Chapter 44
Isang linggo nalang kasal na nila Sarah at Gerald. At ngayon araw na to nakatakdang tignan ni Sarah ang wedding gown niya, na ipinagawa pa nila kay Rajo Laurel, isang kilalang designer sa bansa.
“Sarah! You’re here!” salubong ni Rajo nang makitang pumasok sila Sarah sa shop niya.
“Hello! Ano ready na?” Tanong ni Sarah sa designer.
“Syempre naman! Ikaw nalang hinihintay! So tara?”
“Okay” sumunod si Sarah at ate Shine niya sa fitting room. Naiwan naman ang Daddy niya at ate Johna sa labas.
“Matagal pa ba yan?” nagsisimula nang mainip si Daddy Delfin.
“Dii.. talagang matagal yan, nagsusukat siya ng Wedding gown niya, syempre nanam-namin niyan ni Sars” napailing nalang si Delfin.
“ehem” tinawag ni Shine ang atensyon ng ama at ng kapatid “Sars ready?”
“Yup” excited na sagot ni Sarah.
Lumabas na nga si Sarah ng fitting room. Biglang nawala ang pagkainip ng Daddy niya nang makita ang itsura ni Sarah.
“Wow” manghang manghang sabi ni Johna “ANg ganda mo! grabe!” madiin na dagdag pa nito.
“Ikot ka nga nak,” sabi ni Delfin.
Umikot nga si Sarah katulad ng sabi ng ama. Nakita nilang ang maganndang hugis ng katawan ng dalaga. Ang sleeveless na gown ay kumikinang sa dami ng diamonds na inilagay nito. Ipinapakita ng damit ang makinis na likod ni sarah, ang buntot ng gown ay puno rin ng diamonds at binurdahan pa ito sa batangas.
“Wow!”sabi ni Shin at Yeng na kararating lang.
“Sis, ang ganda mo!” puri ni Shin.
“Oo nga Sars, ang pretty mo!!” dagdag pa ni Yeng.
“Salamat” parang batang sagot ng dalaga.
“Anak, sigurado ka nab a talaga?” bigla tanong ni Delfin
“Dii?”
“Hindi ba dapat si Johna na muna ikasal bago ikaw?” tanong muli ng ama.
“Dii naman, gusto ko naman magkaanak” pabirong sagot ni Sarah.
“Oo nga dii, kung aantayin pa nitong si Sars si Johna ay baka menopause na itong babaeng to”
“Hoy! Makapagsalita kayong dalawa parang wala na kong pag-asa ah!” reklamo ni Johna.
“Medyo” biro ni Yeng kaya napatingin sa kanya si Johna.
“Pero kung meron kang nagugustuhan ngayon, well may pag-asa pa” sabat ni Shine na tumingin at ngumiti ng paloko kay Sarah.
“Teka anong?!” naguguluhang tanong nito.
“Teka Sarah, sigurado ka na ba jan sa gown?” tanong muli ni Delfin.
“Oo nga Sis, ayos naman yung fit?”
“Yung haba okay naman?” magkasunod na tanong ng mga bestfriend niya.
“Yup, okay naman siya, hindi ring anon kabigat yung mga diamonds, I like it”
“We like it too” masayang sabi ni Johna.
“Okay na?” tanong muli ni Delfin
“Yup. Rajo, thanks ha.. ang ganda”
“Your welcome sweetheart” niyapos nito si Sarah.
*****
From:Babe
How’s you day babe? Kamusta fitting?
BINABASA MO ANG
My Right Kind Of wrong
Fanfiction"The one that got away" yan ang tingin ni Sarah at Gerald sa isa't isa. Two years after nilang maghiwalay, things started to fall apart for Gerald. He lose her girlfriend because she thinks that Gerald still have feeling for Sarah. Samantalang si Sa...