Chapter 7 : Group Date

4.9K 42 2
                                    

My Right kind of Wrong

Chapter 7 : Group Date

 

Restaurant, Present day

“Ate!” sigaw ni Gab sa tenga ni Sarah na naiwan sa loob ng sasakyan. “Ang lalim ata ng iniisip mo ate! Si kuya Ge ba?” loko ng kapatid nito.

“Alam mo ikaw! Kung ano-anong pinag-sasabi mo!” Sagot nito sa kanya at inilagay ang kamay niya sa mukha ng kapatid sabay tulak dito. Bumaba na sila ng sasakyan at pumunta na sa restaurant.

Naglalakad si Sarah papunta sa restaurant nang marinig niya ang phone niya.  Tiningnan niya ito at nakitang natawag sa kanya si Shin.

“Hello” bati ni Sarah

“Bakit parang ang lungkot nang boses mo?” pansin ni Shin ang lungkot sa boses ni Sarah.

“Wala lang kagigising ko lang kasi.”

“Ah.. ganun ba. Eh Sars sama ka samin!”  sabi ni Shine.

“Saan? Tsaka kelan? Baka kasi may sched ako nun.”

“Sa Trinoma. Saturday night. Tsaka Don’t worry Sars, tinanong ko na kay Tita kung meron ka bang schedule that night sabi naman niya wala so tara na! please!”

“Osiya sige!” ngiti ni Sarah. Pagkapatay niya phone narealize niya na nakalimutan niyang itanong kung sino ang mga kasama. Pero hindi na ito inisip pa ni Sarah at tumuloy na sa paglalakad.

“Sarah anak!” kaway ni Daddy Delfin. Lumapit na agad siya sa ama at hinalikan ito sa pisngi. At ganun din ang ginawa niya sa mga kapatid.

“Eh ma, bakit nga pop ala tayo kumain ngayon dito? Ano po bang okasyon?” tanong ni Sarah

“Sabi kasi ng ate Shine mo eh may ipapakila daw siya sa atin. Kaibigan niya daw galing Paris.” Sagot ni mommy D.

“Kaibigan ba or Ka-ibigan?!” natawa ang lahat sa sinabi ni Gab.

“Mommy! Daddy!” napatingin silang lahat sa pinto ng marinig nila ang boses ni Shine. Mabilis na lumapit si Shine sa pamilya habang hila-hila ang kaibigan. Humalik siya sa mga magulang at yumapos sa mga kapatid

“Ma, Pa, Sars, Johna, Gab” sabi nito sa pamilya “ I want all of you to meet Matthew.”

“Hi” sabay-sabay na bati ng magkakapatid.

“my boyfriend” dagdag niya. Napansin ni Sarah ang itsura ng parents niya. Nakatitig lang ang mga ito kay Matthew.

“Good Day to you sir, ma’am” bati ni Matthew. Tumayo sila Daddy Delfin at kinamayan siya. Niyapos naman ni mommy Divine si Matthew.

“Nice to meet you Iho.” Bati ni mommy D. kay matthew. “I’ve heard so much about you. Kwento ng kwento itong anak ko tungkol sa’yo” masayang sabi nito. Napangiti nalang si Matthew dito. Pinaupo na sila ni Daddy Delfin. Maya maya lang ay dumating na ang mga order nila. Masaya ang naging kwentuhan nila pero nang mapatingin si Johna kay Sarah ay napansin nito na parang tuliro ang kapatid; parang napakalalim ng iniisip nito.

Bakit ganito? Bakit hindi ko mapigilang maingit kay ate? Bakit sa tuwing titingin ako sa kanila ni Matthew at kila mommy ay sobrang ang kirot na nararamdaman ko? Naalala ko tuloy nung ipinakilala ko si Gerald sa kanila bilang boyfriend ko. Kung nakita niyo lang ang reaksyon ni Daddy at lalo na yung mommy. Halatang halata nag pekeng ngiti sa mukha niya.

Kaya naman pala nilang maging Masaya at maging supportive sa amin eh bakit hindi nila magawa sa akin yun? Baka tama nga ang sinasabi nung iba na kaya nila ito ginagawa ay dahil gusto lang nila akong kumita ng pera para sa kanila.

Sabi ni Sarah sa kanyang isip. Hindi niya napansin na pinaglalaruan nap ala niya ang dessert na inorder niya. Mabuti nalang at hindi ito napansin ng parent niya. Mahinang pinalo siya ng ate Johna niya sa hita para kahit papaano ay bumalik ito sa ulirat. Napatingin nalang siya sa ate niya at inilapit nito ang bibig niya sa tenga ni Sarah.

“Sars, wag ka muna magemote dito mamaya na sa bahay. Baka ka mapansin nila mommy, mahirap na.” bulong ng ate niya.

Ngumiti nalang si Sarah dito at kinain na ang kanyang dessert.

Saturday night, Present day

“Sars! Sa wakas dumating ka narin!” bati ni yeng nang yumakap ito kay Sarah.

“Sorry sis ha nakatulog kasi ako kanina eh nalate ako ng gising” paliwanag nito.

“Hayy naku nevermind na nga, tara nag-iintay na sila sa loob” pumasok na sila. Nang makapasok si Sarah ay nakita niya sila  Shin, Iya, Mark, Angeline, Christian at Bryan.  “Sarah! Atlast naandito ka na! “ bati ni Iya.

Naghahanap siya ng bakanteng upuan at ang nakita lang niyang upuan ay ang nasa tabi ni Bryan.

“Ah Sarah dito ka nalang umupo.” Tumayo si Bryan para alalayan si Sarah sa pag-upo.

“Ay salamat” nakangiting sabi niya kay Bryan. Nakuha nilang dalwa ang attention ng lahat.

“May hindi ba kayo sinasabi saamin?” Tanong ni Angeline. Tumawa naman lahat habang napayuko si Bryan at namula si Sarah.

“Hindi kasi nung nagreheasal kami para SGL ay nakausap ko tong si Bryan.” Sagot ni Sarah

“Ah so close na kayo ngayon?” Singit ni Mark. “Hindi naman.” Singgit ni Bryan.

“Ah sige kung jan ba naman kayo Masaya eh.” Tukso ni Iya “Nako Iya kung ano nanaman ang sinasabi niyo jan! kaloka kayo!” pabirong sabi ni Sarah.

Naging Masaya ang naging gabi ng lahat. Marami din silang napagkwentuhan dahil sa tagal na hindi sila nagkita-kita. Pero ang kapansin-pansin ay halos si Bryan at Sarah ang magkausap buong gabi. Hindi ito napansin ng iba bukod kay Shin at Yeng. Busy ang lahat sa kani-kanilang pag-uusap nang mapansin ni Sarah ang oras.

“Guys, I need to go. Mag te-ten o’clock na pala. Baka hinahanap na ako sa amin” Pagpapaalam ni Sarah sa mga kaibigan.

“Ay ako rin sabay na tayo Sars, ako na maghahatid sayo.” Sabi ni Shin. Tumango nalang si Sarah para sabihin na okay sa kanya ito. “Guys alis na kami ha. Bye na” bumeso na ang dalawa sa lahat ng kaibigan nila na naandoon.

Habang naglalakad ang dalwa papunta sa parking lot ay tinanong ni Shin si Sarah tungkol kay Bryan

“Parang ang tagal niyo magkakilala ha!”

“Hindi naman. Actually nung rehearsal ko lang talaga siya nakausap ng matagal. Pero naririnig ko na ang pangalan niya dati pa.” sabi ni Sarah sa kaibigan.

“Talaga?! Akala ko matagal na kayong friends kasi kung magtawanan kayo kanina eh parang kayo lang ang tao sa resto. How come?”

“Well, siguro dahil ang gaan lang niya kausap. Alam mo yung feeling na puro Good vibes lang pag siya kausap mo.”

“Ah I see.” Sabi ni Shin na satisfied na sa sagot ng kaibigan.

Nang makauwi na si Sarah ay nabasa niya ang isang text sa phone niya.

From: 0917*******

Salamat sa kanina!  see you tomorrow sa SGL !
Sana nakauwi ka sa bahay niyo ng safe
Good night. 
                       -Bryan

Nagulat si Sarah nang mabasa niya ang message na galing kay Bryan. Hindi niya alam kung paano nito nakuha ang number niya pero hindi niya namalayan na nagrereply na pala siya sa binata at may ngiti sa kanyang mukha.

To: Bryan

How did you get my number?
pero Thanks sa pag-aalala. Yes I got home safely and
Okay see you tomorrow sa SGL. Thanks din sa kanina. I Have fun

Inilapag na ni Sarah ang phone niya sa may dresser niya para maglinis na ng katawan at matulog na. 

My Right Kind Of wrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon