Chapter 41: Eye opener

4.4K 63 7
                                    

My Right Kind Of Wrong

Chapter 41: Eye opener

Sinamahan na ni Fred si Ken sa pagbabantay kay Gerald. Halos 5 oras narin nang matapos ang surgery ng binata, ay hindi parin ito nagkakaroon ng malay.

“what?” tanong ni Fred kay Ken na kanina pa pasulyap sulyap sa kaniya.

“huh?”

“you’re looking at me every 2 minutes bro. Anong meron?”

“Anong pinagsasabi mo?” pagdedeny ni Ken

“Ay ewan ko sayo ken!” Nabwisit na sagot ni Fred.

Ano bang meron? Bakit ba ganito tong lalaking to? Parang may gusto sa a-….. Shit! What the fuck?! Fred what are you thinking?! Sabi ni Ken sa sarili. Pasimple siyang tumingin kay Ken na nakatitig rin sa kanya. Nang magtagpo ang kanilang mga mata ay agad namang umiwas ang dalawa sa isa’t isa. Fuck! Sigaw ni Fred sa ulo niya.

Oh crap! HE CAUGHT ME!! Ano ba naman yan ken! Bakit ba hindi mo matigilan ang tumingin sa kanya?? Simula kanina nung magpunta kayo kay Sarah hindi ka na mapakali! Arrggghh! I don’t even know what’s wrong with me, and now I’m talking to myself! Kasi bakit ba naman kasi ganun yung tingin niya ka-

Napatigil sa iniisip si Ken nang marinig niyang umungol ang kuya Gerald niya. Agad siyang tumayo sa kinauupuan at lumapit sa kapatid.

“Kuya?” paulit ulit na tanong ni Ken

“bro? Bro can you hear us?” tanong naman ni Fred dito.

“w-who t-turned off th-the lights?” tanong ni Gerald na naghihina pa.

“Kuya, meron ka pa kasing eye patch So talagang madilim.” Tumango nalang si Gerald.

“Wh-where is Sa-Sar-“ yuon palang ang nalabas sa kanyang bibig, alam na nila ang nais mangyari ni Gerald.  Nagkatinginan si Ken at Fred, hindi nila malaman kung anong sasabihin sa binata.

“She’s stable na kuya, don’t worry. Take some rest muna para lumakas ka.. at para mabisita mo narin si Ate Sars” muli tumango nalang ang binata.

****

“Apat na araw na tayong naghihintay sa pag gising ni Sarah Dii” sabi ni Divine,

“Bakit napapagod ka na?” seryosong tanong nito sa asawa.

“Hindi. Ang ibig ko lang naman sabihin ay natatakot ako sa mga pwedeng mangyari. Ayokong mawala sa atin ang anak natin.”

“Wag ka mag-alala hindi mawawala sa atin si Sarah. Kumpleto parin an gating mga prinsesa.  Kahit ilang araw, o taon man ang antayin ko, hindi ako magsasawang intayin ang pag gising ng dalaga natin”Niyapos ni Delfin ang asawa at humalik sa ulo nito.

“Daddy! Mommy!” sigaw ni Gab mula sa loob ng kwarto ni Sarah.

Agad namang tumakbo ang mag-asawa, sa takot na baka nagkaroon ng kumplikasyon ang anak.

“Bakit?! Anong nangya-“ biglang napaluha si Divine nang makita si Johna na hawak hawak ang kamay ni Sarah na unti-unti nang nabukas ang mga mata.

“Mii anong nangyari kay Sa-“ katulad ng asawa napatigil rin si Delfin nang makarating sa may pinto at makitang gising na ang anak.

Lumapit siya sa kanyang prinsesa, na lumuluha. Kitang-kita ang saya sa mga mata ni Delfin na lalong nagpa-iyak kay Divine.

“Sarah, anak, andito na si Daddy” sabi nito habang hinihimas himas ang ulo ni Sarah. “Kamusta ang prinsesa ko? May masakit ba?”

My Right Kind Of wrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon