My Right Kind of Wrong
Chapter 29: Wide Awake
“… Hindi ko na kayang magsinungaling pa sa anak natin Dii. Ipagtatapat ko nang h-hindi mo siya anak.. Hindi mo anak si S-Shine”
“What!” sabi ni Shine na ngayon ay nakahawak sa pinto at hindi maipaliwanag ang nararamdaman.
“Mommy anong ibig niyong sabihin?!” gulong gulo si Shine sa mga nalaman niya.
“Nak, Let me explain..” tumayo si mommy Divine at lumapit sa anak.
“Is this the reason kung bakit nagkaganito si Daddy? Huh mommy?!” tanong nanaman ni Shine.
“parang ganun” mahinang sagot nito pero kahit ganun ay narinig ni Shine.
“Oh my gosh dahil sa akin nagkaganyan ang daddy?!”
“No anak hindi! Hindi ikaw”
“then what?!”
“Nak, sa labas muna tayo please”
Lumabas muna ang dalawa at doon nag-usap.
“Sige mii.. explain this all to me.”
“Nak, Nun dalaga pa ako ay meron akong naging nobyo si Rodolfo. Nagkaanak kami at ikaw yun”
“Wait Rodolfo?! Di ba yun yung name ng namatay na nakatatadang kapatid ni Daddy?”
“o-oo nak siya nga… Noong nalaman kong buntis ako ay kamatay lang noon ng ama mo. Ang daddy mo ang unang nakaalam ng tungkol sa’yo. Aalis n asana ako para lumayo sa pamilya ko dahil ikahihiya lang nila ako pero pinigilan ako ng daddy niyo. He tried to stop me from running away, pero itinuloy ko parin. Sinundan niya ako sa pinuntahan ko, sa pampanga”
“and then?”
“Sinabi niya sa akin na aakuin niya ang responsibilidad ng kuya niya sayo. Noong una ayoko. Ayokong masira yung buhay niya dahil sa akin. Pero mapilit ang daddy niyo. Niligawan niya ako at nang tanungin ko siya kung bakit niya ito ginagawa.. ang tanging sagot niya ay mahal niya daw ako mula pa noong una kaming magkakilala.”
Nagtutubig na ang mata ni Shine sa daming emosyon na nararamdaman niya.
“Hindi ako makapaniwala noon.. pero nang makita ko na seryoso siya sa akin ay pumayag narin ako. Naging masaya naman kami ng daddy mo noon magboyfriend palang kami at mas masaya noong dumating ka na. Bago ka pa man ipanganak ay bumalik kami dito sa maynila para ipaalam sa mga magulang namin may anak na kami pero itinakwil kami ng mga lolo’t lola ninyo kaya napilitan kaming magpakasal ng walang ni isang magulang sa aming tabi.”
“Then bakit po ba inatake si Daddy? Dahil po ba dito?” tumulo na ang luha niya.
“Noong isang araw habang nanonood kami ay bigla kang namiss ng papa mo. Sabi niya ay tawagan daw kita pero hindi naman namin magawa dahil maaga panoon iniisip namin na medaling araw pa sa inyo noon. Tapos nung tanghali na katulog ang papa mo, nanaginip raw siya.”
“Ano po yung panaginip niya?”
“Ang sabi niya ay nakita ka raw niyang naglalaro.”
“Naglalaro?”
“Oo nak, nakita ng Daddy mo na naglalaro ka nong bata ka pa. Tapos bigla daw may lumapit sayo at nang makita niya kung sino ito ay nakilala niya na ito ang Kuya niya. Ano mang daw takbo ang gawin niya ay hindi niya kayo mahabol. Hindi siya makalapit. Narinig ko nalang ang daddy mo na umuungol kaya ginising ko siya.”
Nakakunot na ang noo ni Shine sa mga naririnig. Gusto niya malaman kung ano ba talaga ang dalihilan kung bakit nagkaganito ang ama.
“Pawis na pawis siya nang magising… Ang sabi niya ay pilit kang inilalayo ni Rodolfo sa kanya. Narinig niya daw na sinabi nito na babawiin ka na nito sa kanya.”
BINABASA MO ANG
My Right Kind Of wrong
Fanfiction"The one that got away" yan ang tingin ni Sarah at Gerald sa isa't isa. Two years after nilang maghiwalay, things started to fall apart for Gerald. He lose her girlfriend because she thinks that Gerald still have feeling for Sarah. Samantalang si Sa...