, alam ng lahat na siyam sa mga iyon ay kasinungalingan, habang ang natitira namang isa ay katotohanan. But wait! There's still a twist. 'Yung isang katotohanang iyon, pagduduhan mo pa. Bakit siya nagsisinungaling? Baka trip niya lang. Pwede ring may mas malalim pang dahilan. Hindi ako sigurado.

Another face of a liar I picture looks fierce. His skin is dark. He wears a very seductive smile, and bears a brave and fiery eyes. He lies for his own sake--to get what he wants--and to save himself. He doesn't care for anyone's feeling but his own. Thus, he tends to hurt others.

In contrast to the fierce-looking liar, I see a liar that looks gentle. He has a fair skin. He wears a warm smile that is so kind. His eyes are romantic, but there are tiny diamond tears forming on each side. He's a beautiful liar, indeed. He lies for the sake of others. He lies because the situation calls for a security lie. His lies temporarily save eyes from crying, chests from tightening, and minds from devastating. However, because of his concern for others, he tends to hurt himself.

My GF Is So Panget (Various Faces of Liars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon