Chapter 29:
Dave
Nakaramdam ako bigla ng pag-aalala, kaya agad kong sinagot ang tawag niya.
Si ate Erika mula sa france ang tumatawag ngayon.
"Hey, what's up?" ang sabi ko.
"'ello, baby bro!" Sa tono ng pananalita niya ay parang wala namang problema.
"Oh, napatawag ka ate?"
"Bee-cause I miss my baby brohdzer." Nakakailang at mahirap nang intindihin ang accent ni ate -- french accent na ang pagsasalita niya.
"I miss you, too, ate. But I am no longer a baby."
"You arr my baby brohdzer -- always be -- you and 'aime."
"Fine. Eh, ba't ngayon ka tumawag? The last time you called at this time, you have a problem. You rarely call at this time. You should have been studying at this moment, right?" Tang ina, napa-english ako bigla -- ang awkward tuloy.
"Um, yeah, but forget about the lazz time, Dave -- mm, 'ow arr you?"
"I'm fine, ate. How about you?"
"Same eer."
"Ate, pwede ba. Nahihirapan akong intindihin ang French accent mo," ang reklamo ko kay ate. Ang alam ko kasi, hindi nila binibigkas ang letrang "h" at ang "th" nila ay binibigkas nila na parang "z", pero kahiit ganun, nahihirapan pa rin akong intindihin si ate kaya dineretso ko na siya sa reklamo ko.
Marami-rami kaming napag-usapan tungkol sa estado ng pag-aaral niya ngayon. She's doing a great job, ika niya. Nagkwento rin siya tungkol sa bilis niyang matutong magsalita ng wikang Pranses. Nag-sample pa siya sa akin, and as expected, wala akong naintindihan ni isa. Nasabi ko rin sa kanya na dumating na si daddy kanina. Ang sabi niya naman ay hindi siya makakauwi para sa birthday ni mommy dahil sa sobrang busy ng schedule niya. Sa haba ng kwentuhan namin ay hindi ko na namalayan ang oras, ngunit may isang topic siyang nabuksan na bigla kong ikinakaba.
"'ow arr you and Lani?" ang tanong niya.
Sobra na ba talaga siyang busy sa pag-aaral niya kaya wala man lang siyang kahit kaunting alam tungkol sa mga nangyayari sa pamilya niya dito? May internet naman, 'di ba?
Shit. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay ate.
"Ahh -- ano -- ahh," pautal-utal kong bigkas.
"What?"
"Wala na kami, ate, matagal na." Nakahinga ako nang maluwag nang ma-blurt out ko na ang totoo.
Nagkaroon ng panandaliang katahimikan sa pagitan naming dalawa hanggang sa magsalita na siya uli ng "'ey, still zer?"
"Mmm," ang tugon ko.
"So may bagong girlfriend ka na?"
"Ahhh..." Pumasok bigla sa isip ko si Maggie.
"What?"
"Yes."
"So, 'oos ze lucky girl? I mean waz 'er name? Do I no 'er?"
"Nope. You haven't met her. Her name is Maggie, by the way."
"Dave..."
"What?"
"Uhm," narinig ko ang pag-sigh niya, saka siya nagsalita uli ng, "I zo 'er na."
"Ha?" Hindi ko na naman naintindihan ang accent niya.
"I said, I saw her na."
Bull! So alam niya na pala talaga, at hinuhuli niya lang talaga ako kung aamin ako. Hmp, sa Facebook na naman malamang!
"Sa Facebook, right?" ang sabi ko.
"Yes!"
"So how do you find her?" What? Tinanong ko pa talaga 'yun? Kay ate pa talaga, ha! I know, hindi siya boto kay Maggie. I know her type -- her taste.
"Dave, arr you serious?" Fuck. Sabi ko na nga ba, eh. She's a complete replica of mommy.
"Serious saan?"
"with zat Maggie-girl"
"Ate"
"Dave, I know you're type. She iz not. I even 'eard this gayuma-thingy. I know you, Dave.".
Nakaramdam ako bigla ng nginig, at napataas ang boses nang sabihin ko ang, "Ate, please! Ayoko ng ganitong usapan. Hindi ako ginagayuma. And I like Maggie. I love her."
"Dave, calm down. Fine. I call you because of zis issue. Mom 'as told me. I also 'ad a talk with Lani. Dave, Lani still loves you. I know you still feel ze same way to 'er. Wake up baby brogh. You arr not you. You're under a spell. Please, wake up. I am worried, very worried."
Fuck you, Lani! Pati ate ko dinamay mo pa sa kalokohan mo.
"Fuck that Lani! She has nothing to do with me and Maggie. At ate, pwede ba? H'wag kang nagpapaniwala masyado kay Lani. Wala ka dito. Hindi mo nakikita ang mga aktwal na pangyayari."
"Exactly my point! I'm not zer to look after you. And if zat girl, Maggie, really put you under 'er spell, Imma slay zat bitch!"
"Watch your mouth, ate! She's my girlfriend!"
"Ok! Let's calm down. Dave, ang sinasabi ko lang naman, ask yourself. Reflect. Do you really love that girl more than Lani?" Nag-pause siya at nagsabi pa ng "More than September?" Shit! Ate! Anong ginagawa mo sa akin? Pati si September dinamay mo pa.
"Ate, it's late na. Inaantok na ako."
"Wait, Dave. Arr you planning to bring zat girl on mommy's birthday?"
Hindi ako sumagot. Actually, hindi ko alam ang sagot.
"Baby brogh, don't get mad at ate. I'm jaz worried, y'know? And please, you know mommy, don't make a scene on 'er birthday, ok?!"
"K. Good night."
"Wait!"
"What?"
"Ate loves you, remember zat, K?!"
"Love you too" ang mahina at malungkot kong sagot.
"Bye" aniya bago ibaba ang tawag.
Humiga ako agad sa kama ko pagkatapos naming mag-usap ni ate.
Hindi ako natuwa sa pagtatapos ng usapan namin. Mabigat ang dibdib ko. Nangangalay na rin ang noo ko sa pagsasalubong ng mga kilay ko. Gusto kong huminahon pero hindi ko magawa. Sinubukan kong huminga nang malalim nang paulit-ulit, pero naiinis pa rin ako. Bakit ganun silang lahat?
Bakit nga ba si Maggie pa ang naging girlfriend ko? Karma ko na ba 'to? Karma sa panggagamit ko sa kanya? Kinakarma na ba ako kaya nakakaramdam na ako ng sakit o dahil mahal ko na talaga si Maggie?
12:15 am ang sabi sa digital clock na nasa bedside table ko, kaya pinatay ko na ang ilaw sa kwarto ko para matulog.
Ilang oras na ang nakalipas ay hindi pa rin ako makatulog. Papalit-palit ako ng pwesto. Dadapa, hihilata, tatagilid sa kaliwa, sa kanan, maging ang paglipat ng pwesto sa paanan ko ay nagawa ko na, pero hindi talaga ako makatulog. Pilit na pumapasok sa isip ko sina Maggie, mommy, ate, mga relatives ko, mga pwedeng mangyari mamaya sa birthday ni mommy, si Lani, pati na si September. Puchaaaaa!!! Gusto ko nang matulog!
BINABASA MO ANG
My GF Is So Panget (Various Faces of Liars)
أدب المراهقينMukhang prinsepe ang lalake. Usap-usapang mangkukulam naman ang babae. Sa mundo kung saan namumuhay ang iba't ibang mukha ng mga sinungaling, silang dalawa ay magtatagpo, magmamahalan, at magkakasakitan. © 2012 http://princeofbanat.tumblr.com/