My Right kind of Wrong
Chapter 11: One big mistake
Sinimulan na ni Sarah ilagay ang gamit sa compartment pero dahil mabigat ang dala niyang bag ay tumayo si Gerald sa upuan para tulungan siya.
Kinuha ni Gerald ang ilalim ng bag ni Sarah at itinulak ito papasok. Nang matapos nila ito mailagay nang ayos ay napansin ng dalwa na magkahawak ang kamay nila. Napatingin si Sarah kay Gerald pero nang lumingon ito sa binata ay halos magkalapit na ang mukha nila.
Ramdam ni Sarah ang hininga ni Gerald at ganun din naman ito kay Sarah. Nakatingin lang sila sa mata ng isa’t isa na para bang nakikiramdam kung sino ang unang lalayo.
“mam, sir, please be seated, we’re leaving in a few seconds” singgit na isang attendant sa kanila. Nauang umupo si Sarah at isinara naman ni Gerald ang compartment.
“Salamat nga pala.” Sabi ni sarah sa binata nang makaupo ito.
“no prob.” Sabi ni Gerald na tumingin kay Sarah na may malaking ngiti sa mukha. Napatingin din naman si Sarah at sinuklian din ang ngiti nito. Kitang-kita ang kinang sa mga mata nila habang nakangiti sa isa’t isa.
“So, pupunta ka pala ng paris?” tanong ni Sarah
“Yup, pupunta kasi ako sa isang wedding” sabi ni Gerald na lumingon kay Sarah na may ngiti sa mukha
Ano! Wedding?! Kaninong wedding?! Don’t tell me na invited ka ni ate. Jusko! Sana hindi naman Napansin niya ang ngiti sa mukha ni Gerald at hindi niya napigilan isipin ito.
“k-kaninong wedding?” tanong ni Sarah.
“Kay Trish… yung bestfriend namin ni Ken”
“Really?! Ikakasal na siya?!” sabi ni Sarah na nakahinga na nang maluwag.
“Yup. Nagkakilala na kayo right?”
“Oo. Birthday ata ni Ken yon” sabi ni Sarah “pakisabi nalang congratulations ha.. salamat” dagdag ni Sarah na nginitian naman ni Gerald.
“I will.” Pagkatapos nito ay natahimik na ang dalawa.
Sa kalagitnaan ng flight ay medyo na bored si Gerald kaya inilabas niya ang ipad niya at naglaro muna. Nang mapansin niya si Sarah na natutulog eh inilagay niya ito sa camera at kinuhanan ng picture si Sarah.
Hanggang ngayon baby girl ang cute cute mo parin matulog! Pinipicturan ni Gerald si Sarah nang bigla itong pumihit at tumalikod sa kanya. “Buti nalang may napicturan na kita kanina” pabulong na sabi ni Gerald.
Bakit niya ako pinipicturan? Ano to taping ulit ng Catch me I’m imlove? Ano ba naman yan kamahalan naman eh! Ang awkward ha! Sabi ni Sarah sarili na ngayon ay nakukunwaring tulog.
Nakangiti si Gerald habang tinitingnan ang picture ni Sarah sa Ipad niya.Nag-unat si Sarah kaya bilis bilis inilipat ni Gerald sa games ang kanyang Ipad.
Lumingon siya kay Sarah na ngayon ay naghihikab pa. “Good Afternoon Sa.” Sabi niya dito
Ngiti lang ang naging sagot nito sa binata, na hanggang ngayon ay pinapakiramdaman niya.
Nang makaayos na si Sarah sa upuan niya ay bigla siyang tinanong ni Gerald
“bakit ka nga pala mag-isa? Nasan sila tita?”
“Nauna na sila. Kasi mas kailangan sila doon ni ate Shine.”
“Bakit? Anong meron?”
“Kasal ni Ate shine eh” masayang sabi nito
BINABASA MO ANG
My Right Kind Of wrong
Fanfiction"The one that got away" yan ang tingin ni Sarah at Gerald sa isa't isa. Two years after nilang maghiwalay, things started to fall apart for Gerald. He lose her girlfriend because she thinks that Gerald still have feeling for Sarah. Samantalang si Sa...