Chapter 31:
Dave
Natigilan ako nang makita ko si Lani. I admit, napakaganda niya tonight, pero kahit gaano pa siya ka-attractive, hindi ko gusto ang presence niya dito sa birthday ni mommy.
Nang matapos ang dinner ay lumayo ako sa mga bisita. Sobra akong naiinis sa mga pangungulit ng mga relatives at ilang kaibigan ko tungkol kay Maggie at Lani. Puro pangungutya lang ang naririnig ko sa kanila. Ayoko namang tumambay kasama sina Dan at Don dahil kasama rin nila si Chloe. Umiiwas rin ako kay Chloe dahil ayoko pa siyang makausap tungkol sa tunay na nararamdaman at palabas na binuo ko tungkol kay Maggie.
Nagpunta ako sa may pool kung saan walang tao. Umupo ako sa pool side nang nakataas ang dalawang tuhod. Pinagmamasdan ko ang tubig at kung paano sumasayaw dito ang liwanag ng gabi.
Ilang saglit lang ay may naramdaman akong tao na dumating at umupo sa tabi ko. Nang lumingon ako ay nakita ko ang napakagandang ngiti ni Lani.
"Hi!" ang bati niya sa akin.
Hindi ako sumagot, bagkus ay ibinaling ko muli ang atensyon ko sa tubig.
"How are you, Dave?"
Ayokong siyang sagutin. Wala siyang pakialam sa nararamdaman ko. Ayoko siyang kausapin. Wala akong dapat sabihin sa kanya. Ayoko na sa kanya. Wala na siyang lugar sa buhay ko -- sa puso ko.
"Dave, p-please... Talk to me."
Napilitan akong lumingon sa kanya at sinagot ko siya ng, "I have nothing to say to you, Lani."
"Rockyroad?!"
"I'm not your rockyroad. Lani, ba't ka ba nandito?" I know the answer, actually. Magkaibigan kasi ang mga ina namin ni Lani. Pero ang nakakapagtaka, alam naman nilang we're not in good terms ni Lani, pero nakuha pa nilang pumunta dito.
"You're still my rockyroad, David Angeles de los Santos. I'm still your choco cake, right? You told me that the last time we talked at the phone. Dave, please. Let's stop lying. Let's face the truth. We still love each other. I-I know, ginagamit mo lang si Maria para magselos ako. I know that. Even my friends notice na kapag kayo-kayo lang, you are not sweet with Maria, but when I'm around -- instantly -- nagiging sweet kayo. Isn't it obvious that you're doing that to make me jealous? Fine, Dave! I am jealous... because ... I still love you."
Nanginginig ang boses niya habang sinabi niya iyon. Naramdaman ko ang sincerity niya. Bawat tulo ng luha niya ay agad niyang pinupunasan. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Siguro kung noon niya pa ito sinabi sa akin, malamang, kami pa rin hanggang ngayon, pero wala na talaga akong nararamdaman para sa kanya.
"Lani... For the nth time, I am not your rockyroad -- anymore. Same as you're not my choco cake anymore. I feel nothing for you now."
"Don't say that please! Even anger, Dave? Say you're still mad at me. Say you want to curse me! Shout at me! Slap me! Hurt me! Because you're mad at me, Dave! Tell me you hate me! Para kahit galit man lang, masasabi kong may nararamdaman ka pa rin para sa akin. Kasi kahit galit pa 'yan, I will give out my best mawala lang ang galit mo at maibalik ang pagmamahal mo sa akin." Huminto siya sa pagsasalita pero hindi sa pagluha. Hindi ko naman alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Itinuloy niya ang sinasabi niya, "Isn't it clear, Dave, nagpapkumbaba na ako sa'yo kasi nga -- kasi it's my fault. I'm sorry! I pushed you in that situation. I'm sorry, so please don't tell me you feel nothing for me anymore."
"L-Lani, believe it or not, the moment you started bursting out all of that, I have lost every anger I have for you. I have forgiven you. And now -- I do feel nothing for you. Sorry."
BINABASA MO ANG
My GF Is So Panget (Various Faces of Liars)
Teen FictionMukhang prinsepe ang lalake. Usap-usapang mangkukulam naman ang babae. Sa mundo kung saan namumuhay ang iba't ibang mukha ng mga sinungaling, silang dalawa ay magtatagpo, magmamahalan, at magkakasakitan. © 2012 http://princeofbanat.tumblr.com/