Chapter 40: Rainbow

29.8K 153 47
                                    

Chapter 40: 

Maggie

Nabigla ako sa na-receive kong text message from Chloe: Mags, I’m coming to your place now ^^. Patay na. Hindi pwede ‘to. Bawal, kasi nga grounded ako. Kinabahan ako sa text ni Chloe. Narito pa sa bahay si mama, at kabilang sa mga ipinagbabawal niya ngayon ay ang pagtanggap ko ng mga bisita lalo na kung sila na mga kaibigan ko ngayon sa SHU. Napatingin ako sa wall clock namin, 8:30 am ang sabi nito. Napanatag ako dahil oras na para pumasok si mama sa Palomo’s. Patago akong nag-reply kay Chloe: Chloe, wer kn? Malapit knb? D2 p c mama. W8 lng. Pls. Stand by k muna. Txt kta pag wala n c mama.

Hindi ako pwedeng lumabas ng bahay; gumamit ng internet; magbabad sa cell phone; tumanggap ng bisita; at lumabas ng bahay nang hindi nagpapaalam, hanggang sa makabalik ako sa school. Regulated ang paggamit ko ng phone, pero hindi naman talaga ako mahigpit na binabantayan ni mama sa paggamit nito—kusa ko lang talagang binabawalan ang sarili ko, lalo na sa pagtawag at pag-text sa mga kaibigan ko. Siyempre, ayokong ma-miss ang mag kaibigan ko kaya hindi ko na lang pinapansin ang phone ko, kaya na rin nagpapaka-busy ako sa pag-aaral.

Nag-reply si Chloe na sabihan ko na lang daw siya kapag nakaalis na si mama para makapasok na siya. Ilang saglit matapos makaalis ni mama ay nag-text na ako kay Chloe na maaari na siyang pumasok. Kinausap ko rin ang mga kapatid ko na huwag babanggitin kay mama na nagpatuloy ako ng bisita. Nakokonsensya ako sa muli kong paglabag sa utos ni mama, pero hindi ko naman magawang palayasin si Chloe.

Sinalubong ko si Chloe sa gate. “Mags!” aniya na may kasunod na pagbeso sa akin. “Pasok ka,” sabi ko kanya. Nasa sala ang mga kapatid ko habang nanunuod ng TV nang papasukin ko si Chloe.

“Good morning,” bati niya sa mga kapatid ko.

“Good morning,” ganti ni Marian, habang si MJ naman ay ngumiti lang.

Tumuloy kami sa likuran ng bahay namin kung saan nakatanim ang mga gulay ni mama. Sa harapan kasi ng bahay namin nakatanim ang mga bulaklak niya. Dito ko siya dinala para patago. May maliit na lamesa at upuan dito sa likod kung saan kami umupo ni Chloe para mag-usap.

“Gawd, how are you, Mags?” Kitang-kita sa mukha ni Chloe ang pagkasabik niya sa akin. Na-miss ko rin siya sa totoo lang kaya napangiti ako sa tanong niya at sinabing, “Okay lang. Na-miss kita.”

“Yes. I miss you, too. We all miss you, actually. Um, nope. Dave’s the one who misses you soooo much!”

“Sinabi niya ‘yun?” tanong ko. Hindi ko pinapansin si Dave nitong mga huling araw. Hindi ko nire-reply-an ang mga text niya, at hindi sinasagot ang mga tawag niya. May kasalanan pa kasi siya sa akin, ang tungkol sa Typhoon Lani.

“Nope! He didn’t say that. He didn’t actually need to say that, because it’s very obvious that he misses you sooo much, like very noticeable, Mags.”

Nawala ako sa sarili ko bigla nang marinig ko ‘yun, lalo na ang mahabang ‘so’ niya. Oo, alam kong miss na miss na ako ni Dave, dahil lahat ng text niya’y paulit-ulit kong binabasa, pero masarap talagang marinig mula sa ibang tao na nami-miss ka ng taong mahal mo—hindi dahil sinabi sa kanya kundi nahalata niya. Iniisip ko tuloy ang itsura ni Dave habang naiinis kasi hindi ko siya nire-reply-an.

Tiniis ko talagang huwag reply-an ang lahat ng text niya, at huwag sagutin ang mga tawag niya, dahil galit ako sa kanya. Galit ako dahil nga sa Typhoon Lani—ang nakapanlulumong scandal nila. Shit! Umiinit ang ulo ko kapag naaalala ko ‘yun. Alam ko namang si Lani talaga ang puno’t dulo ng video na ‘yun at inosente si Dave. Ang ikinaiinis ko lang, bakit hindi niya man lang sinabi sa akin na naroon din pala si Lani nang gabing iyon? At siyempre, nagselos ako. Makita ko ba namang nakikipaghalikan ang boyfriend ko—hindi lang sa ibang babae, kundi sa ex-girlfriend niya pa. Alangang magpa-party ako, ‘di ba? Dumagdag pa ang grounded status ko.

My GF Is So Panget (Various Faces of Liars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon