My Right kind of Wrong
Chapter 37: Dreams
“Are you busy?”
“Yup. Malapit na kasi yung concert babe di ba.. why?”
“Gusto ko lang sana kasi na sabay tayo magdinner” malambing na sabi ni Gerald dito.
“Osige Babe, sunduin mo nalang ako dito sa IMO’s… Dito na kasi kami ng meeting eh”
“Okay, Babe! See you later” masayang sabi ni Gerald.
“Is it Gerald again?” nakangiting tanong ni Boss.
“Opo” sagot naman ni Sarah na may malaking ngiti sa mukha.
“Hmmm… masyado kayong sweet ha! nakakaingit!” sabi naman ni Teacher Georcelle.
“Wow teacher G. parang wala tong asawa kung maingit ha!” pang-aasar ni Sir Louie dito.
“Eto naman, nakakaingit maging bata ulit… yun yung gusto sabihin..” pagtatanggol nito sa sarili.
“Asus! Palusot pa po kayo, teacher” loko naman ni Sarah.
“Hoy Sars! Akala ko ba you and me against the world?”
“Eto naman! Di na maloko” natatawang sabi ni Sarah.
“OSiya tama nay an, para pagdating ng sundo ng ating princesa ay ayos na tayo dito.” Singint ni Boss Vic.
“Okay” sabay sabay na tugon ng mga ito.
Nagsimula na ulit silang mag usap-usap tungkol sa palapit na palapit na concert ni Sarah.
“So hanggang dun muna tayo ngayon… ayusin muna natin lahat ng napagmeetingan natin today..” sabi ni Boss Vic.
“Okay po Boss..” sabi ni Sarah. Biglang tumunog ang phone ni Sarah, na narinig nang lahat ng kasama niya.
From: Bryan
Sarah Can we talk? Please
Hindi alam ni Sarah kung sasagutin ba niya ito matapos ng nangyari noong isang araw.
“Sino yan bhe? Bakit ganyan itsura mo?” tanong ni Teacher G.
“Ahh…si Bryan po” napatigil ang lahat sa ginagawa.
“Bryan? Anong sabi?” Seryosong tanong ni Boss Vic.
“kung pwede daw po kaming magkita.”
“Anong sinagot mo?” tanong naman ni Teacher G.
“Wala pa po… hindi ko po alam eh.”
“I know that kid… pero I didn’t know na kaya pala niyang gawin sayo yun Sa” sabi ni Boss V.
“Anong ginawa? Is this? About the other night?” sunod sunod na tanong ni sir Louie.
“Yup” simpleng sagot ni Teacher G.
“So it’s true!?! He kissed you?” pabulong na sabi nito kay Sarah.
“o…opo” mahinang sagot ni Sarah.
“Anong sabi niya?”
“Na sabihin ko sa kanya na mahal ko siya.. pero hindi ko kayang magsinungaling sa kanya kaya hindi ko ginawa.. tapos iyon po…”
“Nakita ba ni Ge?”
“Hindi po… sinabi ko lang po sa kanya nung makarating kami sa condo.”
“Eh bakit niya sinuntok kung hindi naman pala niya alam?”
“Nung po kasing hinalikan niya ako ay itinulak ko siya palayo pero lumapit ulit siya at hinawakan ako sa braso.. nakita po un ni Ge..yung nagmamakaawa ako kay Bryan na bitawan ako dahil nasasaktan ako..”
BINABASA MO ANG
My Right Kind Of wrong
Fanfiction"The one that got away" yan ang tingin ni Sarah at Gerald sa isa't isa. Two years after nilang maghiwalay, things started to fall apart for Gerald. He lose her girlfriend because she thinks that Gerald still have feeling for Sarah. Samantalang si Sa...