My Right Kind of Wrong
Chapter 40: Exclusives
Pagbukas palang ni Ken sa pinto ng kwarto ng kuya niya, narinig na niya ang mommy niya na naiyak.
“Anak, gising na, dib a ayaw mong naiyak si mommy? Gising ka na nak, marami kaming nag-iintay sayo dito.”
“Mom,” mahinahong tawag ni Ken sa ina.
Pinunasan muna niya ang mga luha at tsaka siya lumingon sa anak, “Yes nak? Bakit?”
“Mom, take some rest po muna. Ako na muna magbabantay kay Kuya. Kahapon pa po kayo dito. Wala pa po kayong tulog.”
“Hindi na nak, kaya ko pa. Kumain ka na ba ng dinner?”
“Opo ma, eto po dinner oh. dinalhan ko narin po kayo. Mom, take some rest. Ako na ho, bahala kay Kuya. Sige na po”
“Are you sure iho?”
“Yes mom. Kaya sige na po.”
“Osige, babalik ako dito bukas ng umaga ha”
“Kahit po sa hapon pa ma”
“Hayy nako, para kang kuya mo! Osige mauna na muna ako iho.”
“Bye ma” bumeso si Ken sa ina.
Paglabas ng ina, pumunta si Ken sa tabi ng kama at umupo.
“Kuya you’re my idol, my hero; Please come back, please. Sabi mo sakin dati nung mga bata pa tayo na kahit gaano man katindi ang kryptonite na ibigay nila sayo, you’ll always surpass it. We will make it through together. Kuya ikaw ang Superman ko.. ikaw yung Idol ko Kaya sige na, bumalik ka na sa amin.”
Hinawakan ni Ken ang kamay ng kuya niya at doon, umiyak na siya.
“It’s really hard to see your hero, fall, and weak. Pero alam ko Kuya makakatayo ka and Babalik ka sa amin”
Hinihintay niya magising ang kuya niya, kaya nanood muna siya.
Pagbukas niya ng TV ay naghanap muna siya ng mga magandang palabas kaya palipat-lipat siya ng channel. Pero nang marinig niya ang pangalan ng kuya niya at ni Sarah sa isang palabas, ay agad niyang ibinalik sa nasabing channel.
“Gerald Anderson at Sarah Geronimo, involved in a car accident” sabi ng reporter.
“Last night, a tragic accident happpend to the soon to be married couple. Star Magic and Viva released a statement about the condition of the soon to be married couple. it says that Anderson, is in a stable condition while the popstar princess, is still in the Intensive Care Unit, due to the head injury she suffered.”
“Please pray for our family, Please Lord let them live” tanging nasabi ni Ken sa napanood.
****
“Mommy” sabi ng isang boses mula sa likod ni mommy Divine. Paglingon niya nakita niya si Johna.
“Johna? Anong ginagawa mo dito?” laking pagtataka ni Divine.
Hindi siya sinagot ni Johna, agad itong tumakbo papunta sa ina at yumakap dito.
“Umuwi po ako kaagad nung malaman ko ang nangyari kay Sarah ma. Alam kong kailangan ako ng pamilya natin, sama-sama nating tong malalagpasan” napaiyak si Divine sa sinabi ng anak.
Umalis sa pagkakayakap si Johna “Mii, nasan po si Sars?”
“Halika, dito tayo” inalalayan ni Divinve ang anak papunta sa ICU
Nang makita ni Johna ang kapatid ay agad tumulo ang luha niya.
Napaluha siya ng makita ang kondisyon nito. Agaw buhay ang kapatid niya; ang mga sugat nito sa mukha, sa may ilong, sa pisngi, at ang malaking sugat nito sa may noo.
BINABASA MO ANG
My Right Kind Of wrong
Fanfiction"The one that got away" yan ang tingin ni Sarah at Gerald sa isa't isa. Two years after nilang maghiwalay, things started to fall apart for Gerald. He lose her girlfriend because she thinks that Gerald still have feeling for Sarah. Samantalang si Sa...