Chapter 27: Fucking Monthsary

28.9K 134 11
                                    

Chapter 27:

Maggie

Unti-unti nang pumasok sa utak ko ang ideyang hindi talaga alam ni Dave na monthsary namin ngayon, kaya unti-unti nang binalot ng lungkot ang buo kong katawan.

Bumagal ang paglakad ko at hindi ko na maintindihan ang mga pinagsasasabi ni Chloe. Daldal lang siya nang daldal.

Tanging si Dave lang ang iniisip ko sa mga oras na 'to. Dapat ko ba siyang sisihin? O dapat kong sisihin ang sarili ko?

Kung siya ang sisisihin ko, bakit? Hello?! Mag-boyfriend kami, 'di ba? Dapat alam niya ang monthsary namin, kasi espesyal na araw namin 'yun.

Kung sarili ko ang sisisihin ko, bakit? Kasi assumera ako? Ambisyosa? Feelingera? Gaga?

Ito nga ba 'yung sinasabi nilang 'masakit sa bangs'? Pucha naman, oh! Ba't pa kasi ako nagpa-bangs?!

Inalala ko ang araw nang maging kami ni Dave -- monthsary din dapat namin ni Jules ang araw na 'yun, pero dahil sa mabubulaklak na salita ni Dave, at sa sobrang atat ko sa gwapong iyon, agad ko siyang sinagot. Baka dahil dun kaya hindi niya man lang naalala ang monthsary namin? Kasi nga, biglaan ang nangyari?! Argh! Nakakainis! Dapat alam niya 'yun kahit biglaan lang, dahil espesyal 'yun. Espesyal nga ba para sa kanya ang relasyon namin?

Bumibilis ang paghinga ko. Pinipigilan ko ang emosyon ko. Ang hirap! ARGH!

Nang makalabas kami ng mall ay sumampal sa akin ang mainit na hangin. Nakadagdag pa ito sa mainit na mga mata ko dahil sa pagpipigil ko ng luha.

Tinignan ko ang cell phone ko. Dave, ano ba? Hindi ka ba tatawag? Wait, Maggie. Kalma! May oras pa.

"Mags, ano ba? Kanina pa ako daldal nang daldal, hindi ka naman nakikinig? What's wrong ba?" ang sabi ni Chloe.

Nagulat ako sa kanya. "Huh? Uhhh, Chlow. Uuwi na ba tayo?"

"Yes. Bakit may pupuntahan ka pa?"

Tinitigan ko lang si Chloe. Siguro nagpapanggap lang siya, at dadalhin niya na talaga ako kung nasaan si Dave ngayon -- kung nasaan ang surprise niya para sa akin.

Sumakay na kami ni Chloe sa sasakyan nila. Tahimik lang kami. Hindi na nag-uusap dahil na rin sa pagod.

Isip ako nang isip kung saan ako dadalhin ni Chloe at sa t'wing malalampasan namin ang mga bagay na posibleng pinaghihintayan sa akin ni Dave ay nag-iiba ang hula ko. Kanina akala ko sa Palomo's, kaya nakahinga ako nang maluwag nang lampasan namin iyon. Akala ko din kanina, babalik kami sa Cafe Love. Huhluh! Ang ibang gamit ko, nasa Cafe Love pa.

"Chlow, ang paper bag at gamit na pinaglagyan ko ng spag kanina, nasa Cafe Love pa."

"Balikan na lang natin next time, OK? Lampas na tayo, eh."

Luh. Baka ayaw na akong ibalik ni Chloe dun kasi nga naghihintay na sa amin si Dave. Saan kaya? Saan nga ba talaga ako dadalhin ni Chloe?

Nalampasan na namin lahat ng posibleng pupuntahan namin. Ultimo plaza at park, nalampasan na namin. Papalapit na kami nang papalapit sa bahay. At nang ma-realize ko na wala talaga -- wala talagang surprise na mangyayari -- tinanggap ko na lang ang katotohanang forever assumera ako. Aray. Masakit sa dibdib kong flat.

Huminga ako nang malalim at nang bigla ay napasabi ako sa driver nina Chloe ng "Manong! Stop po muna! Sandali!" Nagulat si manong driver pati na si Chloe kaya dahan-dahang tumigil si manong sa tabi.

"Bakit, Mags?"

"Ah...eh..." Hindi ako makapagsalita at makahinga ng maayos, pero naituloy ko pa rin ang sinasabi ko. "Dito na lang ako, Chlow." Gusto ko ng umuwi mag-isa. Ayoko na -- ayokong mahalata pa ni Chloe ang lungkot na nadarama ko, kaya agad akong bumaba ng SUV nina Chloe at nagpaalam sa kanya. Nang makababa ako ay agad akong naglakad nang mabilis. Tutal nakapagpaalam at thank you na ako sa kanya, ayos na 'yun.

My GF Is So Panget (Various Faces of Liars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon